Tok tok tok
"Bridget anak gising na."
"Inaantok pa ako ma pwedeng mamaya na lang maaga pa naman e."
"May tao sa baba naghihintay sayo. Nathan daw ang pangalan."
Pagkarinig na pagkarinig ko ng Nathan nawala bigla yung antok ko at pinagbuksan ko agad ng pinto si mama.
"Ma ano po ulit yung pangalan?"
"Nathan daw. Ang gwapo anak boyfriend mo? Manang mana ka talaga sa akin pag dating sa pagpili ng boyfriend. Gwapo din ang papa mo e. "
"Ma hindi ko pa siya boyfriend."
"Haha san mo ng i-deny anak okay lang sa amin ng papa mo. Nagkwe-kwentuhan na nga sila sa baba e. Mukhang nagustuhan na din siya ng mga kapatid mo."
"Ma hindi pa nga po kasi. Nanliligaw pa lang. Naalala mo yung gabi na nagpaalam ako na may date ako. Siya yung nakameet ko dun ma. So meaning bago pa lang siya. Hindi ko pa po pwedeng sagutin.
"Ay siya ba yun? Hindi ka naman kasi nagkwento nung pag kauwi mo. Buti siya yung nakameet mo. Mukhang mabait at matalinong bata.
"Haha sige na ma mamaya na yung kwentuhan mag ayos lang ako saglit tapos ba-baba na din ako."
"Sige bilisan mo lang a baka mainit yung bisita mo. Hindi mo dapat pinaghihintay kasi maaga siyang pumunta dito."
"Opo ma."
Pag ka baba ko nakahain na yung dinala ni Nathan na breakfast na sinasabi niya kahapon. At mukhang hindi lang pang limahan na tao ang dinala niya sobra sobra pa. Alam niya din kung ano ang gusto ng mga pagkain ng bata. Kaya ayan nauna ng kumain yung mga kapatid ko. Haha ang cute lang nila kasi katabi nila si Nathan. At mukhang naeenjoy na nilang magpasubo sa kaniya.
"Brux and Brian dito na kayo kay mommy diyan dapat yung ate niyo." Tawag sa kanilang dalawa ni mama.
"Haha okay lang po tita mahilig naman ako sa bata e."
"Anong okay lang kailangan mo ding sumabay na kumain sa amin Nathan hindi ka maka-kakain ng maayos kung nandiyam sa tabi mo yung dalawang baby namin. Nakakalungkot lang kasi ayaw ng matawag na baby ni Bridget kaya prinsesa na lang namin siya."
"Ehem ma kain na o."
Haha umupo na ako sa tabi ni Nathan nung nakuha na ni mama yung dalawa kong kapatid sa tabi ni Nathan.
"Masaya pala dito sa bahay niyo no. I hope ganito din kami ng family ko."
"Hmm bakit naman hindi."
"Malabo na mangyari yun."
"Bakit naman malabo? Nasan ba si..."
"Anak kain na kayo ni Nathan o. Mamaya na yung usapan niyo. Marami pang time para makapagusap. Pero yung pag kain hindi dapat pinaghihintay kaya kain na."
"Opo ma "
"Hehe okay sige po tita."
Nung natapos na kami akala ko makakalis na si mama Nathan pero mukhang nagkakamali ako kasi tinawag pa siya nila mama.
Hay ano na naman kaya ang mga itatanong ni mama sa kaniya.
" So iho ano palang trabaho ng mga magulang mo?" Tanong agad sa kaniya ni papa.
"Business owners po sila sa ibang bansa so bali kaming tatlo lang ng mga kapatid ko ang naiwan dito sa Pilipinas."
"Ano namang business nila dun?"
YOU ARE READING
Miss Maldita meet Mr Mayabang
Teen FictionPano kaya kung magbanggaan ang mundo ng babaeng super sa kamalditahan at ang lalakeng super naman sa kayabangan. Would Bridget Salazar fall for Calvin Hernandez in the end?