My Half Brother

579 13 1
                                    

"Anak natutuwa ako at makakasama na kita ulit, hayaan mo di ka malulungkot dun kasi nandun ang kuya Ford mo, makakasama mo siya sa mga bagay bagay, at sigurado akong magkakasundo kayo nun" ang nakakagulat na sinabi ni mama so it means may kapatid pala ako but how?

"Mama, sino pong Kuya Ford, kapatid ko po ba siya, akala ko po ba ako lang anak one and only baby niyo, but I never expected na may kapatid pa po pala ako!!" Ang sabi ko

"Anak...ayos lang ba sayo?" Ang mahinang sabi ni mama

"Mama!! You dont know how much could the presence of happiness comes to me right now, gusto ko kayang magka kuya o ate, nakaka borimg kasi kapag mag isa lang"

"Mabuti naman anak, ganito kasi yun, bago pa man kami nag kakilala ng papa mo may boyfriend na talaga ako nun, at sa kasamaang palad nabuntis niya ako, and then sinabi ko sa kaniya yun, pero hindi daw niya kaya panindigan ang kuya ford mo kaya pinapalaglag siya, pero di ako pumayag kaya pinapili ako ng walang hiya, si ford o siya, syempre pinili ko si kuya ford mo, at pagkatapos nun ang balita ko pumunta daw ng ibang bansa at di na ako kinontak kahit hi, hello man lang wala, kaya nag decide na ako na sabihin yun kala mama at papa at alam din ito ni tita janeth mo, at hangang sa nanganak ako, kila mama at papa ko muna pinaalagaan si kuya ford mo kasi kailangan kong mag ibang bansa, at duon ko na nga nakilala si daddy mo, at dahil utak ang ginamit ko at di puso, kinakailangan kong mag panggap na walang anak kasi ayaw daw niya ng single mother kaya sa ayaw ko man iwan si kuya ford mo...I have to for our future, and then makalipas ang ilang araw nabuntis niya ako, at dahil buntis na nga ako, nag decide siya na lumipat kami ng pilipinas at duon ipagpatuloy ang career niya, but one day habang masaya kami, bumabalik sa akin ngayun yung walang hiya kong boyfriend dati, at dahil nalaman ni papa mo kaya kami nag hiwalay, Hindi ko na din naman binalikan yung walang hiya kong ex, I explain all of this to your father but he never believes me, kaya yun nag hiwalay kami, pero im happy na nakilala ko sila atleast nag ka meron ako ng Ford at Railey kaya masaya na din ako at dahil sa pag sisikap ko gumanda na din ang buhay natin" ang kuwento ni mama

"Grabe nay! Talambuhay talaga, so half brother ko lang po pala si kuya ford, ohh...may lahi din po ba siyang foreigner" ang sabi ko

"Haha di lang lahi anak may dugo kasi Australian yung papa niya kaya gwapo din yun si kuya ford mo" ang sabi ni mama

Omg na excite naman ako sa sinabi ni mama gwapo daw,

"Mama baka ayaw naman niya sa bakla katulad ko, pero di naman po kaladkarin ehh, tsaka virgin pa po ako mama I swear"

"Huwag ka mag alala mabait yun si kuya ford mo, minsan lang talaga maiinitin ang ulo. Pero mabait yun"

"Okay mama" ang siya nalang na naging sagot ko

"Ohhh andito na pala tayo anak, tara na baba tayo" ang sabi ni mama

Kayat pag baba namin ng sasakyan OMG!! Ang laki at ang ganda ng bahay nila wala kang makita sa loob dahil ang taas ng bakod ang ganda ng pag kakadesign at sa paglapit namin ng gate natanaw ko yung mini coffee area nila dun sa gilid at ang ganda ng gardan at nakakarinig ako ng parang tunog ng tubig na parang nag sasabing may swimming pool sila, at sa aming pag pasok bumungad ang isang katulong na mataba at halata sa itsura ang pagkatanda nito, at sabi ni mama, "manang shina paki hatid na lang si Railey sa sala at susunod na din ako, may kukuhain lang ako sa kotse"

"Okay po maam" ang sagot nitong si yaya shina "halika na railey diba? Halika na..ang cute cute mong bata kamukhang kamukha mo ang mama mo, napakahusay nimong bata"

"Hahaha pano pong napakahusay?" Ang tanong ko?

"Ahh bisaya kasi yun ibig sabihin, mahusay sa waray ay maganda, diri man kita matawag san gwapo kay bayot ka man diba? " ang naka nose bleed na sabi nito

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Half BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon