STWM 5

97 2 0
                                    

A/N: Maraming salamat sa mga nagbabasa nito! -Rei :)

STWM 5

AS LONG AS the door closed behind them, Emsy felt hot lips trailing sensual kisses from the back of her neck down to her shoulder blades.

Hindi niya na alam kung saan napunta ang suot na blazer. The man she's with rendered her oblivious of everything. Pakiramdam niya'y sila lamang dalawa ang nasa mundo. She felt like only the two of them matters. And that's odd.

Warm hand ran down the curves of her body; caressing her flat stomach, and another on her back, searching for the zipper of her dress. As his sinful lips continued to assault her bare neck, she could feel the bulge in his torso poking her bottom.

"I want you now." His warm, minty breath fanning her ears, sending a tickling sensation all over her skin.

Wala sa huwisyong napatango na lamang siya sa tinuran nito. Kinabig siya nito paharap at agad na siniil ng halik ang kanyang mga labi. He groaned and she moaned between their kisses. Emsy wrapped her arms around his neck and pulled him closer, while he placed a hand at the back of her head for support.

Habang patagal nang patagal ay papusok nang papusok ang mga halik nito sa kanya. Ang isa nitong kamay na nakapulupot sa kanyang bewang ay unti-unting ibinababa ang zipper ng kanyang dress. She could feel his hands expertly removing the strap of her dress until it revealed her bare shoulders.

He broke from their kisses and Emsy almost protested when she heard him chuckled. Kunot ang noong nagmulat siya ng mata at sinalubong ang napapantastikuhang abuhing mata nito.

His eyes . . . she could stare at them all day. Nakakagaan sa loob. Looking at them felt like a home she never had.

"Patience, my love," he said still chuckling.

His one hand slowly, as if teasingly, undressing her, while the other lifted her chin. Pinaglapat nito ang kanilang mga labi at ang tanging nagawa niya na lamang ay ipikit ang mga mata at damhin ang mga mata nitong tila minememorya ang bawat sulok at anggulo ng kanyang mukha.

Her dress fell to the cold marble floor.

"HOY, MARIA CATARINA MADRID! Wakey-wakey! You're so kaderder! Ano't umuungol ka riyan?"

May pagpoprotestang iminulat ni Emsy ang mga mata kapagkuwan ay malutong na napamura matapos mauntog ang ulo sa bintana ng lumang kotseng sinasakyan. Sapo ang nanakit na parte ng ulong tumingin siya sa labas ng umaandar na sasakyan at sa muli'y muntik nang mauntog matapos maraanan ang manaka-nakang bakong daan. Hindi iyon konkreto. Talagang lupa pa.

At habang binabaybay nila ang daang iyon na may nagtatayugang niyog sa bawat tabi ay saglit siyang napaisip. Nangunot ang kanyang noo at namimilog ang mga matang waring nabato siya sa p'westo. Unti-unting nilalamon ng takot at pangamba ang kanyang sistema. Nasapo niya ang nagririgidong dibdib 'pagkuwan ay 'di na napigilang sumigaw.

"Oh my God! Nasa'n ako? Nasaan ako?!"

Isang sampal sa kaliwang pisngi ang nagpatigil sa kanya mula sa paghi-hysteria. Masakit? Oo. Parang iyong sampal ng isang nanay . . . tama lang para patigilin siya. Nang lingunin niya ang may gawa noon ay muli na namang nangunot ang kanyang noo. Ngunit kahit paano'y nakahinga siya ng maluwag matapos makita ang todong nakasimangot na mukha ng baklang kaibigan. Nasa passenger seat ito sa unahan at hindi maipinta ang mukha habang nakaharap sa kanya. Nakamuwestra pa sa ere ang isa nitong kamay na sa tingin niya'y ginamit nito sa pagsampal sa kanya.

Seducing the Wrong ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon