30DOL

13 1 2
                                        

Day 1

Papunta tayo sa Tech. Education natin ng una kitang nakita.

Di ko alam kung bakit ngunit akoy napatulala, hindi sa literal na tulala kundi parang hinangaan na agad kita.

Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako mahuhulog sa isang katulad mo dahil halata namang marunong kang maglaro ng pakiramdam ng isang babae.

Ngunit nagulat na lamang ako ng ako'y iyong pansinin.

Tinanong kung anong kurso ang gustong kunin. Sinagot ko naman ang iyong tanong.

Pagkatapos noon ay naghiwalay ang ating landas, at pagkatalikod mo, ako'y napangiti ng bahagya.

Malalaman ko din kung sino ka.

Day 2

Nagmamadali at humahangos akong pumasok sa aming silid aralan ng makita ko sa aking orasan ang oras.

8:32 am,.

Dalawang minutong late para sa unang klase.

Pagkapasok ko ay tiningnan niyo akong lahat ng may pagtataka sa mukha.

Alam ko naman kung bakit.,

Dahil sa aking mukhang punong puno ng pawis at gulo-gulong buhok,

Hindi ko na lamang pinansin iyon atsaka madaling inayos ang aking buhok at umupo sa bakanteng upuan.

Nakinig lamang ako sa aming guro hanggang sa matapos ang kanyang klase.

Lumabas naman ako agad agad sa silid aralan atsaka pinagsasampal ang sarili ko habang sinasambit ang salitang 'Baliw ka talaga. Bat di ka na muna nag ayos! Nakakahiya'.

Ngunit mas nakakahiya ang susunod na nangyari.

Nagulat ako ng bigla bigla mong pinunasan ang aking pawis atasaka ngumiti.

'Kian nga pala'

Atsaka umalis na ito

Kian,. Yan ang pangalan mo.

Day 3

Inagahan ko ang aking pagpasok dahil ayoko nang maulit ang nangyari kahapon.

Masyadong nakakahiya.

Pagpasok ko pa lamang ay may isang lalaking nakaupo sa tabi ng aking silya atsaka tiningnan ako ng may malapad na ngiti.

Kami'y nagkausap at parehas pang pinagalitan dahil sa sobrang ingay daw namin.

Ngayon ko lang napagisip isip na masaya palang may kaibigan ka.

Pero ang tanong na naglalaro sa aking isipan.

Hanggang kailan ba tong pagkakaibigan na to?

Day 4

Meron tayong exhibit sa isang lugar na di ko alam.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

30 days of love (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon