Chapter 6 (Part 1)

18 2 0
                                    

--Kyle--

(Time: 2:13 A.M.)

Sa pagkakataong ito, nasa rooftoop ako ng isang 10-storey na building.

May mission kasi akong patayin ang isa sa mga pinakakilala na businessman sa Pilipinas.

Si Marcus Parker.

May mga pag-aari siyang five-star hotels, high-class restaurants, well-known resorts at iba pa. Pero lingid sa kaalaman ng marami ay isa siya sa mga illegal traders ng underground business. Guns, drugs, mga mamahaling kotse? NO. Hindi yan ang mga hilig niya kundi mga internal organs ng tao. Heart, eye balls, at ang brain ng mga taong walang-awang pinatay para lamang sa pera. Pinag-eeksperimentuhan niya ang mga ito dahil balak niyang maimprove ang capabilities nito. He wants to make the human eye's vision 10 times better than its normal range. He wants to make an artificial heart which is better than a normal heart and reduce the possibilities of heart failures and heart attack. And worst of all, the brain. He wants to make a gadget similar to our brain but is way better. It functions like a normal brain- it knows what time to wake up or eat, how to walk, and things like a normal brain does. But he wants to make it like computers today-- larger memory space, do tasks simultaneously, and to delay or decelerate the process of aging, so people can live longer. This certain gadget stores all the person's memory once it is placed to his brain eversice he was born. And if this person dies, he can transfer all this memory to another body-- making people live for like, forever?

But this is just all his study and this horrible gadget is not yet created.

Kaya napag-atasan ako ng isang makapangyarihang tao, isang senador ng Pilipinas, na patayin ang gagong 'to.

Hindi niya man sinabi sa akin kung paano niya nalaman ang lahat ng ginagawa ng gagong Parker na 'yan eh alam ko na kung paano. Matalino kaya ako.

The senator is also involved in this illegal business.. Sa pagkakaalam ko, mga original paintings ng famous artists ang binibili ni senator. He is an artist himself kaya hindi maikakaila na mahilig siya rito.

Binabantayan ko ang mga taong labas-masok sa building kung saan ginaganap ang mga pagbebenta ng iba't ibang produkto. Sa iba't ibang floors ay may iba't ibang category ng mga produktong binebenta at nasa first floor ang bodies and organs.

Sa aking pagkakaalam ay nasa loob si Parker dahil bibili siya ng mga utak ng mga matatalinong tao, imbentor, at scientists. Kasali na rin siguro rito ang utak ni Albert Einstein na prineserve all these years. Pag-aaralan niya ito dahil makakatulong ito sa paggawa niya ng kanyang 'so-called' TechnoBrægen gadget.

Brægen means brain in Old English. At techno naman para sa techology. So para siyang technologic na brain. Basta, yun na yun.

I spotted him heading for the glass door dahil papalabas na siya ng building. He is surrounded by his body guards wearing suits and shades. I prepared my sniper at itinutok sa ulo ng target. Dapat siguradong patay ang target ko.. May utang rin siya sa akin na dapat niyang pagbayaran. Umeksena kasi siya sa isa sa mga mission ko noon kaya natagalan ang pagpatay ko sa aking victim.

It's payback time, Parker.

I pulled the trigger at sakto namang tumama ang bala sa ulo ng target ko. Bumagsak ito sa sahig kaya naman nagkagulo na ang mga tao sa loob at labas ng building. Parker is now DEAD.

I snatched my phone out of my pocket at tinawagan si Senator Murray. Alam kong nasa loob siya ng building dahil gusto niyang makita na isang malamig na bangkay na lang si Marcus Parker.

Pagkatapos ng dalawang ring eh sa wakas ay sumagot na rin siya.

"Hello?"

"Mission accomplished senator. Just deposit the money in my account at exactly 3 A.M. para walang gulo. Kilala mo naman ako senator, pag hindi ka tumupad sa usapan, kikitilin ko ang buhay ng asawa't mga anak mo."

"I know Death Angel, wala ka talagang kupas. Satisfied ako sa serbisyo mo. Sinabihan ko na ang isa sa mga tauhan ko na ideposito na ang pera sa oras na sinabi mo kaya wala na tayong problema."

Upon hearing that, I hang up the phone.

Matagal ko nang kliente si Senator Murray. Naaalala ko pa noon na ang unang pinapatay niya sa akin ay ang kabit ng asawa niya. Nakakatuwa nga dahil isang call boy o prostitute lang ang kabit ni Mrs. Murray kaya labis na nagalit si Senator dahilan upang ipinapatay niya ito. Isang malaking kahihiyan ito sa pamilya niya, lalong-lalo na sa pangalan niya.

Using a rope na itilali ko sa railings ng gusali, bumaba na ako ng building. Nang makarating na ako sa baba, tinanggal ko ang harness na nakakabit sa belt ko. I ran to an alley kung saan ko pinark ang sasakyan ko. Agad akong sumakay at nagdrive palayo sa lugar na iyon. Gusto ko nang magpahinga.

Nang makarating na ako sa parking area ng condo, pinark ko na ang aking sasakyan. Hindi ako bumaba agad dahil iniwan ko ang mga gamit ko sa back seat tapos nagpalit na rin ako ng damit para hindi ako magmukhang kahina-hinala.

Pumasok na ako sa entrance at dumiretso sa elevator.

Nakita kong isang lalaki lang ang tao sa loob kaya tumakbo ako dahil pasara na rin ang elevator.

Pagkapasok ko, pipindutin ko na sana ang number ng floor kung saan ako nakatira kaso may ilaw na ito, siguro parehang floor kami nakatira ng lalaking to.

Nasa kanang side siya ng elevator at ako naman ay nasa kabila. Naka pantalon siya at nakajacket na may hood kaya hindi ko makita ang mukha niya. Well, wala naman akong pakialam sa kanya. Tahimik lang kami sa elevator hanggang sa may nahulog yung lalaki. Nakita kong nahulog niya yung car keys niya. Pinulot niya ito at tsaka tumingin sa direksyon ko.

Nagulat ako nung makita ko ang pagmumukha niya. And guess who? Yung manyak na humalik sa akin sa mall!

"IKAW?!!" sabay naming sigaw.

"Bakit ka nandito?!" pasigaw kong tanong sa kanya.

"Dito ako nakatira! Ikaw! Bakit ka nandito?!"

"Dito rin ako nakatira!!"

*TIINNG!!* (tunog ng elevator)

Bumukas na ang elevator dahil nasa 15th floor na kami. Nauna akong lumabas at dumiretso na sa pinto ng unit ko.

Bakit kailangang dito pa siya nakatira?!  tanong ko sa isip ko.

Parang sinasabi ng tadhana na dapat na akong gumanti sa kanya. *smirk*

To be continued.

Just Another Hate Story (On-Hold/Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon