Chapter 7: Random

109 8 8
                                    

CHAPTER 7: RANDOM

*

MIN HAE

"O, Kuya? Ba't namumula ka yata?"sabi ko kay Kuya Chen na kaba-baba lang."Ha? Anong namumula?"tanong niya sa akin."Tama nga si Dongsaeng, Hyung. Namumula ka nga. Ano, may nangyari na ba sa in'yo ni Seo--"hindi pa natatapos ni Kuya Kai ang sasabihin niya nang batukan siya ni Kyungsoo-oppa."Kalandian mo, Jongin."sabi sa kaniya nito.

"Tsk, oo na. 'To naman, selos ka Hyung 'no? 'Di bali, 'wag kang mag-alala Hyung. Mahal pa din naman kita e."kinindatan ni Kuya Kai si Kyungsoo-oppa. Kadiri sila, pwede na bang takpan ang mata ko ngayon?"Hoy! Kalandian ninyong dalawa! Jusko po! May mga bata o!"sita sa kanila ni Suho-oppa.

(Blue's moment: OMAYGATH! My KaiSoo feels~)

"Opo, sorry na po Tanda."sabi ni Kuya Kai sa kaniya. Agad namang nag-init ang ulo ni Lolo S-- este Suho-oppa."Anong sinabi mo?!"sigaw niya kay Kuya Kai."Ay, bingi lang? Sabi ko 'tanda'. Heto bente, bili ka ng cotton buds."sabi ni Kai-oppa at nag-abot ng bente nga sa kaniya.

"Aba't talagang---"humarang naman si Chanyeol-oppa sa gitna ni Kuya Kai at Suho-oppa."Mga Hyungs! Chill! Relax lang! Baka dumanak ang dugo dito sa atin!"sabi ni Chanyeol-oppa."Baka gusto mo dugo mo ang dumanak dito?!"sinabi ni Kuya Kai."Ay, hehe. Sabi ko nga, titigil na ako."sabi ni Chanyeol-oppa at umalis na sa gitna nila.

(Blue's moment: Hoy, mali! Hindi Suho! Dapat $uho! Hmpf!)

Manahimik ka, Miss Asul. Ikaw nagta-type nito tapos magre-reklamo ka sa akin? D to the U to the H. DUH lang, Miss Asul.

"Hyung, may black card siya. Kaya 'di niya kailangan ang bente mo."sabi ni Umin-oppa."Ay, oo nga 'no. Sabagay. O Hyung, bumili ka na ng cotton buds mo. Pera mo siyempre ang gagamitin mo, mayaman ka e. Alangan namang bigyan pa kita ng pera 'di ba? Mahiya ka uy."sabi ni Kuya Kai.

"Nasi-siraan ka na ba talaga? Ikaw nga 'tong nagbigay ng bente sa akin kanina. Sus, tapon ko pa 'yun e."mayabang na sinabi ni Suho-oppa."Dongsaeng o! Ina-away ako ni Hyung!"pa-awa ni Kuya Kai sa akin."Kaya mo na 'yan Oppa. 'Wag kang mag-alala, pandak naman 'yan e."sabi ko sa kaniya at tumawa.

"Anak ng--- Pati ba naman ikaw Dongsaeng?! Naku a, pag-uuntugin ko kayo ng sunog na 'yan!"sabi ni Suho-oppa."'Wag kang mag-alala Oppa, tutulungan din naman kita. Sa susunod nga lang."sabi ko sa kaniya."Hahahaha! Buti nga sa'yo!"pang-aasar ni Kuya Kai kay Suho-oppa."Sunog!"sigaw ni Suho-oppa kay Kuya Kai."Manahimik ka nga! Pandak!"sigaw naman ni Kuya Kai sa kaniya.

"Shut up and just eat!"sigaw ni Kapre-oppa--- este Kris-oppa pala."Manahimik ka nga Baba!"sabay na sinabi ni Kuya Kai at Suho-oppa."At least I'm tall. The both of you are like--- dwarves!"pang-eenglish ni Kris-oppa sa kanila.

"Hey! Shut your English! It's blooding my nose!"sigaw ni Kuya Kai."Manahimik ka nga Sunog. Wrong grammar ka pa kamo."sabi sa kaniya ni Suho-oppa."Hello? Nandito pa kaya kami."biglang sabat ni Yeon.

"Teka, nasaan si Seorin?"

*

KINABUKASAN

"Hoy, aalis na ako a. May klase pa kami."paalam ni Precious sa amin."Maka-hoy naman 'to, may pangalan kami 'no."sabi ni Eyi. Iba kasi ang course ni Precious kaya minsan, hindi kami magkakasabay.

"Oo na, alam kong may pangalan kayo. Aalis na ako, bye."walang-ganang sinabi niya. Nang makalayo na si Precious,"Anong problema na naman nun?"sabi ni Eyi."Hayaan mo na 'yun."sabi ko at hinigit na sila para maka-akyat na sa klase namin.

Kung nagtataka man kayo, wala si Seorin. Ewan ko kung nasaan 'yung babaitang 'yun."Uy, alam mo ba kung nasaan si Seo?"tanong ko kay Eyi."Ha? Hindi. Bakit?"sabi niya sa akin."Naalala mo 'yung kagabi? Wala siya e. Tapos ngayon wala din siya."sabi ko sa kaniya. Seorin, nasaan ka na ba?

Living With My 12 Oppas [EXO FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon