Ayan, medyo natagalan na naman pero sana magustuhan niyo po. Comment and suggest at syempre don't forget to vote. :))) Enjoy reading! <3
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Natatawa talaga ako sa Chinitong katabi ko. Paano ba naman kasi huling-huli kong nakatitig sa akin habang kumakanta ako eh. Hihihi :) feeling ko crush ako nitong boylalu na to.
Kaso di pwede!
Hindi ako pwedeng mainlove! NA NAMAN!
Ayoko nang masaktan ulit gaya ng dati.
Muntikan kong hindi kayanin nung una akong mainlove eh.
Ang sakit sakit kaya.
***Flashback***
“Ayoko na. Itigil na natin ito kasi wala din namang patutunguhan ito di ba?
Ano nga ba ako sa iyo?
Isang babaeng nabubuhay lamang dahil buhay yang cellphone mo?
Isang babaeng itetext mo lang kapag nabobore ka?
AYOKO NAAAA!” ayan, siguro naman may idea na din kayo kung anong nangyari. Ayoko nang idetalye kasi di naman to about dun eh. Hihihi :)
***Back to reality***
“Hayaan ko na nga itong boylalu na ito. Basta ako, I’m happy to be free. Ayoko ng sakit sa ulo lalo na at nasa honor roll pa man din ako. Ayoko ng distractions. Ayokong umiyak na naman kaya patay malisya na lang ako. Huwag masyadong ASA! Kasi malay ko ba kung hindi naman talaga ako yung tinitignan neto.” bulong ko na lamang sa sarili ko. Medyo BITTER ang peg? HAHAHA :)
Lumipas ang mga araw na mas napapadalas yung mga side glancing moves ni Mr. TAHIMIK/SINGKIT. Pero hindi ko yun binibigyan ng kahit anong meaning. Basta ako, sorry na lang sa kanya kapag naaapakan ka yung sapatos niya dahil sa sobrang kakulitan ko sa pag-upo. HAHAHA.
Dumating ang araw ng CHEERING COMPETITION at sobrang close na nga kami ng mga nakapaligid sa akin except siya. Tawanan kami lagi lalo na kapag may napapagalitan sa amin. Mas tatawanan pa namin kapag ganun. TRUE FRIENDS daw kapag ganun eh. Hihihi :)
***DAY OF CHEERING COMPETITION***
WHOOOOOOOOO!!! Sobrang excited kami magperform. Mula 1st year high school hanggang sa aming mga SENIORS. Ang bobongga ng mga costumes oh. Lalo na sa mga cheerleaders namin. :) Yahoo! I LOVE HIGH SCHOOL SO MUCH! :)
Ayan mag-uumpisa na daw. Kaso bakit wala pa si ANO!
Asan na kaya yun?
Bakit ngayon pa siya nalate?
Di naman yun nalelate eh.
Sana di siya nag-absent kasi sayang naman kung di siya magiging part ng presentation.
***dub***dub***dub*** oy hindi yan tibok ng puso ko ha. yung drumroll yan. HAHAHAHA :)
Malapit na talagang mag-umpisa, peroooooooooooooooooooo...
"YEEEEES!" bulong ko sa sarili ko. Dumating na kasi yung hinihintay ko eh. Dumating na yung katabi ko sa right side. Dumating na si Mr. TAHIMIK! :DDD *sabog confetti* HAHAHAHA.
Kailangan na niyang isuot yung mga kailangang isuot sa kamay pati sa mga daliri at yung SANTA HAT.
"Heto yung scotch tape oh. Ako na maglagay para maisuot mo na yung mga lights na ilalagay sa may daliri." Ako yan. Yung mga lights nga pala e mahirap iexplain kung ano itsura nun basta ikinakabit yun sa may kamay.
"Salamat." yan siya oh. O____________O sa wakas kinausap niya din ako. HAHAHAHA. :)
Pagkatapos nun, isinuot na niya yung Santa Hat pero nung nakita kong pinipilit niyang pailawin yun at halata namang ayaw talagang gumana, nakialam na naman ako. Hihihi. :)
"Ayaw umilaw? Akin na at ipapapalit ko. Pangit kasi pag walang ilaw yan eh. Hindi astig tignan." o ha! AKO TALAGA YAN eh. PAKIALAMERA ko talaga. HAHAHAHA :) Siya naman, walang masabi kundi "Salamat." Pero iba na ngayon. Parang may kahalong shining shimmering sa eyes niya nung tinulungan ko siya.
Naayos na lahat lahat ng mga kailangang ayusin ng katabi ko. So GO FIGHT NA! Woohoo! :)
Natapos ang ilang oras ay nakapagperform na kaming lahat. Hindi man kami ang CHAMPION, atleast ginawa namin lahat ng makakaya namin and we're proud of it. Ang saya saya dahil naipresent na namin yung ilang buwan naming pinapraktis.
Ang saya saya din kasi dumami yung mga friends ko.
Ang saya saya lahat!
And we really had fun.
Siya kaya naging friend ko din?
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ano kayang mga susunod na mangyayari after ng event na iyon? Naging friend din ba ni Anne si MR. TAHIMIK/SINGKIT? Stay tuned with my next update my dear readers. :)