Chapter 7 (Part 0.5)

14 2 0
                                    

---Joseph---

Pagkagising ko, nasa lumang warehouse pa rin kami. Nakahilata pa rin sa sahig ang iba ko pang mga kasamahan. Langya talaga yung Vain Killer na yun. Hindi patas lumaban.

Pero bakit pinatulog niya lang kami? Ano ba talaga ang kailangan nila?

Sa nakikita ko, wala namang nasaktan sa amin.

Ano ba ang totoong plano ng ELW Mafia? May kinalaman kaya ito sa pagkawala ng isang anak ni Mr. Werner?

Dahil malalim ang aking iniisip, hindi ko namalayan na nagising na pala sila.

"Mukhang malalim yata ang iniisip mo D.E. kaya hindi mo na kami inabalang gisingin." sabi ni Black Prince.

"Magmadali na kayo diyan. Pagod na ako. Magkita nalang tayo sa HQ bukas ng umaga 8 A.M. sharp. Pupunta na ako sa condo ko."

Tumingin ako sa aking orasan. 2:45 A.M. na pala.

Ang tagal pala naming nakatulog. At mapahanggang ngayon, nahihilo pa rin ako.

Sasakay na lang siguro ako ng taxi. Naiwan ko kasi ang kotse ko sa Lair.

Lumabas na ako sa lumang warehouse at naglakad patungo sa malapit na kanto. Siguro may dadaan naman na taxi dito di ba?

At yun nga! May taxing walang sakay. Pinara ko ito at sinabi ang address. Malapit lang naman yun dito kaya kailangan kong tiisin ang antok ko.

Nang makarating na ako sa harap ng building, inabutan ko na ng bayad si manong at agad ng bumaba. Dumiretso na ako sa elevator at saktong walang sakay.

(Siguro naman alam niyo na kung anong nangyari pagkatapos. Katamad mag type eh.)

To be continued.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just Another Hate Story (On-Hold/Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon