"Buhay Engrande" Yan lagi ang sinasabi ng nanay ko sa tuwing tinatanong ko siya kung nasaan at sino ba talaga ang tatay ko. Kaya naman. Nacucurious ako kung paano ba ang mamuhay ng engrande?
Natawa ako at napailing na lang ng minsan na nagbukas ako ng facebook account ko at may nabasa akong isang "shared" post ng isa sa pinaka loko at makulit na blockmats ko sa school. Sabi sa post, isa sa pinaka mahirap daw na tanong ay "Describe yourself". How ironic, kung sila nga na buo ang pamilya, may magagandang damit at masasarap na pagkain, e nahihirapan pa sa pagsagot ng tanong na yan. Ako pa kaya?
Ako nga pala si Isa, oo na..di ako dalawa Isa nga diba? Hayy, tao talaga o. Lahat na lang ng makitang pwedeng ipang buwisit gagamitin.
Isaki Dimaunahan ang buo kong pangalan. O ano Tapos ka na tumawa? Sige pa.itawa mo lang yan.
Dahil mukhang humupa na yang saya mo..itutuloy ko na ang kwento ko.
Sabi ni nanay, half fil-jap ang tatay ko. Mayaman daw ang gago..at syempre saksakan daw ng gwapo, what's new di ba? Ayun, nakuha sa smile at singkit ng mata ng tatay ko si nanay, may pagka malandi daw kasi ang tatay ko kaya bumigay naman ang may kakirihan kong nanay.
At syempre. Sa sobrang drama daw ng buhay ng nanay ko..noong araw na nalaman niya na nagdadalang tao siya..saka naman niya nahuli ang tatay ko na may kasamang ibang babae. Take note...Japanese ang kasama..saksakan daw sa puti at kapag tinamaan ka nga naman ng MK21 ng kamalasan, arranged marriage pala ang peg ng magulang ng tatay ko..ano nga naman daw ang laban niya? Sya na morena, di katangkaran, iskolar ng bayan at part time serbidora sa isang bonggang disco sa gabi sa isang anak mayaman, kasing puti ni snow white at syempre marunong maghapon, syempre love your own di ba Kaya ayun kinasal ang tatay ko sa ka uri nya.
At nung ipanganak naman daw ako..dahil kahit papano daw ay naging swerte ang nanay ko nung ipinagbubuntis pa niya ko..ginawa niyang japanese ang pangalan ko dahil namamayagpag daw ang business ng pamilya ng tatay ko at baka daw makakuha ako ng konting swerte...yun nga lang sakit sa tenga ng buo kong pangalan.
Syempre, hanggang dun lang ang kwento ng nanay ko..kahit anong gawin kong kulit sakanya para sabihin nya kung sino sa mga nakakbuwisit sa dami ng mga hapon na bilyonaryo sa Pilipinas ang tatay ko..kurot lang ang inaabot ko.
So.. Describe Yourself.
Pano ko nga ba sisimulan to?
Bukod sa di kagandahan kong pangalan, di rin kagandahan ang status of living namin ng nanay ko.
You can say na medyo nakaangat naman kami ng slight sa poverty line ng pilipinas.
May pwesto ang nanay ko sa palengke, nagtitinda sya ng isda, madalas okay naman ang kita sa pagtitinda pero syempre kinakapos pa rin, kaya naman laking tuwa ng nanay ko na nakuha ko daw ang pagkamatalino nya.
Kaya eto, scholar ako ng letseng school na to.
Dominic Academy of Science and Arts. Isang exclusibong school para sa A. Mayaman, B. Artista at C. ang 5% na scholar ng bayan..ay di pala scholar ng bayan, kundi scholar ng mayayaman.
Sabi nga ni Elisa Mae, isa sa mga school queen bees. "How else are they going to pay us back for educating them? Edi syempre, pagsilbihan tayo. It's the least the can do di ba?"
So that's why, I'm here.. at this freaking cafeteria after school hours.. Halos lahat ng kasama ko ngayon dito mga scholar.. Si Letty na second year.. nung first year pa sya lagi syang umiiyak dahil sa ginagawang pangbubully sakanya ng mga bastos nyang kaklase, pero ngayon mukhang nasanay na, I can't blame her though, and to be honest i admire her..ako nga halos nung 3rd year na ako nung nautunan kong huwag pansinin ang mga balat gatas na mga to e..
BINABASA MO ANG
Rich Boys, Poor Girl. Who cares? Carebare Cares!
ChickLit"Shit! Seriously! what's your deal?" Singhal ng loko. Upakan ko na kaya tong mayabang na to? Witness the failure of Isa as she tries to live life dramaless, instead ends up entangled with a group of rich kids. "Pa-what'syourdeal, what'syou'rdeal ka...