Ano ba ang mga ANGHEL ? 'Di ba sila ang mga sugo ng Diyos?
Hindi ba maraming tayong alam na uri ng mga anghel? Guardian angels, Archangels,Black angels o kaya Death angels at iba pa. At ang bawat uri ay may kanya-kanyang tungkuling dapat gampanan na itinalaga sa kanila ng Diyos, ngunit paano kung may mga anghel na di kilala at di alam na may Diyos?
Chapter 1 :
"Bata pa lang ako gusto ko nang nagsusuot ng pakpak ng mga 'angels' .Ang cu-cute kasi eh.Gusto ko ring gumanap bilang isang angel sa mga play. Sabi ni mama ang mga angel ay hindi nakikita at kung makakakita raw ako, patay na ko L. Pero ang galing,may pakpak ako?" Manghang sabi ng dalaga habang pilit na inaabot ng tingin ang mga pakpak sa likod niya.
"Totoo kaya ito?" Sinubukan niyang lumipad ng bahagya at mataas-taas din ang kanyang naabot.Nagpaikot-ikot siya sa himpapawid na labis na ikinatuwa niya.
"Weeh...ahaha - aargh!" Biglang nanikip ang dibdib niya na naging dahilan ng pagkawala ng balanse ng paglipad niya. Kahit kumikirot sa sakit ang dibdib niya, pinipilit pa rin nyang lumipad . Habang pinipisil ng mga kamay niya ng kumikirot niyang dibdib ,ay nakarinig siya ng isang boses:
'Hindi sa'yo yan. Akin yan! Wala kang pakpak.Hindi sa'yo yan!!' at umulit-ulit ito sa ulo ng dalaga.
"S-sino yun?aaarghh..Grabe ang sakit ng dibdib ko," ang ika ng dalaga sa kanyang isipan.
'Hindi nga sa'yo yan eh! Ayaw mo tumigil?!'
"ARGH!!!" Lalo itong kinasakit ng dibdib niya at unti-unting nawalan ng malay. Biglang naglahong parang bula ang mga pakpak niya. Naaninag niya ang pagkawala nito. "H-hindi.." naghihinang sabi niya habang nahuhulog sa kawalan.
......................... ........... ............................. ............... ..................................
"HOY!! Gumising ka na. Late ka na!!" sigaw ng isang matandang babae sa natutulog na dalaga.
"Ha!?", naaalimpungatang sabi ng dalaga sa matanda. Pagkatapos ng ilang sandali naintindihan niya ang sinabi ng lola at nagmadaling bumangon.
"Ano!? Eh, bakit ngayon nyo lang po ako ginising? T-teka anong oras na po ba?"Natatarantang tanong ng dalaga sabay hablot sa orasan nila at tinignan ito.Natulala ng bahagya ang dalaga sa orasan at tinignan ang lolang nagpipigil ng tawa.
"Lola naman eeh! Kala ko naman.. 6 am palang kaya ,eh 7 pa pasok ko." Naiinis na sabi ng dalaga sa lola habang nakakamot sa ulo.
"Ikaw naman Arize, minsan lang magloko lola mo eh.HAHAHA!"
"Hay, naku! Ang corny mo talaga lola. Sige na ,susunod na lang ako."
"OK.... at Hoy, bilisan mo at ihahatid mo pa kapatid mo." Paalala ng lola kay Arize.
"OHO!" kunot-noong sagot ni Arize habang inaayos ang higaan niya. Pagkatupi ng kumot niya ,bigla siyang napatigil at napaisip, 'Panaginip lang pala yun. Buti na lang.Saka obvious naman eh, weird kaya. EY! Nevermind.' Tinuloy niya ang pag-aayos ng higaan niya at pagkatapos ay bumaba na siya para mag-almusal.
...
"Ate bilisan mo! Bagal! Male-late na ko." Pagrereklamo ng kapatid ni Arize sa kanya. Kanina pa siyang nauna sa labas ng bahay nila. Lumabas ang nagmamadali niyang ate sa pintuan ng bahay nila. Halos tumatakbo na siya papunta sa kapatid.
"Baket ikaw lang? Kung late ka, mas late ako. Halika na!" Hingal na sabi ni Arize sabay hila sa kapatid.
...
BINABASA MO ANG
Unknown Angels
AdventureAno'ng gagawin mo kung isang araw ay maging kaisa ka ng isang ANGHEL? Hindi inakala ni Arize na matatanong niya ito sa sarili balang araw nang may isang anghel na nakihati sa kanyang katawan. Makikihati daw ng katawan ang naturang anghel upang magaw...