The Bet That Made It Possible [Kathniel]

166 2 1
                                    

No Prologue pero may epilogue...

First story ko po ito kaya constructive criticism is allowed

Vote, Comment and be a fan ^_^

___________________________________________________________________________________________________

Chapter 1: Ang seatmate kong walang paki

Andito na ako ngayon sa school. First day ng college ngayon kaya wala kong rason para maging late. Pinark ko ang aking sports car sa aking reserved parking area at sinalubong ako kaagad ng mga kaibigan ko. Hinayaan ko muna na i-admire ang bago kong sasakyan.

"Dude, bago naman? Porsche pa?", tanong ni Diego.

"May mata ka naman, di ba?", sagot ko.

"Marami raw ang magaganda sa kurso mo, DJ, pakilala mo sa amin minsan, ha", sulpot naman ni Neil.

"Pffft, first day pa lang nga eh", sabi ko.

At bago ang lahat, nakalimutan ko yatang magpakilala muna, ako si Daniel John Ford Padilla, gwapo, at mayaman. Kung sa tingin niyong mahangin ako, sorry just stating the obvious. XD. May ebidensya naman ako eh, si Papa ay CEO ng tatlong malalaking mga kompanya sa bansa at si Mama ay may-ari ng isang sikat na bakery/cafe na may branches nationwide. Kami rin ang nagmamay-ari ng halos lahat ng mall sa area namin.Kami rin ang nagmamay-ari ng kung anu-anong ka eche burechehan na nandiyan. Aaminin ko namang playboy/casanova/chickboy/player ako bawat 3 araw mayroon akong bagong babae, matagal na rin kung magkasama kami nang isang linggo.

"Sige mauna na ako", sabi ko. Ayoko kong ma-late eh. Habang papunta ako maraming nagtilian ngumiti ako sa mga fangirls ko. Ngiting parang baliw pero kahit ganoon, gwapo pa rin.

Pumasok ako sa aming unang klase, sinalubong ako kaagad ng isang halik mula kay Zharm, temporary girlfriend ko. Too bad, I'm gonna dump her today (Naks, may english pa akong nalalaman). Ibinalik ko naman ang halik niya. Sanay naman ako sa PDA eh. Kami yata ang may-ari ng school kaya alam niyo na, exempted.

KKKKRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIINNNNNNGGGGGGGG

Binigyan ko muna ng isa pang halik si Zharm tsaka umupo sa seat ko. Nagsimula namang magsalita si Ms. Guevarra.

-Blah

-Blah

-Blah

Ang naiintindihan ko lamang ay kung ano ang dapat sundin. Boring. *sigh*. =_=.

Nang biglang, "Sorry ma'am I'm late"-some stranger

Hinihingal yata.

Tiningnan ko ang legs niya, 'Tangina, ang kinis'. *lipbite*. Hindi ko pa rin makita ang hitsura niya kasi naka-sideview siya tsaka obscured ang face niya ng kanyang buhok. In fairness pang-shampoo commercial ang buhok niya, long silky black hair.

'Gusto ko nang makita ang mukha niya' sigaw ko sa isip ko. E bakit nga ba matagal ang usapan nila ni Ms. Guevarra. >____<.

"Okay lang iyan Ms. Bernardo pero sa susunod huwag ka nang mahuhuli or else maca-cancel ang scholarship mo. Doon ka umupo sa tabi ni Mr. Padilla", sabi ni Ms. Guevarra.

Marami namang nagreklamo dahil doon, mga babae yata. Haha, grabe magkatabi lang reklamo kaagad. Pumunta siya kaagad sa tabi ko.

o____o

Nakita ko ang hitsura niya...

Ang ganda, sobra

Parang prinsesa, hindi parang anghel.

Parang, diyosa. 

Morena, mataas ang ilong, at umaapaw ang sex appeal. 

Ang perfect niya.

Ngumiti ako sa kanya, yung makakalaglag-panty.

Tiningnan niya ako ng masama. >o<

Si Ms. Guevarra patuloy pa rin sa pagsasalita habang ako dumadamoves lang kay Kathryn habang tinitingnan siya nang masama ni Zharm. Nang tumunog na ang bell umuna na ako sa labas, naghihintay sa susunod kong biktima, si Kathryn Bernardo. Break naman eh.

"Hi, ako si Daniel Padilla, sama na lang tayo sa susunod na klase", sabi ko nang makalabas siya.

"No thanks, hindi ako nawawala. Tsaka hindi ka naman di ba Lost and Found officer", sagot niya.

Lost and Found officer? o.O

Sakit mo namang magsalita.

Nagpatuloy siya sa paglalakad, sinundan ko siya.

"E ililibre na lang kita sa lunch mamaya", alok ko ulit.

"Huwag na, baka kailangan ko pang magbayad ng utang", sagot niya.

"Libre na lang kita ng snacks", sabi ko uli.

"Kailangan ko nang makapunta sa klase", sabi niya tsaka lumakad papalayo.

'Hmmm, Interesting New Girl'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Bet That Made It Possible [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon