"E paano kung gusto kita na maging girlfriend?
Ako naman ngayon yung hindi makapagsalita. Akala ko tuloy nagbibiro lang siya. Hindi naman nakakalasing yung wine na ininom namin kanina a. And hindi naman siya mukhang lasing ngayon.
"Parang ang bilis naman ata? Ka-kakilala palang natin e. Baka nabibigla ka lang Nathan."
"I'm serious Bridget. Habang nasa daan akong pauwi pinagiisipan ko na talaga kung sa sabihin ko ba sayo yan. Pero willing to wait naman ako. Hindi kita minamadali gusto ko lang ipaalam sayo na gusto kita. At willing akong gawin lahat para mapasagot ka. Kahit maghintay pa ako gagawin ko yun. Liligawan kita kahit araw-araw. Willing din akong magpaalam sa parents mo para mapatunayan ko lang sayo na malinis ang intensyon ko."
Kanina hindi siya ganiyan kadaldal nung magkasama kami. I guest gusto niyang panatilihin yung mature and responsible man na image niya sa harap ko.
Hmm pero still hindi ko parin alam yung sasabihin ko. Kahit na naririnig ko naman sa boses niya na sincere talaga siya sa akin.
"Hmm actually ayaw ko naman sabihin na wala kang chance sa akin kasi gusto din naman kita. Nagustuhan ko yung personality mo. And I think nasayo naman na lahat ng gusto ko sa isang lalake pero willing ako na kilalanin ka pa kaya Im going to say yes. Yes as in sa mga sinabi mo na manliligaw ka muna a and maghihintay ka kung kailan na ako ready na sagutin ka. Kaya galingan mo sa panliligaw. Plus points everyday pag naka101 na points ka sa akin. Dun kita sa sagutin."
"Natutuwa naman ako na marinig na binibigyan mo ako ng chance na maging parte ng buhay mo. Thank you hinding hindi ka magsi-sisi pag naging boyfriend mo na ako. Maghihintay ako Bridget."
"Okay sige na matulog na tayo. Late na din o. Mamaya mabawasan pa kapogian mo pag nagpuyat ka."
"Ay hehe pogi pala ako para sayo."
"Oo naman unang kita palang natin kanina nagwapuhan na ako sayo e."
"Mas makakatulog na ako ng maayos ngayon dahil may magsasabi na ulit sa akin na gwapo ako lalo na kung yung babaeng nililigawan ko ang laging magsasabi nito."
"Haha ganun ba. Ikaw ang pinakapogi at pinakaperfect personality na nakilala ko Nathan. Okay na ba yan? Haha."
"Oo okay na yun thanks ulit sa unang gabing ito na nakilala ka. Hindi ko to makakalimutan Bridget. Goodnight."
"Your welcome and goodnight too."
Natulog na ako after that call kasi napagod din ako sa mga gabing ito e. Lalo na yung nangyari kanina sa resto. Itutulug ko na lang yung pagkapikon ko sa lalakeng saksakan ng kayabangan. Sana lang talaga hindi na magtagpo yung landas namin.
Goodmorning world goodmorning life. Tiningnan ko yung oras sa cellphone ko bago tuluyang bumangon sa higaan.
May message akong nakita isa sa bestfriend ko at isa kay Nathan. Haha parang hindi tuloy ako sanay na may nag goodmorning sa akin ngayon minsan iniiwan ko na lang yung phone ko sa kwarto kasi wala din namang nagpaparamdam or nangangamusta lalo na pag weekend. Hindi din naman good morning ang text ng bestfriend ko tinatanong niya lang kung kamusta yung date namin ni Nathan. Haha hindi ko nga pala siya nabalitaan ng mga nangyari kagabi. Sorry naman daw. Nakalimutan ko na sa sobrang pag kabwisit ko sa lalake na yun.
Anyway ite-text ko na lang siya mamaya pag tapos na akong mag hilamos.
After kong maghilamos dumiretsyo na ako sa baba para makakain ng breakfast. Nirereplayan ko na si Amie ng sinabi sa akin ni papa na
"Mamaya na yang cellphone. Kumain ka na muna."
Kaya ayun sa huli hindi ko parin nareplayan si Amie. And hindi ko pa din pala nare-replayan si Nathatan. Haha mamaya na lang siguro after maligo. Maiintindihan naman siguro nila. So ayun after kong naligo.
After kong naligo at nagbihis lahat lahat. Tinextan ko na yung bestfriend ko at kinuwento ko lahat ng nangyari pati yung hindi magandang nangyari kinuwento ko na din. Tinawanan pa niya ako. Pero nag iba din yung reaksyon nung nalaman niya na nililigawan ako ni Nathan grabehan mukhang siya pa yung niligawan kasi sobra pa sa sobra kung kiligin. Sabi niya pa wag ko na daw patagalin yung panliligaw sagutin ko na kasi mabait at hindi mahilig sa babae. Malabo din daw na lokohin niya ako. Hindi naman kasi ganun lang yun gusto ko mutual feelings na kami pag sinagot ko siya. Gusto ko may nararamdaman na akong pagmamahal sa kaniya. Palibhasa kasi sinagot niya agad yung jowa niya e. Haha magkaibigan kami ni Amie pero magkaibang magkaiba kami pag dating sa mga ganitong bagay.
After niyan si Nathan naman ang kinausap ko.
"Goodmorning too. Sorry kung hindi ako nakareply agad tinapos ko muna kasi yung mga dapat kong tapusin ngayong umaga."
After 5 minutes nagreply na din si Nathan.
"Its okay. Nagbreakfast ka na? And tinapos ang alin?"
"Hmm tulad ng mga morning routine, and then magbreakfast, and lastly maligo."
"Ay haha ganun ba buti naman kung ganun."
"So ikaw? Nasa work ka na ba ngayon?"
"Ya I'm already someone needs to manage my business. Pero bago sana ako dadaan dito magdadala na muna din sana ako ng breakfast kung nakareply ka lang agad kanina. Nahihiya naman ako na magsurprise visit sayo. Kasi mamaya magtago ka lang din pag hindi ka pa nakapag ayos."
Natawa na lang ako and nanghinyang kasi fist time na may magdadala ng breakfast food sa bahay kung saka saka-sakali. Pero okay na din yun kasi baka magtago lang ako sa hiya pag nakita niya akong nakapantulog lang.
"Hahahaha buti hindi mo ginawa kasi baka magtatago lang talaga ako."
"Yun nga ang sabi ko. Haha pero kung gusto mo dalahan kita ng breakfast bukas. Pati na din yung family mo "
"Ay naku nakakahiya naman Nathan wag na lang.'
"Haha no I insist ilan bs kayo sa bahay niyo?"
"Haha wag na lang nga kasi. Pwede kong sabihin pero hindi parin ako pumapayag na dalhan mo ako a."
"Okay so ilan kayo diyan sa house niyo?"
"Lima kami dito sa bahay. I have my mom and my dad with my two little brothers."
Hindi ko nakwento sa kaniya na may dalawa akong lalake na kapatid na mas bata sa akin. Hindi naman kasi niya ako tinanong e. Nung nagdinner kami. Tinanong niya lang yung mga interes ko sa buhay.
"Okay sige I will bring 5 breakfast there tomorrow morning. Wait my special delivery there. And I want to introduce myself to your family as early as now. I hope I can earn a lot of points tomorrow."
Pipigilan ko pa sana siya kaso mukhang ayaw niya talagang magpaawat kaya pumayag na lang ako. Haha wala naman masama sa gagawin niya e. And at least ginagawa niya talaga yung effort na sinabi niya sa akin.
"Hay okay fine. Haha mukhang di nakita mapipigilan e. Kaya sige na then po."
"Haha its settle then. Meet you tomorrow morning in your house. And Bridget?"
"What is that?"
"Your already pretty even when you dont put any make up in your face. So dont worry if I see you tomorrow wearing your night shirt. Okay?"
"Hmm okay."
Buti hindi niya ako nakikita ngayon kasi nagbla-blush na ako dito. Tumingin ako sa salamin parang namumula ako na kamatis. Ngayon na naman may nagparamdam sa akin ng ganito after nung tao na yun.
YOU ARE READING
Miss Maldita meet Mr Mayabang
Teen FictionPano kaya kung magbanggaan ang mundo ng babaeng super sa kamalditahan at ang lalakeng super naman sa kayabangan. Would Bridget Salazar fall for Calvin Hernandez in the end?