Chapter 1

190 8 0
                                    

"Tol, uwi na ako. Pinapagalitan na ako ng nanay ko." Pagpapaalam ko sa mga katropa ko.

"Ano ba yan, tol? Na naman? Ang kj ng nanay mo eh. Lumayas ka na nga!" Bulyaw sa'kin ni Uam.

"Ge, next time na lang uli , Jay." pagpapaalam ni Zeck.

"Ge alis na ako." sabi ko uli at lumabas na.

"Sa susunod na lang yung k*nt*t mo!" pahabol pa ni Ica.

Napangisi na lang ako habang naglalakad papunta sa pedestrian lane. Tss, akala naman niya papatulan ko siya. Hindi ako papatol sa kabarkada ko. Walang talo-talo dito.

Every Saturday night ay laman kami ng Videoke bar. Yun ang lagi naming libangan tuwing tapos na ang klase. Kailangan namin ng magpapa-relax sa'min at magpapasaya. "LYLTTF 'coz YOLO." yan ang motto ng tropa, Live Your Life To The Fullest 'coz You Only Live Once.

"Aww." Narinig kong daing ng babae. Napatingin ako sa kanya pero kalauna'y tumalim ang pagkakatitig niya sa'kin. "Tss." at naglakad na siya palayo.

Nabangga ko pala yung babae. Hindi ko man lang naramdaman. Nilingon ko, oh! What a nice curve she has. Pwedeng-pwede na. Ughhh, si Junior nag-activate. Pwede ko na siyang i-imagine mamaya sa banyo.

Ibinaling ko na uli yung tingin ko sa daan. Hahakbang na sana ako nang may makita akong green na papel sa sahig, "Hmmm...?"Dinampot ko. "Watch your steps, there's someone behind you." pagbabasa ko sa nakasulat.

Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Tumingin ako sa likod pero wala naman ng tao. "Weird." tanging nasambit ko bago naglakad uli.

~

It's been two days since I encountered THAT girl. Her stare has been hunting me from the past nights, and her body... oooh. It can arouse me in just a nanosecond.

That girl, who is she?

"Tol! Tulala ka na naman! Ano bang nangyayari sa'yo?" Narinig kong sigaw ni Itan na nagpabalik sa akin sa wisyo.

"Oo nga. Nagiging KJ ka na rin. H'wag mong sabihing iniidolo mo na nanay mo?" Loko-lokong sabad ni Uam kaya nagsitawanan silang lahat.

"Hindi ka na gwapo, tol!" Pang-aasar ni Dindin.

"Wala na yung k*nt*t mo!" Panunudyo pa ni Ica sa'kin at binato ako ng kinakain niyang marshmallow.

"Manahimik kayo." Awat ni Zeck. Nagsitahimikan naman silang lahat at hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "T*ng*na tol! Baka inlab ka na! Syet! May puso ka palang animal kang lumalablayp kang hayop ka!" bigla niyang sigaw at inalog-alog ako. Nagsitawanan sila.

"Ul*l Tol! Hindi. Malayo. Tantanan mo ako sa kagaguhan mo." Pagtanggi ko at tinabig ang dalawang braso niya. Iiling-iling ako habang tumatawa.

"Baka naman..." seryosong banggit ni Jave kaya nagsitinginan kami sa kanya. "MAY BABAENG HUMA-HUNTING SA'YO! T*NG*NA PARE! ANG MACHO MO NA!" Nagsitawanan uli silang lahat maliban sa'kin.

"Oo nga." Halos pabulong na pagsang-ayon ko kaya natigilan sila sa pagtawa at tinignan ako ng seryoso. "That girl..."

"Le me guess." sabi ni Itan na parang nag-iisip.

"Tol, nag-iisip ka?" seryosong tanong ni Uam kaya tumango naman si Itan. "CONGRATS! MAY UTAK KA NA!" Panunudyo ni Uam sa kanya,

"Ul*l G*go. Haha. Si Jay... NAKABUNTIS!" sigaw ni Itan at tumawa ng tumawa na parang nakawala sa matinong pag-iisip.

"TARANTADO! Virgin pa ako, haha!" sigaw ko sabay bato sa kanya ng ballpen at nagtatatawa na rin.

"Try mo kayang sabihin yung dahilan." Parang naiinis na sabi ni Dindin at padabog na kumuha ng marshmallow na hawak-hawak ni Ica.

"Ang dami niyo kasing comment kaya paano ako magkukwento?" Pamimilosopo ko. "Pahingi nga niyan, hindi kayo nang-aalok. Kaya kayo tumataba eh." tapos nakikuha na ako sa supot.

"G*go, magkwento ka na lang, dami mong sikot." Pambabara ni Jave.

"Oo na, oo na." sabi ko sabay lunok ng marshmallow. "Nung Sabado ng gabi, pagkagaling ko sa Videoke Bar, naglalakad ako sa kalye tapos may nabangga akong babae. Tinignan niya ako ng masama. Tapos nung wala na siya..." natigilan ako at iniisip yung sunod na nangyari.

Yung sexy back niya, oohhh~~ Nakakalib*g.

"TOL! Ikwento mo na!" sigaw sakin ni Zeck.

"Tss, oo na. May nakita akong green na papel sa sahig. Luma na nga at lukot-lukot eh" pagpapatuloy ko.

"Eh ano naman ngayon kung may green na papel?" Nagmamataray na sabi ni Ica na halatang naiinis na.

"Oo nga, Tol. H'wag mo sabihing takot ka sa papel?" panunukso ni Uam at saka tumawa. "Ang bakla naman no'n! Nasa'n na yung abs mong patpatin ka?"

"Hindi tange. Yung papel... may nakasulat." sinabi ko habang inaalala yung mga salitang nakalagay, "Ang sabi, 'Watch your steps, there's someone behind you'."

Natahimik silang lahat. "Yung mga mata niya... lagi kong nakikitang nakatingin sa'kin. Feeling ko may nagmamasid." ...at yung sexy niyang katawan na lagi kong napapanaginipan.

Napakahabang katahimikan ang nanatili sa pagitan namin. Hanggang sa...

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" paglagapak na tawa ni Jave at nagsisabayan na sila. "HINDI KO AKALAIN ANG BAKLA MO! HAHAHA" kapos hiningang tawa ni Jave.

"Ganda niyong kausap, pramis." Mariing sabi ko at padabog na tumayo. "Mas maganda pang magklase kaysa magkwento sa inyo." Dagdag ko pa bago tuluyang umalis sa tambayan ng tropa.

~

Ginabi na naman ako dahil sa pagtambay ng tropa. Mag-isa na naman akong uuwi at ito na naman ang kabang namumuo sa dibdib ko. Tss, nakakainis. Para nga namang pangbakla 'tong nararamdaman ko.

Tumindig lahat ng balahibo ko. Feeling ko may nakasunod sa'kin at nagmamasid sa bawat hakbang at galaw na ginagawa ko.

Malapit na akong lumiko sa eskinita papunta sa bahay nang mapagdesisyunan kong lumingon. Ganoon na lang ang pagkabigla ko ng makita ko SIYA.

The Forbidden SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon