Maaga akong nagising dahil sa katok ni kuya axer sa kwarto ko.
Isasabay na daw nila ako sa pagpasok sa school.
Kaya sumabay na daw ako sa kanila.
And take note: NO CHOICE na daw ako!
AYOKO NGA! HUHUHU
"Kuya naman, kaya ko nga kasi pumasok mag-isa, magcommute nalang ako!" Pagprotesta ko habang pababa kami ng hagdan.
Si kuya axel naman, nasa labas na naghihintay sa loob ng kotse ni kuya axer.
"Di pwede. Sasabay ka at sasabay ka. No more buts!" Sabi ni kuya axer sakin, nakatalikod.
"Ayoko nga kasi kuya! Kaya ko sarili ko!" Medyo irita ko nang sabi habang sumusunod sa kanya.
Huminto si kuya axer sa paglalakad at tumingin sakin ng seryoso.
Naku naman! T_T
"Yoona Hernandez!" Seryosong banggit niya sa buong pangalan ko.
Patay na! Whole name ko na binanggit niya! Tsk! Tsk!
"Sorry kuya."
Ayoko nga kasi sumabay eh!! Ang kulit!! Nakakainis!!
"Let's go! Malelate tayo."
Sabay lakad ulit niya palabas ng bahay.
Kaya no choice na talaga ako kung hindi ang sumunod nalang.
Badtrip!
Si mama at papa, maaga daw umalis sabi ni manang (yung taga linis ng bahay namin) May importanteng pupuntahan daw.
Sayang wala sila dito! Isusumbong ko sila mamaya! Huhuhu
"Hi, negs! Goodmorning!" Bati ni kuya axel sakin na nasa shotgun seat ng kotse ni kuya axer.
Walang good sa morning ko kuya! Kainis kayo! Bully!!
Di ko siya pinansin at diretso pasok nalang sa backseat.
"Ay! Badmood si negs!" Pang asar ni kuya axel sakin
"Shut up. Kuya!"
"Yoona!" Maawtoridad na sabi ni kuya axer
"Sorry, kuya!"
Tumawa lang si kuya axel sa harapan. Tiningnan ko siya ng masama.
Kainis talaga!! Umagang umaga ah!!
Pinaandar na ni kuya axer yung kotse niya. Tumingin nalang ako sa labas.
Badtrip talaga!
For reason na ayaw kong sumakay o sumabay sa kotse ay dahil nasusuka ako sa aircon ng kotse!
Since, naghighschool kasi ako noon. Nagpaalam ako kila mama at papa na magcommute nalang, kasi nasusuka talaga ako sa aircon ng kotse.
Ps. Sa aircon lang ng kotse hindi sa aircon ng kwarto ko. Magkaiba kasi amoy nila eh.
So, yun nga. Pinayagan ako nila mama at papa na magcommute noon.
Etong dalawa ko lang na kuyang baliw ang hindi pumayag. Kaya hatid sundo nila ako non minsan sa school.
Pero, lagi akong tumatakas sa kanila at nauuna nang umuwi sa bahay.
At lagi din silang nagagalit every time na nakikita na nila akong nakauwi. Kasi naghihintay daw talaga sila don sa school ko para sunduin ako doon noon.
At eto na naman, mukhang mauulit na naman ulit ang hatid sundo thingy!
Naku naman! College na ko eh.. T^T