Part 2: Lucky Roommate

3 1 0
                                    


Narating ko ang pinto ng aking magiging kwarto. Sigurado andito n rin ang magiging roommate ko.

I knocked at the door three times, then i heard someone say "come in!" from the inside of the room.

Ginamit ko ang aking susi para mabuksan ang pinto.

Never in my life na nagkaroon ako ng roommate, even nung college ako sa mga dorms and even after graduating. nasanay akong ako lang magisa, and of course sa pagiging OC ko na rin siguro, mas gugustuhin ko na ring mapagisa sa aking tirahan, kesa sa mastress pa ako sa kalat ng ibang tao. I will give exception kay Ali kasi best friend ko naman siya at matagal na kaming magkakilala, and i know ayaw rin nya sa magugulo. This is going to be the first time na may makakashare akong ibang tao, aside from Ali. This is gonna be a new experience for me, sana lang matino ang makakasama ko.

"AWESOME! I didn't expect to see you this soon at ikaw pa pala si 'lucky roommate' na magiging roommate ko" masayang pagbati saakin ng isang lalaki na ngayoy nakaupo sa Living room ng aming suite habang ikinukumpas ang kanyang mga kamay na parang tinatawag ako nito. "Bryan right?" tanong pa niya. "Nice naalala pa nya pangalan ko, this is a good sign" sabi ko sa aking sarili. "bry nalang" sabi ko para mejo mabawas bawas naman ang pagiging formal.

"Yes, ako nga. Nice to see you again. And unexpected ikaw pa pala magiging roommate ko. Nice to see you again Matt" sabi ko sakanya habang hila hila ko ang aking mga gamit papasok sa living room and to make a good impression, binanggit ang kanyang pangalan para masabing attentive ako sa naging conversation namin kanina.

Inikot ko ang aking mga mata sa boong suite at sobra akong namangha, pagpasok mo sa pinto ay may maikling hallway na iyong lalakaran na sa kaliwa ay isang pintuan kung saan makikita ang guest bathroom, bubungad ang isang kitchen at dining area na may good for 6 people na dining set, kompleto rin sa gamit ang kitchen. Two steps down ay ang Living room, may napakalaking TV sa gitna, Leather upholstered chairs and sofas, may mga paintings ding nakasabit sa wall at mga iba pang gamit pra maging moderno ang lugar. Sa left side ng Living room ay may grand piano, katabi nito ay ang pinto papunta sa isang kwarto, sa right side naman ay ang isa pang kwarto. Nakakamangha sa sobrang luwang at ganda ng lugar. hindi ko inexpect na sa ganitong room ako maaassign, para bang nanalo ako sa pa-raffle tuwing christmas party or kung may anong event sa office namin or better yet, para bang nanalo sa lotto, yun yung datingan at may bonus pang poging lalaking magiging roommate mo hahaha.

"So, saan mo gustong magstay? pick your room. Talagang hinintay ko munang makarating ka bago ako nag-ayos ng aking mga gamit. ayoko namang maging selfish sa magigng karoommate ko." pahayag nito na parang nagbigay ng pressure saakin sa pagpili ng aking kwarto.

"Actually, i dont mind kung saang side ako, hindi ko rin naman alam kung anong itsura ng mga rooms dito ehh, ineexpect ko ngang sa isang maliit na room lng ako magsstay sa hotel na to hehe. So ikaw nalang mamili ng room mo, I'm gonna be fine." sagot ko sakanya.

"Well both rooms are same lng naman, very identical nga kung tutuusin. Im just concerned kung saang side mo gusto, just thinking na baka naniniwala ka sa mga Fung Shui, or kung ano mang paniniwala na may swerte pag pinili mo kung anong side or position ka sa isang lugar." sabi nito na nagpatawa saakin and at the same time nagpa amaze saakin dahil sa pagiging concerned nya sa ibang tao.

"hahaha grabe naisip mo pa yun? pero thank you na rin. i dont believe in such things, para saakin ang swerte ay kusang dumarating. Luck is something unexpected and not planned. hahaha" paliwanag ko. "Anyways, back to picking my room, sige dito nlng ako sa right side, may nakapagsabi kasi saakin dati, 'if you're unsure, take the right'" pagpili ko ng aking magiging room na nagpatawa rin sakanya.

The Convention (Men x Men)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon