Una

6 0 0
                                    

Tumunog ng paulit ulit ang kampana, hudyat na magsisimula na ang misa. Dali daling nagsipasukan ang mga taga baryo ngunit imbes na sa loob ng simbahan kundi sa loob ng kani-kanilang mga bahay. Isa isang isinasara ang mga bintana at tinatakpan ang mga siwang na maaring pasukin ng liwanag o ng isang nialalang.

Matagal ng pusikit ang dilim, ngunit walang nagtatangkang sumilip sa labas. Pagkat alam nila ang kapalit ng pagiging mapaangahas.

Samantala sa isang bahay, malayo sa bukana ng baryo ay may isang matanda. Nakaluhod habang nagdadasal ng di mo maiintindihang mga salita, para bang walang takot sa dilim na kumakain sa mga anino.

Sa kabilang dako ay may isang dalagang di mapakali, kanina pa kasi nya inaantay ang kanyang kapatid. Lumabas ito kaninang umaga at di pa bumabalik.

Unti unti may mga humihiyaw
May uma-alulong.
May kumakatok
At may sumisitsit.
Maraming tumatawag peeo walang sumasagot.
Alam kasi nila kapalit ng isang tugon ay buhay ng taong iyon.....

Sa isang Nayon .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon