Chapter 10
(fast forward).....
Until now I'm still sad that we lost the championship. Syempre last year na din ni Mother F :( Haaaaay. I am here in La Salle, yeah even though it's sunday nagbabakasakali lang ako na andito yung prof ko naisipan ko kasi ipasa yung project ko ngayon, wala lang gusto ko may gawin ako ngayon kasi kung wala maiisip ko lang yung pagkatalo namin medyo fresh pa sa utak and I need to move on. Sa game kasi may matatalo talaga at mananalo. So pumunta ako sa faculty room nila sana andito. Sinilip ko yung room at nakita ko siya yes! hindi sayang pinunta ko dito. Lumapit na ako sa kanya.....
"Good morning Sir, here's my project. Sorry if I wasn't able to pass it yesterday kasi po nagtraining kami nung friday and fina---"
"I know Ms. Galang." kinuha niya yung project ko. Oo nga naman natural alam niya na finals game kahapon excuse nga ako eh.
"Sige Sir thanks for still accepting my project. Have a good day Sir."
"You too. Bye the way you and your team did a good job yesterday even though you lost against Ateneo, La Sallian community are still proud." I just smiled. Kahit minsan boring yung class discussion nitong prof na 'to may sense yung mga sinasabi. Nabawasan yung lungkot ko.
"Animo! La Salle!" sigaw naman ng buong prof sa faculty room. Natawa na lang ako at lumabas.
Now, I don't know where to go. I want to keep myself busy but I don't have something to do. I don't have classes today.
Hmmmm How about going back to dorm? tahimik pa dun kasi madaming umuwi sa bahay nila kahapon. Si Kim lang andun saka si Carol, mamaya pa uuwi sila Mika and Kambal.
Bahala na. Biglang medyo humangin may puno kasi Hmmmmmm refreshing naman ng hangin. Ah sa field na lang tamang tama super tahimik dun ngayon wala din training mga soccer player kasi Sunday.
Naupo ako dito sa may ilalim ng puno pero may grass pa din dito kaya hindi masyadong madumi upuan. Time check 9:30 na pala.
I sighed habang inaalala ko pa yung nangyari kahapon. I closed my eyes.
Thrice-to-beat kami. Hooooooh!
Game 1: 17-25, 25-23, 25-13, 25-20.
Nakakalungkot kasi hindi namin nahabol.
Game 2: 25-14, 25-20,19-25, 26-24
We won!!! Ang saya sa feeling! Pero kailangan pa namin talunin ulit ang Ateneo sa game 3.
Game 3: 25-21, 25-23, 18-25, 16-25, 17-15.
ito... ito talaga yung part na nakakapanghinayang. Kaunti na lang malapit na kami manalo. Inabot kami ng 5th set...
Kaba, isa sa mga naramdaman ko. Ikaw ba naman sa crucial point, yung tipong kailangan lahat na ng galaw mo sigurado, no errors, yung serve mo dapat sure inside na talaga kung hindi para kang nagbigay ng isang regalo na labag sa kalooban mo.... nagbigay ka ng puntos. 16-15 in favor of ateneo.
"Prrrrt!" pumito yung referee. Kim committed a violation daw. That time syempre malulungkot ka na kasi panalo na ang ateneo pero kailangan muna ipaglaban ng Captain, ang beast mode sa court, ang captain na matapang sa court pero malambing at mabait kapag off-court, The Aby Maraño... Kinakausap ni Ate Aby yung referee, sa aming anim sa loob ng court siya lang pwedeng lumapit dun kaya inabangan ko na lang but the moment na tinaas nung referee yung kamay niya sa lady eagles side napayuko na lang ako sa lungkot, wala eh desisyon ng referee yun di ba? sabi niya double touch daw and illegal attack ewan ko, siya ang nakakita eh, kapag ang referee na ang nagsabi ng violation kailangan sundin, para saan pa yung nandun ang referee kung hindi susundin nagkaroon pa ng referee di ba? Tanggapin na lang dapat.... Madami nagreact about dun sa call especially mga fans, may nabasa din ako sa twitter na nalulungkot sila dun sa call, mas lalo naman kami but we have to accept it and focus on game 4.
BINABASA MO ANG
Game Over
FanfictionWhat if the game you're playing is finally over? And then you realize one thing "If I could only turn back time." But it's over, it's finally over.