Ikalawa, ikalawang araw ng January nagkaroon officially ng tayo.
Nung panahong yun, masasabi ko talagang merong ikaw at ako, merong tayo.
Sa panahong yun, wala tayong ibang inisip kundi ang maging Masaya.
Napakasaya natin,na sa panahong yun hiniling ko na sana tumigil ang oras upang ang pagkakataong yun ay hindi matapos na.
Hindi tayo nagkaroon ng paki kung ano man ang magiging tingin ng iba.
Babe, naalala mo pa ba kung gaano at paano natin ramdam ang pagmamahal ng isa't isa?
Naalala mo pa ba kung pano tayo naging isa?