Simula

93 4 0
                                    

Konting paalala lang po mga kaibigan, baka may typo at wrong grammar dito. Wag maging judge lol Maraming Salamat po :)

-------------------------

Hay nako! Nakakapagod namang maghanap ng trabaho, bakit kasi hindi ko pa seneryoso 'yong dati kung trabaho edi sana hindi ako naghihirap ngayon.

At ang mas matindi pa ay isa akong AWOL my godness, kaya sa Resume ko wala akong maisulat na experience don.  Halos apat na taon na. Nag hihirap na ako huhuhu Lord please po bigyan niyo na po ako ng trabaho, pramis po seseryosohin at magiging masipag na po ako basta bigyan niyo lang po ako uli ng trabaho.

Ay teka wait, nasaang street na ba ako? Luh naliligaw na ata ako, hindi pa naman ako pamilyar sa lugar na 'to. Wala talaga akong sense of direction kailangan kong tawagan si Yanni.

"Oh, kamusta?"

"Wala pa ring mahanap o sabihin nalang natin na hindi ako natanggap sa inapplyan ko."

"Hmm. Ayos lang 'yan malay mo bukas, next week, next month, next year, o di kaya next next year magkakatrabho ka na uli."

Jeez, thanks for enlighten me Yanni it really helps me 'a lot' -_-

"Ewan ko sa'yo Yanni, bwisit ka. Ay teka Yan naliligaw ata ako, hindi ko na alam pauwi dyan. Helping me best friend. Hehe"

"Naku. Ikaw talagang babae ka kaya walang direksyon 'yang buhay mo e hahaha joke lang. Eh nasaang street ka ba ngayon?"

"Hindi ko alam bessy, walang nakalagay na street e."

She sighs before answering me.

"Buhay nga naman. Magtanong ka dyan kung saang street ka tapos tawagan mo ko uli."

"Okay bye."

"Tawagan mo ako agad, okay? Bye."

Kailangan ko agad mag tanong kung nasaang street ako para masundo ni beshie Yanni. Hehehe

"Hija"

Teka sino 'yong nagsalita? Hmmm baka namali ako nang dinig.

"Hija"

"Ay! Kabayong mabaho ang hininga." Bigla-bigla ba namang may humawak sa paa ko.

"Hija, pwede'ng paki tulungan ako?"

Ba't hindi ko napansin na may tao pala dito? Shocks. What's happening to me?

"Hala! Lolo, ano ho'ng nangyari sa inyo? Ayos lang ho ba ba kayo?"

"Hehe. Hindi mabuti ang aking lagay hija,  pwede'ng paki tawagan ang numerong ito?"

"Ah sige po. Pero ano ho ang sasabihin ko sa numerong aking tatawagan?"

"Sabihin mong nakidnap at nakatakas si Don Quijote hahaha joke lang, ang pangalan ko ay Adamos Castell."

Nakidnap at nakatakas? Ano'ng trip niya e mukha namang hindi a. Tsaka ano daw? Don Quijote? Iba hahaha pero parang pamilyar sa 'kin ang pangalang Adamos Castell.

"Okay po."

Habang dinadial ko 'yong number tumingin ako kay Lolo, parang pamilyar din siya e.

Wow nice sinagot ka agad.

"Ahm. Hello po."

"Sino 'to?"

"Ako po si Ellena Damara---"

"Ano'ng kailangan mo?"

Hanep hindi man lang ako pinatapos ng mamang 'to. Tss

"Kasi po pinapasabi po ni Lolo Adamos na nakidnap---"

Her Concealed Lie (On-hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon