“It’s been awhile since I felt something like this. The feeling that I’m so much relieved. The feeling after suffering pain.” ugh. Delete. Delete. Delete. Gumagawa ako ngayon ng pang-Group message ko. Gusto ko sanang iexpress yung pagkarelieve ko sa pagod dahil sa cheering namin eh. Nakahilata na lang kasi ako ngayon. After a long time! HAHAHAHA :) Kaso wag na nga. Itutulog ko na lang ata to.
After 5 minutes,
10 minutes,
15 minutes,
20 minutes,
25 minutes,
30 minutes,
And after 1 hour,
“Argh!” nakakainis naman, di ako makatulog oh. Makapagcomputer nga muna. Facebook time muna. Kung kailan namang gusto ko nang matulog di ako makatulog. INSOMNIA na naman. :(
Naglog-in na ako. Tingin tingin muna sa news feed hanggang nadako ako sa may notifications.
Uyyyy. Andami ko palang notifications oh.
Ikiclick ko na sana yun kaso mas excited ako dun sa dalawang friend requests ko. Kaya naman nagclick na ako.
Aba! Yung isa kilala ko ha. Yung isang nagging friend ko na in person dahil sa cheering namin.
“ACCEPT NA ITO!” ang saya saya naman nito. Atleast pati dito magiging friends na kami. :)
Nadako naman sa isa pa yung atensiyon ko. Sino kaya ito? Parang di ko ito kilala ha. Iaaccept ko kaya? Hmmmm, open link in new tab nga muna.
Tinignan ko yung profile picture kaso di naman mukha ng tao ito eh.
Next, tinignan ko yung albums niya kaso wala naman siyang picture ng sarili niya eh.
Tingin naman dun sa mga nakatag sa kanya at ayun na!
Sobrang nagulat ako sa nakita ko.
.
.
.
.
.
.
.
So Vince pala ang pangalan niya.
VIIIIIIIIIIINCE! :D
Yung Singkit na nasa right side ko nung cheering!
Hohoho. I smell something talaga dito sa boylalu na ito ha.
Noong una, nahuli ko siya ng ilang beses na nakatitig sa akin.
Pangalawa naman, parang nastarstuck siya sa akin dahil dun sa Santa Hat thingy noong Cheering Competition Day.
Tapos ngayon, in-add ako sa FB?
Alam ko naman na alam niya yung pangalan ko kasi yun naman ang tawag sa akin ng mga nakapaligid kong friends na sobrang ingay pero bakit niya ako in-add kung di naman kami nag-uusap noon?
Hindi kaya…TOTOO yung hinala ko? HAHAHAHA.
Ako magugustuhan niya?
Aysus!
Sigurado akong nag-aambisyosa na naman ako. HAHAHAHAHA. Sino nga ba naman ako di ba?
PROFILE: Anne
ü Isang babaeng kung makatawa e rinig hanggang sa kabilang bundok
ü Di naman kagandahan at hindi pa nag-aayos
ü Mataba
ü At higit sa lahat, isang babaeng mas lalaki pang kumilos kaysa sa lalaki
Kaya imposibleng may magkagusto sa akin. Hay, makatulog na nga! Naaalala ko na naman yung past ko dahil dito eh. :( Ayoko nang isipin yun kaya matutulog na ako! HAY.
*BTW, friend request ACCEPTED naman kay Mr. Singkit. Mabait naman siguro yun eh. Tsaka kilala ko naman kaya accept na din. Atleast not totally a stranger kasi nakatabi ko naman sa cheering.
------------------------------------------------------------------------------------------
Ang BITTER ni Anne no? Pano kaya matatanggal yun sa kanya? Keep reading my stories babies! :) Vote din kayo. :)