Entry#8: ORAS NA

15 0 0
                                    

Entry #8

Oras na.

Mga salitang kinailangan noon ng sandaling masakop  ang bansang kinabibilangan.
Mga Salitang malaki ang parte sa kilos at galaw ng mga taong dumampot ng papel at tinta. Gumamit ng Utak at espada.
Oras na.
Salitang Paulit-ulit na binibigkas ng mga taong nakakulong sa madilim na selda, Nakakapit sa rehas ng kawalang pag-asa, ng minsang mapasailalim sa pamamahala ng presidenteng nagmistulang bakal ang kamay at nagniningas na mga mata.
10 taong namahala, maraming buhay ang nawala.
Oras na.
Tapos na ang lahat ng nangyari sa nakaraan. Huwag na nating balikan ang nakaraang tinapos na ng iilan.
Marami na ang winakasan ang sariling buhay para sa kalayaan, sapat na ang pagkilos nila.
Subalit, ano itong nangyayari sa kasalukuyan?
Hindi mabilang na pagpatay ang sadyang naglalabasan. Maling patakaran at pamamalakad ng mga nasa katungkulan.
Nagbalik ba ang nakaraan? O tayo mismo ang gumuguhit ng ating sariling kasalanan?
Oras na.
Ano bang magagawa ng isang simpleng kabataang katulad ko?
Akma bang kumilos ngayong puno na ng takot ang puso ko. Ngayong imbes na kabataan ang pag-asa ng bayan, kabataan, salot sa lipunan ang kanilang pinaniniwalaan.
Tama pa ba ang gagawing kilos gayong mahina kami at walang kalaban-laban.
Ha"Kalayaan, ang hangad ng karamihan, gayon narin kaming inaasahan ng sambahayan
May lugar pa ba ang takot? Saan pa ito isusuksok kung malaki ang responsibilidad na iniatang sa aming murang kamalayan.
Oras na.
Panahon na upang kumilos
Para sa kalayaang hindi pa pala natatapos
Oras na. Para gumising at hindi magsawalang bahala
Lahat ito ay hindi lang natatapos sa pagsulat ng tula
Hindi ito natatapos sa pagkaubos ng tinta
At hindi ito magwawakas sa simpleng daing ng mga maralita
Lahat ito ay di pa tapos kung hindi pa natin sya nakikilala.
Oras na.
Ito na ang pagkakataon, pagkakataong matagal nya ng hinihintay
Ang maisigaw ang pangalan nya ng mga taong nanggaling mismo sa kanya
Maipakalat ang mabutingbalita na sya mismo ang may akda
Hindi makamundong kalayaan ang kailangan natin
Kundi kalayaan sa piling nya
Sa taong tinaguriang Ama
At tayo ang mga anak nya.

_____________

(A/N: Pyesa ko to nung nag-perform ako sa school nong Independence Day)

ADD AND FOLLOW ME GUYS.
FOLLOW BACK KO KAYO. Thankyou.

Wattpad: @ayrine005
Facebook:  ireneannplana@yahoo.com
Instagram:  planairene

Poetry Slam COMPILATION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon