"Uy, ang aga aga yan na naman ang hawak mo." Halos mapatalon ako sa gulat. Lumingon ako kay Julia at ayun tawa ng tawa. Sige tawa pa. Andito kasi ako sa floor at nakasandal sa edge ng kama.
"Tss". Sinamaan ko lang siya ng tingin pagkatapos tumayo na ako at nilagay sa study table ang hawak ko. Dumiretso na ako sa banyo at gagawin ko na lang ang daily routine ko pero si Julia ayun tawa parin ng tawa.
"Tss. Eh ikaw nga ang aga aga kung makasigaw ka wagas." Inis na pagkasabi ni Ate kay Julia. Malamang nagising yun sa lakas ba naman ng boses ni Julia.
Pagkatapos kong gawin lahat ng gusto kong gawin sa banyo lumabas na ako at sabay na pumasok si Ate at Julia sa banyo. Eeeh, wala ka nang pake kung sabay sila. Okay. Pumunta ako sa study table at kinuha ko yung magazine ko. Hihiga pa sana ako ng magsalita si Manang
"Kain na!" Sigaw ni manang na nakadungaw sa pinto.
"Opo." Yan na lang ang nasabi ko at bumaba na ako.
Pababa akong hagadan ng utusan ako ni Mommy.
"Nak, Pakikuha nga yung CP ko sa garden." Sabi ni Mommy ng naka-puppy eyes pa ah. Ganyan ka-bagets nanay ko. :D
"Opo Mie." Habang tinititigan ko yung maamo niyang mukha sa magazine. Nakaka-adik.
"Make it faster, baby." Atat talaga si Mommy. Hayy naku!
"Excited makita yung phone?"
"May sinasabi ka, nak?"
"Hehe, wala mie." At ayun tumakbo na ako. Agad ko naming nasight ang pinakamamamahal na phone ng mommy ko at inilapag ko yung magazine at kinuha yung pinakamamahal na phone ni Mommy at pumasok na ako sa loob.
Pagpasok ko sa loob agad na din akong na-upo at sinimulan na ang pag-lamon. :D Nandito na din sila Ate at Julia.
"Oh nak, ang lapad ng ngiti ah." Sabi ni Mommy.
"Eh panu tita natitigan na naman niya ang Prince Charming niyang hindi gumagalaw." Sinamaan ko siya ng tingin at tumawa lang sila ni Mommy at talagang nag-apir pa sila. Nakita ko si Ate nakangiti. Aaah, alam ko na.
"Ate ano bang meron sa pagkain mo at kung makangiti ka diyan eh parang wala ng bukas."
"Kaya nga, Nak." Pagsang-ayon ni Mommy.
"Boylet yan ano?! Si Kuya Coconut no?!" Pasigaw na tanong ni Julia. Wooh, Successful ang plano hindi na ako ang nasa Hot Seat. Hahah.
"Oo kas—" Hindi na naituloy ni Ate kasi sumungit si Manang. Aish! Agaw-eksena talaga si manang.
"Ikaw Kathryn kung saan-saan mo to nilalapag." Sabay abot sa akin ng Magazine ko. Ah oo nga pala nakalimutan ko sa labas. Hayy. Buti na lang at nakita ni Manang.
"Hay ayan na naman. Hindi ka ba nag-sasawa sa mukha niya." Julia
"Tse." And I give her ayan-ka-na-naman look. Ako na naman ang nasa Hot seat. Anubeyen!
"Let me see your Prince Charming baby." At inabot ko naman yung magazine kay Mie.
"Oww, gwapo siya, pogi siya at nasabi ko na bang gwapo siya. Hahah. Hay naku kumain na nga kayo." Biro ni Mommy. Nagtawan na lang kaming lahat.
And yes, I’m inlove sa stolen picture ng lalaki sa isang magazine. Yeah I know it’s kinda weird pero anong magagawa ko it hit me na lang eh.
**AN
Hello. Sana po nagustuhan niyo. Kathniel ang napili ko kasi effortless sila magpakilig eh. Kinikilig din ako sa Princess and I.
Tsaka dahil din sa kanila kung bakit ako napunta dito sa Wattpad. :P
Pagpasensyahan niyo na lang po yan lang nakayanan ko eh. :))
-sydney-
BINABASA MO ANG
Fancy Guy (HIATUS)
FantasyHey, I'm Kathryn. I'm inlove and I know it's normal. But here is the problem. Na-inlove ako sa stolen picture ng lalaki sa isang magazine and I don't even know this guy. Yeah I know it's kinda weird but it hit me nalang eh.