C H A P T E R O N E▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
"Itigil mo na iyang binabalak mo, Louise. Alam mo ang patakaran natin dito. Hindi kayo maaring magkaroon ng relasyon," mahinang sinabi sa akin ng kagrupo kong si Lily.
Ang kanyang matatapang na mga mata ay diretsong nakatitig sa akin, para bang tinatakot ako gamit lamang ang mga titig niya. I can't blame her for acting this way, because just like what she'd said, love had no room in this kind of place. No one is allowed to fall in love, and breaking the rules may lead to serious consequences.
But unfortunately, her glares doesn't work on me. So as the rules.
Bahagya ko siyang nilapitan. Inilapit ko ang bibig sa kanyang tainga, pagkatapos ay mahinang bumulong. "Alam ko ang ginagawa ko, Lily. H'wag kang mag-alala."
"H'wag akong mag-alala? You're breaking the rules, and yet you're telling not to worry?"
"Yes." I firmly said.
Nang makalayo ako sa kanya, isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Lily. Looking at her expression, I could tell that she already gave up.
She had been trying to convince me not to do anything foolish these past few days. Pero bawat pagtatangka niya ay nauuwi sa wala. Alam ko kung ano ang ginagawa ko, kaya talagang hindi magbabago ang isip ko kahit na ano pa ang sabihin niya.
"Sana nga alam mo ang ginagawa mo," she said, shaking her head. "Dahil hindi matutuwa si Ama kapag nalaman niya ito."
Matapos sabihin iyon ay tinalikuran niya na ako at naglakad patungo sa direksyong pupuntahan niya. Sandali ko siyang sinundan ng tingin, nasa isip ko iyong mga sinabi niya. Alam ko at naiintindihan ko ang gusto niyang sabihin, dahil kaibigan ko siya at ayaw niya akong mapahamak, pero hindi ko talaga iyon kayang sundin.
I'd already fallen way too deep. Kaya magalit na si Ama, pero hindi ko kayang layuan si Troy.
Nang mawala si Lily sa aking paningin ay nagtungo na ako sa aking pupuntahan, kung saan isang trabaho ang naghihintay sa akin. Ang maalinsangang amoy ng dugo ang unang sumalubong sa akin pagkarating ko roon.
Ang bawat yapak ko ay umaalingawngaw sa buong gusali dahil sa kakaunti lamang ang mga taong narito. Dahil din sa kalumaan ng lugar ay mahirap humanga, na para bang napakabigat ng hangin sa buong paligid. Mula naman sa iilang mga kwarto na aking nadaanan, sari-saring ng mga impit na sigaw ang hindi nakatakas sa aking pandinig; sigaw na sigurado akong nagmula sa mga taong nakakaranas ng labis na sakit at paghihirap sa mga oras na iyon.
Inilabas ko ang aking ID at itinapat iyon sa screen na nasa gilid ng elevator sa aking harapan, at ilang sandali pa ay bumukas ito. Agad akong pumasok at pinindot ang palapag na aking pupuntahan, at nang tumunog ito hudyat na nasa tamang palapag na ay lumabas din kaagad ako. Iilang mga tao ang bumati sa akin habang naglalakad, habang isang mas mababang tauhan naman ang sumalubong sa akin nang makarating na ako sa tapat ng kwarto na inatas sa akin.
"Nasa loob na ang babae, Ma'am Louise," aniya sabay abot ng isang itim na mask.
Sandali ko siyang tinitigan, bago kunin ang mask na kanyang inaabot. "Salamat. Ako nang bahala rito."
"Sige po. Mauuna na ako."
Mabagal siyang tumango sa akin, tanda ng kanyang pagrespeto. Bago pa man siya nakakaalis sa kanyang kinatatayuan, agad na akong pumasok sa silid. Nang maisara ang pinto, sandali kong tinitigan ang binigay ng lalaki na mask, bago ito itinapon sa sahig.