I'm Not Bitter, I'm Better
(Miyuki Silvestre FanFic)***
"Naniniwa ka ba sa love at first sight?"
Napasinghal ako nang marinig ko ang pinag-uusapan ng mga kaklase ko.
Nandito kami sa classroom namin nagchichikahan.
'Yun naman ang gawain ng mga babae pero ngayon, hindi muna ako sumasali sa usapan nila dahil gumagawa ako ng assignment ko sa math. Mabuti na nga lang at wala kaming teacher ngayon kaya naman may time pa ako para sagutan 'yung assignment namin para mamaya dahil ako pa naman ang leader sa grupo ko pero wala pa akong assignment.
Nakakahiya 'yun.
By the way, I am Miyuki Silvestre. 3rd year high school student. Maingay, madaldal, mahilig mambara, pilosopo, masungit, suplada, mataray pero kahit ganun ang ugali ko kahit nakakainis na ko minsan, marami pa rin akong friends---mabait kasi ako. Dancer ako at officer dito sa Hellena kaya naman minsan nakakalimutan kong gawin 'yung mga ibang assignment ko dahil pagkatapos ng klase ko, magpapractice naman ako ng sayaw.
"Alam niyo, sumasakit na nga ang ulo ko rito sa math, mas lalo pang sumasakit dahil sa pinag-uusapan niyo. Love at first sight, love at first sight pa kayo, kabaduyan niyo. Bakit mata ba ang basehan kapag na-inlove ka?"
Mahabang litanya ko.
Nagtawanan silang lahat sa sinabi ko na para bang nagjoke ako sa sinabi ko na 'yun kaya naman inirapan ko silang lahat.
"Hindi naman ampalaya kinain mo kanina pero bakit ang bitter mo Miyuki?" Pang-asar sa akin ni Flloyd.
Tinarayan ko lang siya at saka bumaling sa assignment ko.
Hindi naman ako bitter. Sadyang nababaduyan lang ako kapag love ang pinag-uusapan. Alam ko naman kasi na walang forever. Sa parents ko pa nga wala na silang forever, sa akin pa kaya?
Naririnig ko pa rin ang pinag-uusapan nila about sa mga kasabihan sa pag-ibig. Love at first sight, love is blind, first love never die etc etc. Napapailing na lang ako sa mga kabaduyan na pinagsasasabi nila.
Napahinto ako sa pagsagot ko sa assignment ko nang may tumawag sa akin. Si Vonn, kaklase ko rin.
"Miyuki, may ka-date ka na ba sa friday?" Tanong ni Vonn sa akin.
Ako 'yung tinanong pero itong mga kaibigan ko ang sumagot.
"Hindi ka ba nainform Vonn na si Lance ang kadate niya?" Sabat ni Leizy.
"Oo nga, sino bang kapartner ng muse diba yung escort?" Pagsang-ayon din ni Tomoyo.
"Dami-dami niyong sinasabi, isa lang tinanong ko." Masungit na sagot ni Vonn.
BINABASA MO ANG
I'm Not Bitter, I'm Better [COMPLETED]
Fanfiction|| Miyuki Silvestre || Isang babaeng minsan ng naniwala sa wagas na pag-ibig. Ang kanyang unang pag-ibig na inakala niyang magiging huling pag-ibig nito ngunit lahat nga pala ng bagay ay may hangganan. Hangganan kung saan, panandalian lang ang saya...