Prologue

1.1K 42 25
                                    


Sumulpot si Mikael sa bulwagan ng palasyo ng Pinuno ng Spirit World.

"Maghihiganti ako. Hindi ako papayag na maging masaya kayong lahat samantalang ang puso ko ay nagluluksa." Wika ni Mikael na nanlilisik ang mga mata habang kaharap sina Duncan at Lexi. May hawak itong espadang itim. Unti-unti itong lumakad papalapit sa kanila.

"M-Mikael, a-ano ang nangyayari sa 'yo? B-bakit ka nagkakaganyan?" Bakas sa mukha ni Lexi ang takot at pag-aalala para sa itinuturing na matalik na kaibigan.

"Hindi mo alam? Hindi mo alam?! Mahal na mahal kita, pero bakit siya ang nagustuhan mo? Ano ang mayroon siya na wala ako? Dahil ba siya ang pinuno ng Spirit World? Puwes, kung sakaling mawala si Duncan, malamang magustuhan mo na rin ako!" Iniumang nito ang espada at nagsimulang sumugod. Desididong tapusin ang buhay ng Pinuno ng Spirit World at itinuring na kaibigan nang maraming taon.

Naglabas ng espada si Duncan at sinalag ang espadang itim ni Mikael. "Mikael! Stop it! What are you doing? This is not you. Wake-up!"

"Pinunong Mikael, wake-up!"

Umalog-alog ang katawan ni Mikael habang niyuyugyog ni Xen ang kanang kamay ni Mikael. Pawisan ang pinuno ng Timog na bahagi ng Spirit World, pabaling-baling ang ulo nito. Tagaktak ang pawis sa noo.

"Pinunong Mikael!" Sinampal ni Xen ang pinuno nila.

Napabalikwas nang bangon si Mikael, pawisan ang mukha at habol ang hininga. Nilinga ang paligid ng silid. "A-ano ang nangyari?" Hinawakan ang masakit na pisngi dahil sa sampal.

"Binabangungot ka yata eh. Galit na galit ka." Napayuko ng ulo ang kanang kamay ni Mikael na si Xen. "Sorry, sinampal kita para magising ka. Sampal lang naman, hindi suntok." Alanganing ngumiti ito. "Masakit ba?"

Napabuga ng hangin si Mikael. "Ano ang panaginip na 'yon? Ako ba 'yon? Bakit ko naman sasaktan sina Lord Duncan at Lexi? Hinding-hindi ko magagawang saktan ang babaeng una kong minahal.That's not me."

Iniabot ng kanang kamay ang robe ni Mikael. "Pinuno, kaya nga pala ako pumasok sa silid mo ay dahil pinapatawag ka ni Lord Duncan sa kanyang palasyo. May bisita daw kayo. Kung maaari ay bumisita raw kayo agad dahil may mahalaga kayong pag-uusapan."

"Sino ang naroon?" tanong ni Mikael habang naghahanda muling mahiga upang muling matulog.

"Si Lexi, hinihintay din niya kayo," masiglang tugon ni Xen.

"Talaga?" Maluwang na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. "Siguradong dumalaw siya dahil na-miss niya ang Spirit World. Sigurado ring nais niya akong makakuwentuhan."

Napailing na lang si Xen. Alam nito ang sikreto ni Mikael kahit hindi nito sabihin sa kanya. Itinatangi ng kanyang panginoon ang asawa ng kanilang Pinuno.

Nagkukumahog na bumangon na mula sa higaan si Mikael at nagtungo sa banyo para maglinis ng katawan. Umaawit pa ito at pumipito habang nagtatanggal ng saplot. Tumambad ang magandang pangangatawan ng matapang na Spirit Guardian ng Timog. Tumapat ito sa shower saka nagsimulang maligo. Kinuskos nang mabuti ang buong katawan upang matiyak na malinis siya pagharap sa kanilang bisita. Napangiti si Mikael habang iniisip ang matalik na kaibigan at lihim na itinatanging babae.

Matapos ang ilang saglit ay nagpalit na ito ng damit, sinuot ang battle armor saka nagtungo sa palasyo ni Duncan.

Lakad-takbo ang ginawa ni Mikael patungong bulwagan, hindi na siya nag-teleport para sopresahin si Lexi. Excited siyang makita ang lihim na iniibig. Papasok pa lang siya ng bulwagan nang makita niya ang eksenang nagpakirot sa kanyang puso. Agad siyang nagtago sa likod ng malaking poste ng bulwagan. Sinilip ang dalawang naglalambingan.

"Say, aaaah." Habang hawak-hawak ni Lexi ang tinidor, sinusubuan si Duncan ng isang hiwa ng Yema Cake na dala niya mula sa mundo ng mga tao. Nakaupo ito sa tabi ni Duncan sa trono ng Pinuno. Baka ang kasiyahan at kaligayahan ng dalawa.

Ngumanga nang maluwang si Duncan, saka sinubo ang cake. "Ang sarap. Ikaw talaga ang gumawa nito?"

"Oo naman, ako pa." Matamis na ngiti ang ganti ni Lexi sa pinuno ng Silangan at ng buong Spirit World. Dinampian ni Duncan ng halik sa labi si Lexi, na nagtagal din nang ilang segundo. Naghiwalay ang mga labi ng dalawa at saka nagtitigan na tila walang nakikita sa paligid. Pinunasan ni Lexi ang gilid ng bibig ni Duncan gamit ang mga daliri nito.

Hirap si Mikael na makita si Lexi sa piling ni Duncan, pero masaya na rin siya dahil nakikita niyang masaya ang babaeng pinakamamahal niya. Inililihim niya sa kaibuturan ng kanyang puso ang damdamin para sa tinatangi. Hindi niya alam kung alam ng dalawa ang nararamdaman niya. Tanggap niya na sila ang nagmamahalan, subalit nasasaktan pa rin siya sa tuwing nakikita ang ganitong tanawin.

Nagyakap ang dalawa at mas lumalim ang halik nila. Makikita ng kahit sino ang nag-aalab na damdamin nila para sa isa't-isa.

Napaatras si Mikael dahil sa mga nakita niya. Sinapo ni Mikael ang naninikip na dibdib. Tumalikod siya at tumakbo palayo sa palasyo ni Duncan. Hindi alintana ang mga tauhan ng palasyo na nagtitinginan sa pagtakbo niya na walang katiyakan ang patutunguhan.

Nakalabas siya ng palasyo ni Duncan nang hindi niya namamalayan. Hindi niya alam kung saan siya patungo pero gusto niyang makalayo sa lugar na 'yon. Nagsisikip ang dibdib niya sa sobrang selos at panibugho. Nakarating siya sa liblib na bahagi ng kagubatan ng Spirit World at nagbukas ng portal patungo sa mundo ng mga tao upang pansamantalang magpalamig doon subalit hindi pa siya nakatatawid ay napaluhod siya sa damuhan habang hawak ang parang sasabog sa sakit na dibdib niya. Habol ang hininga na gumapang si Mikael upang makatawid sa portal.

"Ahhhhh!" Ito ang tinig ni Mikael na umalingawngaw sa kagubatan. May itim na enerhiyang lumabas mula sa kanya, saka siya bumagsak sa lupa. Hirap siyang patuloy na gumapang patungong portal pero nakaabot naman siya upang makatawid dito. Pagapang siyang lumitaw sa parang kakahuyan. Nanlalabo ang kanyang paningin at nahihilo gawa ng matinding sakit na naramdaman niya kanina. Humupa na ang sakit ngunit nanghihina siya. Unti-unting bumigat ang kanyang mga mata hanggang sa tuluyan siyang nawalan ng malay.

May anino ang lumapit sa nakahandusay na si Mikael. May pakpak ito at hugis babae ang anyo. Sinalat nito ang noo ng Spirit Guardian. Nang matiyak na buhay ang lalaki ay agad itong itinayo, pinasan ito at lumipad pauwi sa bahay nito.

To Be Continued...

☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆

Copyright ©

All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law. For permission requests, write to the publisher, addressed "Attention: Permissions Coordinator," and send the request privately.

NO TO PLAGIARISM

This is my own imagination. Write yours, Thank you.

☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
Tatapusin ko lang po ang ibang stories ko at ihohold ang dalawa then itutuloy ko na po ang story ni Mikael. This story is special to me kaya gusto kong magfocus dito at walang kasabay na ibang story. Thanks for patiently waiting!😊

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Guardian MikaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon