Elle's POV
"I LOVE YOU!"
Ha? Ano daw yun? Tama ba rinig ko?
"ELLEEEEEEEEEEEE! Uso po gumising!" Wait lang. 5 minutes pa -___-
O.--
--.O
--.--
"ELLEEEEEEEEE!
O.O
Aysh. Buti naman panaginip lang! Kung hindi? Mygad. Kilabutan kayo please?
"Tatayo ka o tatayo ka?" Do I have a choice? Alangan namang "o" yung isagot ko? Ang aga pa eh! -__-
"5 minutes nalang please?" Pumayag ka na ate please? Pleaseeee!
"Nako Elle! Kanina ka pa naa-5 minutes! Naka labindawang 5 minues ka na yata! Biruin mo? Isang oras na kita ginigising?"
"Oo na ate! Ang aga-aga nag ma-Math ka! Baka pati kapit bahay nagising na sa'yo! Ang ingay mo po!"
Pabayaan niyo na kung ganyan ako makipag-usap kay ate, 2 years lang kasi yung age gap namin sa isa't-isa. Pero syempre kahit papano naman mabait ako! ^_^
As usual, ginawa ko na ang aking daily routine. Kahit nakakasawa, kailangan gawin. <//3
Pagkababa ko, nakita ko si Ate nag-aayos na ng gamit. Ganyan naman yan eh. Pagkagising ko, alis niya na. Boss ba naman sa opisina eh -_-
"Una na'ko ah? Paka-BAIT! Bye!" WOW? Kailangan ipagdiinan yung BAIT? Sabagay, kulang ako nun eh. Hoho ♥
By the way, kilala niyo na ba ako? Ang daldal ko kasi eh. Sorry na.
I'm Elle Mari Torres, 15, 3rd year highschool!
Mabalik tayo dun sa panaginip ko, sobra 'kong kinabahan dun ah? Imagine, papalapit sa inyo ang pinaka-kinaiinisan niyong tao tapos nag-sabi ng I LOVE YOU sa'yo tapos papalapit na ng papalapit yung lalaking di kagwapuhan tapos ARGHH! Muntik naa. Thanks to my sister, she saved me! Muntik na'ko dun ah? First kiss din yun.
Tapos na 'ko mag-ayos and time na para pumasok sa school. Actually 2nd day palang ng classes kaya big deal pa ang pagsok ng late. Ang dami ngang absent kahapon eh -__- Tatamad. Haha!
Habang nasa kotse ako, nagpatugtog muna ako ng Avril Lavigne song. Syempre, supper die hard fan ako nun eh! Actually this year may concert siya so, kailangan paghandaan. Hihi.
**
Nandito na ako sa school. As usual si Keisha agad ang sumalubong sakin.
"Hi Ceeps!" Saya neto ngayon ah? Ang lapad ng ngiti. Nakahanap siguro 'to ng bagong cush.
"Hello! Musta? Saya mo atah?"
"Di naman! Eh kasi, may nakita akong lalaking pumasok sa classroom natin kanina. Eh, ang pogi!" Tsss. Sabi sa inyo eh! 'Pag masaya 'to may crush 'to. Hahaha. Bestfriend ko siya since 1st year highschool kaya kilala ko na yan.
"Nako! Ang aga-aga ah!" 2nd day palang, meron na? Basta talaga usapang lablayp, game yan.
"Sorry na! Tara na bell na din eh!"
Pag dating namin sa classroom, yung mga classmate ko ang iingay, and since family ko ang may-ari ng school, I RULE. Number 1 rule ko? AYOKO NG MAINGAY. Kaso, may mga flirt na babae pa din sa dulo ang hindi sumusunod eh. Kailangan atah nilang ma-sample-an.
Tumayo ako sa harapan nila upang maagaw ang kanilang atensyon.
At wow? Nagawa pa akong taasan ng kilay nung isang may bangs na akala mo eh ginagaya si Dora.
"Ceeps! Wag mo na yang patulan. Newbie lang sila." bulong sakin ni Keisha.
"Mag-intay ka lang." Bulong ko sa kanya pabalik.
"Tatahimik kayo o tatahimik kayo?" mataray kong sabi sa kanilang apat with matcing taas pa ng kilay yan ah? Makuha sila sa isang tingin.
"Inaano ka ba? Pakialam mo ba? Ikaw ba teacher?" And wow talaga! Nagawa niya 'kong sagutin. Walang pwedeng bumanga sa isang Elle Mari Torres. *smirk*
"Wow? As in wow! Kilala mo ba kung sino ang may-ari ng school na 'to?" Tignan lang natin.
"T'anga ka ba? Malamang oo. Syempre si Elle Mari Torres ang may-ari nito. Tss. Dito ka ba talaga nag-aaral? O nag-aaral ka ba talaga? May-ari nalang 'di mo pa kilala." And I exploded.
"Do you have any picture of her?" Tss. Sige, ipahiya mo sarili mo.
"Wala." Tipid niyang sagot. Inirapan niya pa 'ko. Tignan lang natin kung maka-ganya ka pa sakin mamaya.
"Ahh so hindi mo kilala? SI --------" Tinakpan ko yung bibig ni Keisha. Alam kong yamot na din 'to eh. HAHAHA! Kaya bestfriends kami nito eh.
"Wag ka maingay." Nagets niya naman siguro.
"At ikaw. Kilala mo ba talaga siya?" binalingan ko naman si Bangs.
"Sa pangalan lang."
"Ahh. well. Ako, kilala ko siya."
"Bakit sino ba siya? Ikaw?"
"Oo. I'm Elle Mari Torres at walang sino man ang pwede bumanga sa akin. UNDERSTAND?" Yan pala gusto mo eh. Madali akong kausap. Bwahahahha.
Nakita ko naman siyang napayuko nalang. Gulat kayo 'no?
Masyado kasing sikat yung school ko. Pili lang ang nakakapasok dito. Kaya ganun nalang ang takot niya sakin. Sakin din naman kasi nakapangalan ang school. Si Ate Ella lang ang nagma-manage ;)
"S-sorry." Sabi ni Bangs. Yeah, naaaliw ako sa bangs niya.
"K fine. Na-enjoy ko bangs mo eh. Sa susunod, makuha ka sa isang tingin ah?" sabi ko sakanya sabay smirk.
Dumiretso ako sa harapan ng classroom at kitang kita ko yung mga mababait kong classmate. Yeah, alam kong maabait sila kaya nga nagtaka ako kung bakit nakapasok yung tatlong yun eh. -__-
"Walang pwedeng hindi sumunod sa rules ko. Okay?" Wow? Ang bilis tumango ni Bangs ah? Tsk.
Bumalik na ako sa upuan ko. Natatawa ako kay Bangs, ang tahimik niya. Hahahahahha!
Di ko naman ginusto yun eh. Ang kulit niya lang. -___-
Nag-bell na at natanaw ko na yung teacher namin na papunta na sa classroom namin.
O.O
O.O
O.O
Ang Pogi! Syetttt. Ano pangalan ng nilalang na 'to?
- -
Yow! Sup guys? Hihi :) Sorry kung ganyan yung update ah? Pagpasensyahan. Labyu all. Especially kay Kamille, Christina and Andrea Camille sa pag-iisip ng pangalan. Choosy 'to eh! '-__-
4/23/14
paulie♥