EYE TO EYE RELATIONSHIP
(one-shot story)
By: FallenAngeLinPINK
EYE TO EYE RELATIONSHIP...
Yan lang ang relasyon na meron kami.
Ni hindi kami magkakilala.
Ngunit tuwing magkikita kami, parang umuusap ang aming mga mata.
Sa di malamang dahilan, nagustuhan ko siya.
Ni hindi nga siya ganun kagwapo pero bigla na lang na nakaramdam ang puso ko ng paghanga sa taong iyon.
Sa bawat araw na lilipas,
Nadagdagan ang oras ng pagkikita namin ngunit hanggang tingin lamang.
Titingnan ko siya sa mata at makikita kong nakatingin rin siya sa aking mga mata.
Mahahalatang parang may nais iparating ang bawat pagtinging iyon.
Lumipas ang ilang araw, nanatiling ganun ang relasyon namin.
Wala akong alam sa kanya at ewan ko lang kung kilala ba niya ako.
Madalas na rin kaming nagkakasalubong,
At sa pagkakasalubong na iyon, parating umuusap ang aming mga mata.
Hanggang isang araw,
Nakita ko siyang nakaupo na katapat ng inuupuan ko.
Wala akong magawa ng mga oras na iyon.
At dahil nga nakita ko siya,
Hindi ko napigilan ang sarili kong tingnan siya.
May kung ano talaga sa kanya kung bakit hindi ko maintindihan ang sarili ko...
.. dahil sa tingin ko,
... Nahulog na ang loob ko sa kanya.
Lumipas pa ang ilang buwan, nalaman ko na ang pangalan niya.
Ngunit hanggang doon lang.
Masasabi ko talagang gusto ko na siya ngunit malayo sa MAHAL ko na siya.
Tuwing magkakasalubong kami at magkakatitigan, parang gusto ng sumabog ng dibdib ko sa tuwa
Sapagkat makita ko lang siya,
Buong buo na ang araw ko!
Simula non, palagi ko na siyang hinahanap-hanap.
Minsan nga ay nagmukha pa akong stalker para lamang malaman kung san ang punta niya.
Ngunit hindi doon nagtatapos ang lahat.
Nagkakilala na kami dahil pinakilala siya sakin ng kaklase ko dati.
Naging magkaibigan kami,
Textmates pa nga kami eh.
Hanggang sa marealize ko,
Kapag pala hindi ko siya nakikita,
.. hindi ko nararamdaman ang sabik sa aking dibdib na nagsasabing ‘sana makita ko na ulit siya’.
Nagpatuloy ang aming pagkakaibigan,
Hanggang marealize ko muli na,
Sadyang napukaw lang talaga ng pagtitig niya ang sabik na nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya,
At hanggang doon lang iyon...
.. wala nang iba.
Hindi ko siya mahal..
.. at hinding-hindi mangyayari yun.
Dahil ang relasyon namin ay hanggang pagtingin lamang.
Na nangangahulugan lamang..
.. na kapag hindi kami nagkakatinginan at kapag malayo kami sa isa’t-isa,
Wala na rin ang paghangang nararamdaman ko.
Hanggang doon lang kami,
.. wala nang pag-asang humigit pa yun doon..
.. sapagkat ngayon,
... may iba nang pumupukaw ng aking paningin,
Walang iba kundi...
.. ang kaisa-isang taong aking mahal.
Marahil, panandaliang paghanga lamang iyon...
At hinihiling ko ngayon na sana..
.. Makita na niya ang taong mamahalin niya
.. mamahalin niya ng buong puso...
at hindi yung hanggang tingin lang.
-THE END-