Chapter 25: Vacation Part 5

60 9 0
                                    

"Alam ko na mas nangingibabaw ang pagibig at pagmamahalan nyo kaysa sa problema nyo"- Alexander Perez

********

Marco's POV

Kanina nung nagdidinner kamo hindi dumating yung dalawa.

Kaya tahimik kami dahil walang sweet na naglalambingan.

Naisipan namin ni Alex na pumunta sa bar dito. Hindi namin kasama si Paul at Xander kasi bawal pa sila. Next month pa birthday ni Xander at si Paul naman sa December pa. Magbibirthday pa lang sila ng 18.

Pagpasok namin sa bar di namin inaasahan na makita yung nadatnan namin.

Nakikipagsuntukan kasi si Ivan. At puro sugat na sya. Bugbog sarado na din sya.

Lumapit kami sa kanila at inawat sila.

"Teka lang! Teka lang! Kami na makikipagusap sa inyo!" Sigaw ko sa tatlong lalake na nakaaway ni Ivan

"Marco! Alex! Salamat dumating kayo. Ginawa akong punching bag nyang mga yan!" Lasing na lasing na sabi nya

Sinenyasan ko si Alex na alalayan nya si Ivan. Kasi pagewang gewang na si Ivan

"Mga brad pasensya na kayo sa kaibigan ko. May problema lang yan. Kakausapin na lang namin." Ako

"Sige ayos na yun. Ang yabang lang kasi!" Sagot nung isa bago sila umalis.

Pagkatapos ko kausapin yung tatlo pumunta na ako kayna Alex na nakaupo sa isang table. Pinatayo ko na yung dalawa at tinulungan kong alalayan ni Alex si Ivan. Pagkalabas namin inupo namin si Ivan sa isang bench.

Pagkaupo namin nagulat na lang kami ng bigla syang magsalita.

"Bakit ganun? Nagexplain na ko sa kanya pero galit pa din sya? Ang galing no? Kung kailang masaya na kami biglang magkakaproblema. Hahahahahaha! Mahal nya ko pero ayaw nya maniwala sakin" Sabi nya sa masaya na paraan pero maya maya umiyak na din sya.

Ngayon ko na lang ulit nakita si Ivan umiyak.

"Ivan kung ako sayo hindi na ko uminom at sinuyo ko na lang sya. Imbis na sagutin mo sya sabihin mo yung totoong dahilan at kung bakit yun nangyari." Alex

Parang nabuhayan ng loob si Ivan. Tumayo sya bigla

"Pupuntahan ko si Kylie!" Ani nya pero halatang hindi nya kaya.

"Ivan bukas na alam namin na nahihirapan ka na. Magpahinga ka muna. Bukas pupuntahan na natin si Kylie!" Ako

Inalalayan namin sya hanggang sa kwarto namin at pagdating dun hiniga na namin sya at nakatulog na si Ivan.

Ayun kinuwento namin sa dalawa yung sinabi ni Ivan samin kaya naawa din yung dalawa kay Ivan.

Sana maayos nila yan.

Kylie's POV

Bumaba na kami ngayong umaga para magbreakfast. Pagbaba namin nakita ko na nakatingin sakin si Ivan. Pero napansin ko na ang dami nyang pasa at sugat sa mukha.

Ano kayang nangyari sa kanya?

Bakit sya nagkaganyan?

Kumain na kami ng umagahan. Tahimik lang yung buong pagkain namin.

Nang matapos kami ay nakaupo lang kami at hindi nagkukwentuhan.

Hindi ko na kaya!

Tumayo ako kaya napatingin sila sakin.

"Guys excuse me!" Sabi ko bago umalis sa lugar na yon.

Umupo na lang ako sa isnag bench at umiyak doon. Hindi ko alam kung bakit hindi pa din nauubos yung ma luha ko.

Dare Is The Way To Our ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon