Entry#1: 10 Tula Para Sa'yo

42 0 0
                                    

Entry#1

Sampu, sampung tula para sa minamahal ko

Siyam, siyam na papel ang napunit ko dahil di ko alam ang akmang pyesang nababagay sayo

Walo, walong beses nagpaulit-ulit sa utak ko ang sinabi mong hanggang kaibigan lang ako

Pito, pitong beses ko pang pinag-isipan kung itutuloy ko pa ito

Anim, anim na tula ang naisulat ko pero

Lima, lima ang nalukot ko dahil lahat iyon ay walang kwenta para sa iyo

Apat, apat na beses kong pinilit ang sarili ko na umamin sayo at

Tatlo, tatlong patak ng luha ang nag-unahang tumulo at nasayang ng sabihin mong wala kang pake sa nararamdamn ko at

Dalawa, dalawang hakbang ang nagawa ko palayo sayo kasabay ang

Isa, isang ngiti ng pamamaalam tanda na inibig kita ngunit hindi nasuklian ito.

_________

ADD AND FOLLOW ME GUYS.
FOLLOW BACK KO KAYO. Thankyou.

Wattpad: @ayrine005
Facebook:  ireneannplana@yahoo.com
Instagram:  planairene

Poetry Slam COMPILATION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon