Happiness

327 10 0
                                    

Ayun na dahan dahan kong binuksan yung gate at sa pag pasok ko ng bahay

"Railey!! Bilisan mo"

Bumungad sa akin ang pag mumukha ni tita janeth habang bakas sa mukha niya ang kasiyahan at kagalakan sabay hinila niya ako papasok at mabilis naming tinungo ang loob ng bahay at pag karating namin sa sala, nakita ko si tito paolo na naka upo sa isang gilid at nanonood ng tv at maya maya pa ay lumingon ako sa isang banda at may isang babae na nakaupo din pero nakatalikod siya kaya di ko pa makilala

"Tita bakit niyo po ba ako pinauwi, akala ko po ba may surprise kayo sa akin, eh bakit walang pa decor dito sa  bahay?"
Ang siyang sabi ko

"Gaga ka! Bakit birthday mo ba!?, kung ano man yang iniisip mong surprise, kalimutan mo na dahil mas masaya pa ang surprise na malalaman mo" ang nakaka misteryosong sabi ni tita

"Tita ano ba yun, ano po ba yung nakaka intrigang surpresa na yan!! " ang siyang sabi ko

At ngumiti lang si tita sa akin at sabay ngumiti siya at sumenyas na may parang nginingitian sa likuran ko, kaya napalingon din ako sa likod at sa pag harap ko

"ANAK,......."

Isang napakalambing at nakakaheleng tinig na para bang yun ang mga boses na iyon ang matagal ko nang hinahanap

"Huh!?, sino siya, sino ka?" At sabay batok sa akin ni tita at sabing

"Bruha ka, nanay mo yan"

Kaya nagulat ako hindi ko na kasi maalala yung mukha ni mama, kasi dati maganda siya pero ngayun maganda pa rin naman siya pero, syempre tumanda na din...kaya sa sobrang saya ko hindi ko na siya hinintay pang mag paliwanag o ano mang sasabihin dahil ano pa man yang dahilan ni mama wala akong pakealam atleast tinupad na niya yung pangako niyang babalikan niya ako

"Ohh eehhM Giii, mama!!!"

Kaya agad kong tinangal ang bitbit kong bag at agad akong yumakap sa kaniya habang umiiyak

"Mama!! Mama!! Salamat at binalikan mo po ako akala ko po di niyo na po ako babalikan, mama miss na miss na po kita mama!! Saan ka po nag punta, ano pong nangyari sayo gusto ko pong mag kwento kayo sa akin"
Ang mga sunodsunod kong tanong kay mama

"Haha..natutuwa naman ako anak, rai, miss na miss ka na din ni mama, sige ganito ikukuwento ko sayo ang lahat kapag nadala na kita" ang sabi ni mama

"Huh!? Mama bakit po, saan niyo po ako dadalhin!?" Ang pag tatanong ko sa kaniya

"Isasama na kita sa bahay, iiwan mo na sila tita at tito mo, sasama ka na sa akin" ang sabi niya at sabay tumingin kay tita janeth at sinabing "ate ja, salamat sa pag alaga kay railey ahh, salamat sa mga pagsasakripisyo niyo sa kaniya, kuya pao, salamat din sa pag mamahal kau rai ahh, kukunin ko na siya"

Pagkatapos ay lumapit si tita ja kay mama at sinabing, "ano ka ba ayos lang yun, tska mabait namang bata yan si rai, kaya di mahirap alagaan, kaso malandi lang yan minsan haha"

" luh! Grabe toh si tita.." Ang hirit ko

Sabay nag tawanan kaming lahat

"Sige na baby kunin mo na yung mga gamit mo at mamayang gabi ay susunduin na tayo ni manong driver"

"Sige po mama, saglit lang po, pupunta lang po ako sa kwarto"

At bago ako pumasok ng kwarto nakita kong may inaabot na sobre si mama kay tita ja, at sa tingin ko pera yun tsaka ang kapal

"Ate sige na ito na, tangapin mo na ito para sa pag aalaga sa pamangkin mo"

"Ano ka ba Jana, ayos lang masya naman kaming inalagaan si rai, tsaka ang lakilaki ng pera na yan, baka mamaya maubusan ka na niyan" sabi ni tita

"Ano ka ba ate, kulang pa nga yan ehh sa lahat ng mga ginawa niyo para kay rai, at tulong ko na din yan para pandagdag puhunan niyo ng asawa mo, sa negosyo niyo, kaya sige na ate tamggapin mo na"

"Ikaw talaga, sige na para kay rai"

Hmm kunwari pa si tita gusto din, pagkatapos ay nag yakap sila at siya na ang pag pasok ko sa kwarto

Makalipas ang ilang oras

"Ohh rai, mag iingat ka ma mimiss ka namin ni tita ja mo mag pakabait ka sa mama mo ahh" ang pabaong mensahe ni tito pao

"Opo tito salamat po"

Pagkatapos ay nagyakap yakap ang lahat at ilang saglit pa ay ayan na yung sasakyan, Taray!! Ang ganda ng kotse ni nanay, omg!! Mayaman na ako ooohh haha, pero syempre walang mag babago"

"Halina anak, sakay na"

At sa aming pagsakay ay nag bigay ako ng isang masayang ngiti at isang kaway kala tita at tito at pag pasok namin sa loob, yinakap ako ni mama at yinakap ko din siya, at sabay andar na ng kotse na sinasakyan namin
Grabe isang napakasaya na pakiramdam ang nararamdaman ko ngayon, kasama ko na ang mama ko, then mayaman pa kami, omg!! Napakasaya ko!! Girl!!

T O  B E   C O N T I N U E D

Please dont forget to leave your votes and commemts

OriginalStory by
Simplekiss ^_^

My Half BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon