Layuan moko
Nabilaukan ako sa sinabi nya.
"What!? Are you insane? Di kita kilala. Ngayon lang kita naka usap tapos sasabihin mo yan?! " gulat kong sabi.
"Ang dami mo namang sinabi. Kumain kana lang. " sabi nya sabay kumain na.
"Beb magpaligaw kana. Para magka love life ka naman. Hindi yung lagi kang third wheel samin ni andre " si honey habang nainom ng shake nya.
"Hindi pa ko baliw para magpaligaw sa hindi ko kilala. "
"Edi mag papakilala ako. I'm Hendrix. Ikaw anong pangalan mo? " aniya
"Pinag tritripan mo ba ko? Pwede ba itigil mo yang kalokohan mo. Dahil hindi nakaka tuwa. "
"Nagpakilala nako pero ayaw mo pa din. Ano pabang gusto mo? " aniya
"WALA! " sabay tayo ko. Napa tingin samin ang ibang istudyante. Tumakbo ako papuntang locker.
Grabe ano bang iniisip ng lalakin yun? Parang desperadong magka gf. Ang gwapo nya para magsalita ng mga ganun. Siguro playboy yun.
Discuss
Discuss
Last subject
"Okay class may groupings tayo. Para to sa project nyo this sem. Maaga ko na sinasabi para magka idea na kayo. Choose your group. 5 members lang sa isang group okay? Mag survey kayo sa ibat ibang lugar. Mga pagkain, cultura, at iba pa. Kahit sa ibat bansa o local lang. Tapos papasanyo nyo saken bago matapos ang sem na to. May picture at reaction paper okay? Yun lang class dismissed"
Pagka labas ni mr. Llago nag ligpit nako ng gamit.
"Pa grupo" aniya ni hendrix
"Mag hanap ka ng iba. Ayaw kita ka grupo" sabi ko habang nilalagay ang mga gamit ko sa bag.
"Sige hendrix samin kana! Nag iinarte lang tong, si jade " sabi ni honey.
"Okay yun naman pala eeh.. " aniya.
Hindi nako nag salita dahil alam kong kokontrahin lang ako ni honey. May ibang lumapit samin at nakumpleto na ang grupo. At umuwi na kami.
Pag dating ko kila honey agad akong sinalubong ni onin.
"Mauna na po kami tita. Salamat po sa pag babantay. " sabi ko habang kinukuha ang mga gamit ni onin.
"Hindi ba kayo mag hahapunan dito? " aniya
"Hindi na po. Okay lang po. Mauna na po kami. Nakakahiya napo eh. Sa susunod nalang. " sabi ko
"O sya sige. Mag iingat kayo aah? Txt nyo si honey pag naka uwi na kayo. "
"Sige po mauna na kami. "
Nang nasa elevator kami may humabol. Ghad! Sa dami namang makaka sabay eto pa. Pumasok sya at pinindot ang 5th floor.
"Anung floor kayo? " tanung nya
"Same" walang emosyon kong sabi
"Anak mo? "
"Hindi pinsan ko. "
"Hi, ako pala si kuya hendrix. Ikaw anung pangalan mo? " lumuhod sya
"Onin po." Naka ngiting sabi nya
"Ang cute mo naman. " aniya sabay kurot sa pisngi.
*Ting*
Bumukas na an elevator. Hinila ko agad si onin. At naka sunod naman si hendrix.
"Wait! " habol nya
"Ano nanaman? " walang emosyon kong tanung
"Pwede ba kong makipag kaibigan? " aniya
"Pwede naman. Sige mauna na kami. "
Pag pasok ko ng unit inayos ko agad ang gamit ni onin para bukas. After nun nag luto nako ng hapunan namin.
Nang maka tulog na si onin nag bukas ako ng social account.
*1 friend request*
*1 unread message*Clinick ko agad yung message
Hendrix Prince: Hi, please accept my request :)
Me: okay
Inaaccept ko naman ag request nya. Aba. Online ang loko.
Hendrix: thank you :)
Me: Welcome
Hendrix: sabay tayong pumasok bukas kung pwede? :)
Me: Hindi pwede. Hahatid ko pa si onin kila honey. Dahil mama nya ang nag babantay kapag nasa school ako.
Hendrix: okay lang. Hahatid natin sya tapos sabay tayong pumasok.
Me: inaantok nako. Sige ikaw bahala.
Hendrix: sige thank you. By the way . Can i get your number? Para kahit offline tayo may communications tayo diba?
Me: ang dami mong gusto. 09********* ayan. Pakilala kana kang aah. Matutulog nako bye.
Hendrix: thank you :)
Nag offline nako. Haaayyy.. Ang dami naman nung gusto. Sigurado naman akong pinag tritripan lang ako nun. Mga lalaki sa mundo ngayon hindi marunong mag seryoso.
Nag beep ang phone ko.
From: 09*********
Goodnight. Hendrix here :) susunduin kita dyan sa unit mo :)Gahd! Ang kulit. Hindi ko na nireplyan at natulog nako.
Kinabukasan after maligo at mag asikaso. May nag doorbell. I'm sure si hendrix yan. Pinag bukasan ko sya ng pinto. At naka ngiti.
"Goodmorning" masigla nyang sabi
"Tara na malelate tayo" sabi ko agad at lumabas kasama si onin.
Nang makarating kami kila tita hannah. Pinag antay ko nalang si hendrix sa sasakyan nya.
"Onin yung mga bilin ko sayo okay? Be goodboy. Bye i love you". Sabay kiss sakanya
Kumaway naman si onin saken at kinawayan ko din sya. Pag dating sa sasakyan agad namang pina andar ni hendrix ang sasakyan. Tahimik lang ang byahe namin. Hindi naman kami ganun ka close para mag usap ng kung ano ano. At hindi ako komportable sakanya.
"Uhm. Seryoso ako sa sinabi ko sayo nung nasa canteen tayo. " pag basag nya sa katahimikan
"Ang alin? Ang mang ligaw? Nababaliw kana ba? "
"Hindi." Simplen sagot nya
"Hindi moko ganun ka kilala para ligawan moko. At anun rason mo para ligawan ako? "
"Hindi naman sa lahat ng bagay kailangan ng rason. Atsaka na attract agad ako sayo. At pwede naman natin kilalanin ang isat isa habang nililigawan kita diba? "
"Ikaw bahala buhay mo yan. "
Nang maka rating kami sa school. Pinag titinginan kami ng mga istudyante. Sa gwapo ba naman netong kasama ko. Muka kaseng british ang muka ni hendrix. Matangos, mapungay ang mata. Kulay green ang mata, mahaba ang pilik mata, at natural na red lips. Kahit sino ata mapapa oo netong lokong to.
"Layuan moko." sabi ko at binilisan ang lakad
"What? Why? may problema ba?" sabi nya at hinigit ang braso ko.
"Wala. ayoko lang sayo." Inalis ko ang kamay nya.
"Then tell me. Bakit ayaw mo saken?"
"Wala. ayoko lang kaya pwede? layuan moko."
"Ayoko." Seryoso nyang sabi.
tsk. ano bang gagawin ko sa lalaking to?
YOU ARE READING
Always in my Heart (Part 1)
General FictionThis story is fiction. Including name, character, events, places etc. P. S. First story ko kaya hindi akl marunong hahaha! Please vote :)