Lima, limang buwan naging tayo.
Limang buwan na kasiyahan na dinaig ng isang minutong hiwalayan
Limang buwan na pag iibigan na dinaig ng mga mumunting salita na napakalaki ng pait at sakit na dinulot sa aking puso.
Mga salitang simbolo ng iyong pag lisan at pagsuko.
Mga katagang iyong binitawan na walang dahilan,
Tika mali, meron pala, merong dahilan
Dahilang kay simple lamang ngunit hindi ko maintindihan
Hindi ko nga ba naiintindihan o sadyang hindi ko lamang iniintindi dahil hindi ko matangggap ang mga salitang iyong binitawan.
Mga katagang "hindi na kita mahal", ay mali ito pala "hindi kita minahal"
Babe naman, bakit ka ganyan? Ngayon pa ba? Na ang taas at ang dami na ng ating pinagdaanan?
Bakit ngayon ka pa sumuko? Bakit ngayon pa kung kailan naniniwala at umaasa na ako sa iyong mga pangako?
Mga pangakong tayo na hanggang sa huli.
Masakit, sobrang sakit, sakit na hindi ko alam kung kailan mag hihilom o kung maghihilom paba?