Chapter 15: Alex's Secret/ Marco's POV

86 24 1
                                    

Hi Pinkyywhite! I dedicate this chapter to you. Ikaw yung pinakamatagal ko na bestfriend at sabi mo gusto mo malaman ang story ni Marco. So this is it. Love you bes! I'm always here for you. Enjoy reading ^__^

Alex's POV

Monday na ngayon. Nandito kaming lahat sa tambayan namin. Oo kasama pati sina Rea.

"Wahhhh! Xander bakit mo kinain yung chocolate! Wahhh!" Bianca

Hahahahaha! Naiyak sya ngayon kasi kinain ni Xander yung last na ferrerro eh hindi pa sya nakakakain.

"Bakit ba ang sarap eh" Xands

"Ang daya mo!" Sabi nya tapos tumigil na sa pagiyak.

Mas naging close na din sila ni Bianca pero lagi naman nagaasaran

Masaya silang lahat kasama.

"Huy! Alex may naghahanap sayo" Sabi ni Kylie tsaka tinuro yung lalaki na nakahood sa labas.

Aish! Anong ginagawa nya dito?!

"Ahmm.... guys labas lang ako ha" Paalam ko sa kanila

Pagkalabas ko nakita ko na nakasandal sya dun sa pader. Sa tingin ko hindi naman nila namukhaan itong lalaki na to.

Hinigit ko sya dun sa lilod ng gym. Wala kasing tao dun. Pagkatigil namin kinausap ko na sya.

"Ano na naman bang trip to? Ha Hernandez?!" Pasigaw na sabi ko sa kanya

"Chill lang bro. Eto naman tinitngnan ko lang kung ok lang sya. Tsaka binibisita ang pinsan ko" Depensa nya

Nababaliw na talaga sya

"Di mo ba naiintindihan na bawal ka nga nyang makita?! Naman kasi hihiwalayan mo tapos ngayon titingnan mo kung ok lang. Sa tingin mo ba ok lang sya?" Ako

"Alam mo naman na may dahilan kaya ko sya hiniwalayan diba? Sayo ko lang sinabi kasi alam ko na hinding hindi mo sasabihin sa kahit na sino. At tsaka alam ko din na nasaktan sya pero mukha namang nakamove on na sya" Malungkot na sabi nya

"Oo nakamove on na sya. Pero ikaw nakamove on ka na ba?" Tanong ko sa kanya

"Sa totoo lang hindi pa! Hanggang ngayon mahal na mahal ko pa din sya!" Sigaw nya

"Ang tanong mahal ka pa ba nya? Kasi sa pagkakaalam ko nahulog na sya sa iba" Ako

"Kung ganon kahit anong paraan gagawin ko mabawi lang sya"

"Sa tingin ko kung hindi ko sya iniwan hanggang ngayon kayo pa din. Pero bro please last na punta mo na dito ah. Binabalaan kita kapag ikaw nakita nya baka pati ako masaktan nya kasi malalaman nya na alam ko lahat. Lahat ng sekreto mo" Ako

"Sige bro ok lang, last na to" Sabi nya sabay ngiti ng mapait

Nakokonsensya tuloy ako.

"Sige una na ako. May pupuntahan pa ako. Pinapaayos ni lolo" Sabi nya

"Sige ingat ka. Babalitaan na lang kita tungkol sa kanya" Ako

Ang hirap ng may sekreto ka sa ibang tao. Lalo na kung alam mo na yung sekreto mo ay kunektado sa kaibigan mo..........

Kylie's POV

Parang pamilyar yung naghahanap kay Alex. Parang nakita ko na sya dati.

"Ok ka lang?" Ivan

Napatingin ako sa kanya. Mukhang worried talaga sya. Kaya ngumiti ako sa kanya at......

"Oo ok lang ako" Ako

Dare Is The Way To Our ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon