Love On A Duet

88 4 1
                                    

Kriiiiiiiiiiing. . . . . . .

Finally! Tapos na ang klase. Makapunta na nga sa music room. Magpapraktis pa kami para sa band contest ng mga ka band mates ko. Vocalist kasi ako eh kaya hindi pwedeng mawala. Pero 5 months later pa naman yung contest (Just so you know!). We just want to do some advance training and practicing.

Oo nga pala. Ako si Megan Alcantara. 4th year student na ako. Actually honor student ako at running valedictorian pa. Hmmpft. Nakakalungkot lang kasi last year ko na to sa high school at magkakawatak-watak na kami ng mga loka-loka kong classmates. Talagang mahilig din akong kumanta atsaka sumayaw pero mostly pagkanta ang ginagawa ko. Naiinspire kasi ako sa tuwing nanonood ako ng mga performance ng K-pop idols kasi ang galling nilang kumanta at ang galling pang sumayaw. Kaya nga naging K-popper ako eh! Ayun, dahil sa hilig ko nga ang pagkanta eh nag audition ako bilang vocalist ng Moonbreaker, ang pinakasikat na banda dito sa aming school. Pinalad naman ako at ako ang nakakuha sa posisyon. Ang dami ko kayang kalaban at napaka galing pa nila! Dahil sa pagiging vocalist ko dun eh naging sikat na rin ako dito sa school (Charooot!).

Palabas na sana ako sa room namin nang may nakita akong interesting sa laptop ng kaklase ko.

“Omo~ Di ba MV yan ng Love Day by Yoseob and Eunji?” Sa mga nagtataka, yang “omo” ay Korean word for oh my god or oh my. Gumagamit rin kasi ako ng mga Korean words to express my K-popper spirit.

“Yep! Kado-download ko palang nito. Grabeh! Ang gwapo talaga ni Yoseob te! Makalaglag panty!” Ang chaka naman nitong si Nika oh! Hahaha. Pati panty pinagsasali sa mga kalokohan niya sa K-pop. K-popper din kasi yang si Nika. Kami nga palagi ang nagsasama at nag chichikahan. Halos lahat ng topic namin ‘pag nag-uusap kami ay K-pop. Syempre yung mga gwapong K-idols ang pinagdidiskitahan namin. Kulang na nga lang eh pumunta na kami sa Korea at halayin sila eh. Muahahahaha!

“Hahaha! Ikaw talaga! BTW, ang ganda talaga ng boses nilang dalawa noh? Yoseob’s vocals+Eunji’s vocals=PERFECTION! Tapos ang cute din ng meaning ng song. Bagay talaga sila. *sigh*” (A/N: see the video beside this. yan yung MV ng Love Day)

“Oh ba’t ang laki ng buntong hininga mo?”

“Ah, eh. . . .  . . . . .wala. Alis na nga ako. Baka malate pa ako sa praktis namin.”

Nakaka-inggit yung sina Yoseob at Eunji. Kahit di sila tunay na couples eh feel na feel ko pa rin na ganun sila dahil sa kanta at harmony ng boses nila. Sana makahanap na ako ng lalaking makakaduet ko na katulad nilang Yoseob at Eunji. Yun bang magtutugma talaga yung boses namin at makakagawa kami ng magandang blending. Yan kasi ang isa sa mga pinapangarap ko. Isa pa, gusto ko rin na yung lalaki na yun ay ang makakatuluyan ko. I really want to make good music with that certain guy forever.

Agad naman kaming nag start ng practice pagka dating ko sa music room. Ako nalang pala ang inaantay nila. Shockz! I hate it when I’m late.

[After 1 hour]

Tapos na ang praktis! Mukhang mananalo kami nito ah! Hahahaha! Ang galling kaya ng Moonbreaker! Jeez. Nakakapagod nga lang. Good thing hindi ako napaos kasi halos lahat ng kanta na prinaktis namin ay may mataas na pitch.

“Megs, una na kami ahh! Dali-an mo na rin jan para di ka magabihan.”, sabi ni Kuya Syd, ang drummer namin. Nagku-kuya ako sa kanya dahil mas matanda siya sa’kin ng 1 year. Aba! Mabait kaya akong bata!

“Opo kuya!” Nag volunteer kasi ako na ako na ang mag-ligpit ng mga gamit at maglinis dito sa music room noon kaya stuck in the moment ako palagi dito tuwing hapon. Pero temporary lang naman ito. For 2 months lang naman.

Tapos na rin ako sa paglilinis! Maka upo na nga muna! Mag re-regain muna ako ng energy mga atii!

Na bore naman ako sa kauupo kaya hindi ko na rin napigilang kumanta.

Love On A DuetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon