*time skip*
"Monday na ngayon. Oras na para harapin sila...I'll be strong, well at least for you." sabi ni Cassie habang iniisip si Rachel.Inayos na ni Cassie ang bag niya at umalis na ng nagba-bike papuntang School.
"Hi, Bess" sabi sakanya ni Melissa habang nagba-bike kasabay sa nagulat na si Cassie.
"Putek na yan, kakagulat ka naman." reklamo sakanya ni Cassie.
"Edi sorry, malay ko bang magulatin ka." kamot-ulong sabi ni Mel.
"Syempre di ko naman expect eh... "
Naalala agad ni Cassie ang nangyari kanila Rachel at Jared."Cass...Okay ka lang?" napansin agad ni Mel ang biglang pagtago ng lungkot ni Cassie.
"Syempre naman😄" tinago lang ni Cassie ang lungkot niya sa ngiti niya.
Tuluyan na silang pumasok sa school ng umakbay kay Cassie si Mel.
"So... Anong meron ngayon? Iho-hokage ka nanaman ba ni Jared?"
Natahimik bigla si Cassie at iniwas ang tingin kay Mel.
"Break na kami Mel, lumubog na yung ship na Jarsie Bes... " Tahimik na bulong ni Cassie kay Mel.
"ANO!?!?" biglang sigaw ni Mel na nag echo sa buong hallway.
Napatingin lahat ng taong nakarining kay Mel at biglang hinila na siya ni Cassie papuntang classroom.
"Grabe ka naman maka-react bes" tamad na sinabi sakanya ni Cassie
"Eh kasi naman bes, nag effort ako na mabuo "kayong dalawa" tapos wala lang? Sayang naman bes. Bakit anyare ba? Nagaway ba kayo? Hindi ka ba niya pinansin? May iba na ba siya" sunod-sunod na tanong ni Mel
Hindi naka kibo ng sandali si Cassie.
"May iba na siya, si Rachel yung pinalit niya sakin."patuloy na sinabi ni Cass habang naglalakad papunta sa upuan niya.
"Okay lang sayo yun?"may pagkalito na tanong ni Mel.
"Ano namang mamagawa ko." sabi ni Cass habang nagsusuot ng earphones niya.
MEL'S POV
Magsasalita pa sana ako ng pumasok si Jared habang naka akbay kay Rachel. Dumiretso agad ako ng tingin kay Cassie na umirap muna sakanilang dalawa bago tumingin sa bintana habang naka earphones.
"Bakit mo toh ginagawa Rach...Iniiisip ko lang, alam mo naman na masasaktan si Cassie eh."
Patuloy na nagtatanong ang isip ko habang nakatingin ako sa nakikipagtawanang si Rachel.Cassie's POV
Hindi na ako naka focus sa lesson namin... Naka earphones nalang ako habang nakatulala sa bintanang basang basa ng ulan.
(umuulan na sa labas)
Patuloy ko nalang iniisip tungkol sa problemang hinaharap ko ngayon...
Madaming tinatanong ang teacher naming si Ms. Joanna pero di na ako nakasagot kasi iniisip ko ano yung sagot sa mga sarili kong tanong...
Tulad ng:
"Bakit niya ako pinagpalit"
"Bakit niya ako sinaktan"
"Bakit nagawa niya sakin toh"
"Wasn't I good enough"
"Naisip ba nya ako"
"Ano bang kasalanan ko"
"May nagawa ba akong mali"
"Karma ba to"
"Naka-move on na ba ako"
Mahal ko pa ba siya?"Uy Cass...Cassie... Andra... CASSANDRA SALVADOR! HOY BUHAY KA PA BA!?" narinig ko na may tumatawag sakin... Di ko siguro napansin sa kakaisip ko.
"BAKIT BA!? NANANAHIMIK AKO DITO! BWISET!"
Inis na sigaw ko bago ako tumalikod."Heh, tinatawag ka nga ng maayos tas di ka mamamansin tumingin ka na kasi sa una palang. Ikaw rin tong ewan eh." Pa-joke na sinabi ni Andre sakin.
"Gusto mo sapak? Mura lang toh. Gusto mo pa special eh, Buy one take one plus one free" bwiset na bwiset na ako dito sa kupal na to😠
"Grabe ka, tatanungin ko lang sana kung bakit di ka pa lumalabas...kanina pa tapos yung klase. Di ka pa ba kakain?" Tanong ni Andre sakin.
"Hay nako...Sige na po kakain na po. Babaye" Sabi ko palabas ng pinto papunta ng canteen.
"Cass! Wait lang!" sigaw saakin ni Andre bago ako makalabas ng pinto,tunalikod naman ako para harapin siya.
"Balita ka naman oh,may sinabi ba si Rachel tungkol saakin?" masayang tanong ni Andre.
Pinaikot ko lang ang mga mata ko at sinenyasan ko siyang sumama sakin papunta sa canteen.
"Bakit ba puro nalang tungkol kay Rachel ang topic ngayon?" tanong ko sa sarili ko.
"Sorry Dre,Talo ka na. Sila na ni Jared at Rachel." matapang kong sinabi sakanya. "Syempre ipapaimpress ko sa Rachel sa paghohokage ko sakanya. Tsaka syempre...tutulong yung kagwapuhan ko,gwapo ko kaya." sabi niya habang nag gwapo sign natawa naman ako sakanya😂
"Weh? Ikaw gwapo? San banda? hahaha"
Patawa na sinabi ko sakanya habang naka peace sign😂✌Nagtawanan muna kami ng saglit ng biglang asarin kami ni Mel. "Uyyyy ang sweet nila,Ayieeeee Cassdre" habang naka ngiti siya ay tiningnan ko na sya ng masama
At biglang nagsabi si Andre ng "Tsk,malabo na bumalik pa feeling ko para sakanya noh!" habang nakaturo sakin.
"Edi waw😂" Sagot ko kay Andre.Pagdating namin sa Canteen humiwalay na saamin si Andre at umupo na kami ni Mel sa malapit na lamesa.
"So ano na bes? Anong bibilhin natin?" tanong ko kay Mel. "Um...ako nalang bibili ng pagkain mo bes,akin na yung pera." mahinhin na sabi ni Mel.
"Luh,bait mo naman. Bakit ba?" pagharap ko sa counter ng canteen nakita ko dun magkaakbay si Jared at Rachel.
"Sabi ko sayo eh,ako nalang bibili dun." sabay pagkuha ni Mel ng
pera sa wallet ko.
"Wag,sasama ako sayo" kontra ko ng maagaw ko yung wallet at pera ko.
"Hay nako, sige na nga bahala ka." sabi niya sakin habang naglalakad papunta ng counter.
"Hi sis😊" bati sakin ni Rachel ng magtabi kami sa pila. "Hi sis😊 Good morning. Hi Jared,ang cute nyong dalawa magkasama grabe kilig si ako😂" sabi ko sakanila. Iniiwas ni Jared ang tingin niya sakin kaya tumango lang siya.Nang umalis na silang dalawa, Minassage ni Mel ang shoulders ko habang sinasabihan ako ng "Push mo yan! Be strong lang bes!" napatawa lang ako sakanya.
*time skip*
Cassie's POV
Nakauwi na ako galing school pero nagaaral parin ako,paano naman kase...tinambakan kami ng Homework kainis. Natigil ako sa pagbabasa ng Noli Me Tangere nang narinig kong tumunog yung doorbell namin. Bumaba ako para buksan ang pinto.Nakita ko si mama na naghuhugas ng plato at nagpunas ng kamay para buksan ang pinto.
"Ma,ako na bubukas." sabi ko kay mama. Ngumiti lang siya at bumalik na sa kusina.Binuksan ko ang pinto at nakakita ako ng 2 babae,yung isa buntis at umiiyak yung isa naman ay nagtatana sa buntis may dala silang mga maleta....
"Tita Bree?"_______
I'll update asap

BINABASA MO ANG
Love Struggles BTS//BLACKPINK (ON-GOING)
RomansPag ayaw sundin ni Pagibig at Tadhana ang gusto mo at pinapili ka between friendship and love... Anong gagawin mo?