WALANG kaalam-alam si Sam sa pagdalaw ni Jeremy sa bahay nila kahapon. Wala siyang panahong makapag-isip nang nagdaang dalawang araw. She was exhausted when they arrived from Batangas at buong araw lang siyang natulog. The following morning, kinailangan niyang magrehearse para sa gagawing show sa susunod na buwan.
She sighed as she looked out the window of her white SUV. Binabagtas nila ang kahabaan ng C5 patungong Bonifacio Global City para sa location shooting. Her reflection stared back at her as she sat at the back of the vehicle. It's almost midnight, making it difficult to see the outside, the streets barely illuminated with lamp posts.
"Hay." She released another sigh as she sadly looked down at her phone, playing with it in her hand.
Bakit ka ba malungkot, Samantha? Ano'ng iniisip mo? Why are you so worried? sunud-sunod na tanong niya sa sarili.
Wala siyang mahanap na sagot. Wala, o natatakot ka sa maiisip mong sagot? Nagtatalo na naman ang mga mumunting tao sa utak niya.
For the last five years wala siyang inisip kundi trabaho. "No time for love." Ito palagi ang sagot niya sa tuwing tatanungin siya ng mga reporter kung bakit wala pa siyang kasintahan. She welcomed the over-protectiveness of her parents after what happened between her and Jeremy. Mas naging mahigpit ang mga ito, lalo na ang Mommy niya. She didn't mind. After all, "love brings nothing but heartache," that was her mantra sa mga nagdaang taon.
Was? Bakit past tense na, Samantha? Iba na ba ang paniniwala mo ngayon? tukso ng isip niya.
Beep! Beep! Nabaling ang atensiyon niya nang bumusina ng malakas si Kuya Tinoy. Nagising din si Mang Dennis sa passenger seat, "Sorry po, ma'am. May bigla kasing tumawid e." Napapailing na sabi nito.
"Hay naku, ang mga pinoy talaga kahit kailan. Alam na ngang bawal, tapos kapag nadisgrasya, sila pa galit." Mataray na bulalas ni Meg sa tabi niya.
"'Yaan n'yo na 'yun. Buti na lang matalas ang mata mo, Kuya." puri niya sa driver. "Malayo pa po ba tayo?"
"Malapit na po, ma'am." Sagot nito habang lumiliko pakanan, "Nandito na po tayo sa may BGC area." Lumingon ito kay Meg, "Ano'ng street nga ulit 'yun?"
"Ituturo ko na lang sa 'yo, Kuya. Kakaliwa po tayo sa susunod na stop light." Sagot ni Meg habang nakatingin sa Waze sa hawak nitong cellphone. Bumaling siya kay Sam, "Okay ka lang?" nag-aalala siya para sa alaga. Kanina pa ito tahimik. She knows, more or less, what the other woman is thinking. Ay teka lang, let me correct myself --- Who.
Yeah, okay lang ako, 'te." She smiled faintly.
Alam niyang higit pa doon ang gustong itanong ni Ate Meg sa kanya but she appreciates that her personal assistant respects her privacy.
Hindi niya napansin ang pagpasok nila sa parking area at paghinto ng sasakyan. "Sam, we're here." Meg tapped the back of her hand lightly as she prepared to get out of the vehicle.
Nakita niyang nakababa na rin ang ama sa sasakyan. As she puts her cellphone inside her handbag, fixed her red tee-shirt, and ran her hand through her tied hair, questions continue to pop inside her head. Ano kaya ang ginawa niya ng tatlong araw? Saan kaya siya nagpunta? Naisip niya kaya ako?
Naalala niya ang mga nangyari sa Anilao. Magkikita na ulit kami. She felt butterflies in her stomach at the thought.
Stop it, Sam. For all you know, may girlfriend na 'yung tao. He was just being nice to you dahil may pelikula kayo. She let out another sigh as she climbed out of the SUV.
********************
A/N: Bakit parang super confused ka, Sam?
YOU ARE READING
A Life With You (Book 2)
FanficFour years in the making... Let's rekindle the love story of Jerry and Sam as we share their journey to a timeless forever.