"ANO'NG ginagawa niyan dito?" Mommy Deb asked, containing her irritation.
It's 10:00 am, two days after they left Anilao. Jerry parked in front of Sam's house and rang the bell.
One of the maids opened the gate for him and ushered him inside the compound. He handed over the box of cake he was holding. His driver bought it from a famous cake store the night before.
"Ewan. 'Di ba nabanggit ko sa 'yo na nagpaalam sa 'kin na manliligaw? Baka uumpisahan na." Daddy Dennis calmly replied.
They were in the dirty kitchen preparing for breakfast, and the area leading to the gate is slightly visible. They saw Jerry even before the helper advised them of his presence.
Naikwento ng asawa kung paanong iniligtas ng binata sa kapahamakan ang kanyang anak sa batangas ng ilang ulit. Utang na loob niya iyon kay Jerry at kahit paano'y nabawasan ang hinanakit niya dito, ngunit hindi sapat para gustuhin niya ito para sa anak.
Hindi kayang takpan ng dalawang beses na pagsagip ang sakit na idinulot niya kay Sam. Ayaw na niya sa binata para sa anak kahit noon pa. Alam niyang walang magandang idudulot ang pakikipag-ugnayan dito. She was proven right five years ago at hindi niya hahayaang masaktan ulit ang anak niya.
"Ligaw?! Alas diyes ng umaga, aakyat ng ligaw? Ano 'yan intsik?" sarkastikong tono ni Mommy Deb. "Huwag mong ipapagising si Sam. Puyat 'yon." Dagdag nito.
"Walang ginagawang masama 'yung tao. Dumadalaw lang." Depensa ni Mang Dennis.
"Wala pa," giit ng asawa nito, "aantayin mo pang may mangyaring masama sa anak mo?"
"Deb, matalino ang anak mo. Nasa hustong gulang na rin. Hayaan mong siya naman ang magdesisyon para sa sarili niya. Ayaw mo bang maging masaya ang anak mo?" paliwanag ni Mang Dennis.
"Gusto. Kaya nga hindi siya dapat mapalapit sa lalakeng 'yan. Baka nakalimutan mo na ang ginawa ng Jerry na 'yan sa anak natin noon." Napapatigil sa pag-aayos ng plato si Mommy Deb sa lamesa habang binibigyang diin ang mga salita.
"Hindi ko nakakalimutan, pero panahon na para bigyan mo ng karapatan ang anak mong maging malaya. Bigyan mo s'ya ng pagkakataong mamili, magmahal. Kung masaktan man siya ulit, choice niya 'yun." He tried defending the situation. "Paano kung dun pala siya sasaya, na mali pala tayo ng akala. Na nagbago na pala 'yung tao?
"Naku, Dencio!" tawag ito sa kanya ng maybahay kapag inis, "Kapag may nangyaring masama sa anak mo, ikaw ang sisisihin ko."
"Ang aga-aga masyado kang high blood. 'Wag mong pangunahan." He tried to make light of his wife's displeasure. "Halika na't nag-aantay 'yung tao. Ipagawa mo na muna 'yan kay Belen." Aya nito sa asawa.
Nagpatiuna si Mang Dennis lumakad patungong sala. Nadatnan niya ang binatang nakaupo sa mahabang sofa, tumayo ito nang makita siya upang salubungin.
YOU ARE READING
A Life With You (Book 2)
FanfictionFour years in the making... Let's rekindle the love story of Jerry and Sam as we share their journey to a timeless forever.