PANGUNGULILA

16 0 0
                                    

Araw-araw nagtatanong sa sarili kung ako'y nararapat bang mabuhay
Mabuhay sa isang mundo na tanging pangugulila lang ang nadadama
Dahil ni minsan ako ay hindi nyo pinakitaan nang saya
Saya na dapat nadadama pero kabaliktaran lang ang pinadama

Nagtatanong sa sarili kung ako'y nararapat bang mabuhay
Dahil ni minsan di man lang magawang bigyan pansin
Pansin na dapat ako ang makakakuha pero sa iba nyo binigay
Binigay sa isang bata pero hindi naisip na may isang bata nangugulila sa inyo
Isang bata na dapat puro ngiti ang pinapakita sa iba
Pero tanging iyak, hagulgol ang nagagawa dahil sa inggit na hindi dapat madama
Pagmamahal na dapat madama pero inggit lang ang nakukuha at pangamba

Ni minsan natanong sa sarili kung ako'y dapat mabuhay
Mabuhay na dapat binigyan ng pagmamahal ng hindi mabigay ng iba
Pero ito ako nanghihingi at nanghihiram ng pagmamahal na dapat ako ang nakakaramdam
Nadadama sa magulang na naging dahilan kung bakit ako nabubuhay
Nabubuhay na puno ng inggit at pangungulila sa magulang
Sa magulang na dapat magbibigay sa akin ng kakaibang uri ng pagmamahal na hindi matitimbangan ng iba
Pero heto ako ngayon nanghihingi,nangungusap na ako'y bigyan ng kahit katiting lang na pagmamahal
Pagmamahal na dapat ako ang nakakadama pero pinaparanas sa iba
Sa iba na hindi niyo man lang kilala
Pero heto ako na galing at bunga nyo hindi nakaranas ng inyong pagmamahal

Nagtatanong na lang lagi kung ako'y dapat mabuhay
Dahil sa damdamin ng inyong pinaranas at binibigay
Damdaming puno ng pighati,tampo at matinding lumbay
Lumbay dahil sa nadaramang pangungulila sa magulang na dapat sa akin na gumagabay
Pangungulila na pilit tinatabunan ng pagmamahal na galing sa ibang kamay
Kamay nyo na dapat umaalalay sa oras ng aking paglalakbay
Paglalakbay na gapat may sandigan nyo ngunit kayo'y lumagapay

Nagtatanong kung ako'y nararapat pang mabuhay
Sa buhay na ang tanging dahilan ay ngiti nyong sumisilay
Sumisilay bunga ng iba at dahilan ng aking pagkapilay
Pagkapilay tuwing kayo ay may ibang akay-akay
Akay nyong na sa akin ay regalong tunay
Ngunit isa lang itong mithiin na bunga ng matinding pangungulila

POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon