EKSADZ 2

496 0 0
                                    

Perez Dasmariñas.

Isang mayabong at malawak na lupain sa lalawigan ng Kabite. Ang malaking bahagi ng munisipalidad na ito ay ginawang reclamation area ng mga dayong mamamayan sa kabisera ng Maynila. May mga lupang sakahan din... mga palayan... ilang daanang kinakalsada pa rin at mga matataas na bangin na pang-iwas nila sa matinding pagbaha. Ang mahabang ilog dito na tumatagos sa katabing munisipalidad ng Poblacion Ardiente ay ang pinanggagalingan ng malinis at matipid na katubigan sa nayon. Sakop na rin ito ng MeRaLCo na nangungunang taga-suplay ng kuryente sa buong kapuluan ng Luzon. Kasalukuyang pinamumunuan ito ng kanilang alkaldeng may hawig kay Regine Tolentino na ang kabiyak na lalaki ay kanila namang kongresman. Ang pinaka-unang alkalde ng buong munisipalidad na ito ay si Don Narciso Perez na ikinabit ang pangalan sa lugar. Dito na rin kinuha ang pangalan ng mataas na paaralan sa sentro ng bayan na may malawak na 'Open Field'... ang Don Narciso High School o DNHS.

Umaga at ang piling mga mag-aaral na maagang nagsipagpasok sa muling pagbubukas ng paaralan ay nagsipagpilahan sa paligid ng flagpole para sa kanilang inaabangang flag ceremony. Ang mga nakaunipormeng guro ay nakaagapay sa kanilang mga estudyante para sa partisipasiyon sa magiging seremoniya. Ang mga buwaya ng paaralan (guwardiya) ay masugid na nagtse-tsek din ng mga pumapasok na tinedyer kung sila ay kumpleto sa uniporme, nakapang-palda ang mga babae, may suot na I.D., kung tama ang haircut sa lalaki, walang kahina-hinalang gamit sa katawan... baril o kung anuman, nakasara ng maayos ang zipper ng mga pantalon, walang nagko-cross dresser, walang over-make up, walang naka-tsinelas, walang... yun na! Hindi sila talaga masyadong istrikto sa mga estudyante lalo na kung para rin naman sa kaligtasan ito ng lahat. Sa pagdating ng kanilang principal na naka-wheel chair na dahil sa sakit ay magsisimula na rin ang pagtugtog ng martsa at pag-aanounce ng pagdarasal upang tuluy-tuloy na makapagsimula sa pag-aakyat ng watawat ng Pilipinas sa pole.

"Manong... abot pa ba?", usisa ng tinedyer na nakauniporme at bitbit ang bag. Maganda ito sa kanyang paldang berde at titingin sa mga guard na nagbantay sa gate

"Ahm...", banggit ng nakausap na lalaking guwardiyang malaki rin ang tiyan at titingin sa mga nakapilang estudyante, "Sige na ineng! At magsisimula na ang flag cemerony!"

"Ay! Ceremony po... Salamat Manong", wika ng tinedyer na nakauniporme at didiretso sa pilahan ng kaniyang section. Isasara na ng guwardiyang nakausap ang pintuan ng gate ng paaralan upang wala nang makaistorbo sa isasagawang seremoniya

Sa pagpunta ng nakaunipormeng tinedyer sa kaniyang pila ay kikibuin naman siya ng nasa unahang babae na may klip na paru-paro sa kaliwang bahagi ng kaniyang buhok na kulot.

"Uy! Alex...", bungad ng babaeng may klip sa kakilala na mapapansin din ang bagong ayos nito, "Aga natin ngayon ah! Anong nakain mo?!"

"Ha???", mahinang wika ng tinedyer na tatayo ng matiwasay sa pila at titingin sa harapan. Itatabi niya rin ang bibig sa kakilala upang kausapin ng pabulong, "New Year na eh! Nagbabagong buhay lang teh! Ano ka ba!"

"Eh... di wow! Hmm...", banggit ng naka-klip at magtutuluy-tuloy sa seremoniya. May nagkumpas para sa Pambansang awit na susundan ng Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas at sa bansang kaniyang sinasagisag. Aawit din ang lahat para sa Himno ng kanilang lalawigan... ng kanilang bayan... ng kanilang eskuwelahan... at ang exercise routine na 'Kadiwa Song' sa pangunguna ng isang Song Leader mula sa isang pangkat sa Grade 10 na si Michael Agripa. And here is how it goes...

Chorus:

Hinahanap-hanap kita... Kadiwa

Ang ingay mong kay sarap sa tainga

Mga jeepney mong nagliliparan

Mula DBB hanggang Paliparan

Take me back in your arms... Kadiwa! (Kadiwa!)

EksadZWhere stories live. Discover now