Louis #2: The EX Boyfriend.

16 2 0
                                    

Freya's POV

 

"Louis?"

"Ako nga. Kamusta ka na?"

"I'm doing good. Ikaw?"

"Eto, kakagaling lang sa trabaho. Dinner tayo? Kung okay lang sayo." In the end pumayag ako na mag-dinner kami. Wala naman akong gagawin, well.. pwede pa naman ako maghanap ng dress some other time. Saka may kaylangan din kaming pagusapan.

"Grabe, laki na ng pinag-bago mo Freya."

"Is that a good thing or a bad thing?"

"Definitely a good thing. You look gorgeous."

"Err.. thanks. You don't look bad yourself either." Totoo naman, kung dati nakabaksak lang lagi yung buhok nya, ngayon nakataas na. And I hate to say this but, he looks really hot especially in that suit. Kung di lang siguro ako sinaktan ng mokong na to e malamang kilig na kilig ako ngayon.

Long story short, naging boyfriend ko si Louis nung high school kami. Schoolmate ko sya, 4th year high school na sya habang ako naman ay 3rd year. Sya yung tipong hindi mo naman masasabing heartthrob pero tinitilian. Labo diba? Hahaha

Well, classmate ko yung pinsan nya na si Claudia. Lagi akong nagpupunta kila Claudia noon dahil malapit lang ang bahay nila sa school. So kapag may projects kami or homework na hindi ko kayang gawin ng mag-isa, sa kanila ko nagpupunta. Nagkataon naman na dun nakatira si Louis sa bahay nila Claudia dahil nasa Canada ang parents nya.

Ayun, nagsimula sa Hi-Hello, hanggang sa naging mag-text mate, friends tapos nanligaw hanggang sa naging kami na nga.

Actually crush ko talaga sya. Sabihin ma natin na isa din sya sa mga naging dahilan kung bakit ako nakamove-on sa bestfriend ko. Sakanya ko kasi naituon ang pansin ko.

Pero hindi sya rebound.

Kasi mahal ko talaga si Louis.

Minahal.

Boto naman si Louis kay Louis. Weird diba? Natatawa nga ako pag kasama ko silang pareho e. Hahaha

"San ka nagtatrabaho ngayon?"

"Sa British airways. Ikaw?" Andito kami ngayon sa Ask Italian. Bihira lang akong kumain dito dahil may kamahalan. Sa totoo lang masaya na ko sa MCDO e. Hahaha pero dahil treat naman nya, e di okay lang.

"Sa company ng daddy ni Nana." Ahh.. si Nana.

Yung pinalit nya sakin.

Flashback

"Freya! Narinig mo na ba ang balita?"

"Huh? Ano na naman yang chismis na nasagap mo?"

"Sila Louis at Nana na pala ah? Bakit di mo man lang sinabi samin na break na pala kayo. Kelan pa?"

Sino daw? Si Louis at Nana?

Break?

"Louis? Yung bestfriend ko? Aba hindi ko alam yan ah. Loko talaga yung mokong yon. 'Di man lang sinabi sakin!"

"Ahm, ano kasi Freya... hindi si Louis Anderson. Si Michael Louis."

End of flashback

"Ah, kamusta naman si Nana? Kayo, kamusta kayo?"

"Okay naman siya. Nasa fashion industry sya ngayon which is why ako nagtatrabaho instead na sya sa company nila."

"Well mukhang masaya ka naman sa work mo so okay na din yun diba?" Which is true. Ibang iba ang aura nya ngayon.

Mukhang happy and contented.

Tumahimik siya.

Maya maya nagsalita din.

"Freya, I'm really sorry about dun sa nangyari nung high school tayo. I know it has been a long time pero may guilt pa din sa puso ko. I'm so sorry."

"Hindi ako magpapaka-plastic at sasabihin sayong okay lang yun. Kasi you should be Loius. You should be sorry. Pero nakamove-on na ko dun. Tayo. Pero pwede ba na ipaliwanag mo man lang sakin yung dahilan?"

Dahilan kung bakit mo ko nagawang ipagpalit at iwan na lang.

Tinignan nya ko sa mata.

His brown eyes.

Yung mga matang minsan sa buhay ko, pinangarap ko'ng titigan hanggang sa huli ko'ng hininga.

But things are different now. We're different now.

"Mahal talaga kita Freya. Pero alam mo naman diba? Na matagal ko na syang gusto bago pa man kita makilala? Kaya nga nung bigla syang umamin sakin na matagal nya na pala ko'ng gusto, alam ko'ng mali. Alam ko Freya. Pero natuwa ako. Sobra ko'ng natuwa na hindi ko na naisip na masasaktan kita. And I was so selfish to think like that pero ganon pala talaga Freya. Pag anjan na yung matagal mo nang hinihintay, hindi mo na maiisip yung naghihintay sayo."

Oo nga pala. Matagal na syang may gusto kay Nana. Sophomore pa lang sila may pagtingin na sya dito. Nagkataon lang na naagaw ko saglit yung atensyon nya kaya nakalimutan nya saglit yung nararamdaman nya kay Nana. Pero saglit lang.

Hay Michael Louis, sinundan mo pa yung heartbreak na dinulot ni Louis Anderson.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: IM SO SORRY GUYS. No excuses, I just want to apologize for failing to update this story. But here's an update. Hope you guys liked it.

~PinkeuPuff

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving LouisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon