Labasan na ng mga estudyante, opisyales at ilang guro ng Don Narciso High School sa paglubog ng araw.
Ang pultahan ay napuno na naman ng mga nagsisipaghintayang mga katauhan upang makasakay ng dyip pauwi sa kani-kanilang mga destinasyon. May mga may bitbit ding naka-bisikleta at ilang motorsiklo na pinapayagan sa paglalakbay basta't naka-helmet sa daan. Nagpalitan na rin ng shift ang ilang guwardiya sibil habang ang ibang opisina ay unti-unti na ring nagsasarahan ang pinto upang iwanan na nga sa gabi.
Habang naglalakad sa corridor ang magkaibigang sina Alex at Qwai palabas ng eskuwelahan ay kanila namang makakasalubong ang isang estudyanteng babaeng may brown envelope kalalabas lamang ng palikurang pambabae at biglaang magtatanong kay Alex.
"Ahm... Excuse me, puwede po bang magtanong kung anong oras na?", tanong ng babae sa naglalakad na si Alex. Mapapahinto rin ang dalawang magkaibigan
"Ah...", nabiglang sagot ni Alex at titingin muna sa cellphone na dala bago magsalita, "Alas singko y kuwarenta na ng hapon po"
"Ah... sige! Salamat!", nakangiting banggit ng babae kay Alex hanggang tapikin ni Qwai ang kaibigan at ilalapit ang bibig sa tainga ni Alex upang makabulong
"Girl... saglit muna ah! Naiihi na rin ako eh!", bulong ni Qwai at iiwanan sa kaibigang si Alex ang ilang librong hawak kabilang na ang Earth Science
"O siya! Hintayin na lang din muna kita rito!", sambit ni Alex at katabi sa sulok na maghihintay rin ang babaeng nagtanong ng oras sa kaniya
Mabilis na tutunguhin ni Qwai ang palikuran habang patuloy na nagmamasid sa paligid ang dalawang naiwan malapit sa corridor.
"Marami rin palang nag-aaral dito anuh!", banggit ng babaeng may hawak pa ring brown envelope kay Alex, "Mabuti at marami ring nagtitiyagang magturo sa kanila"
"Ay naku... sinabi mo pa!", sambit ni Alex sa kaniya, "Mas magiging masaya at produktibo pa nga sana ang lahat ng naririto ngayon kung hindi lang dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan ng assistant principal nitong eskuwelahang ito!"
"Assistant Principal?", tanong ng babae at mapapaisip, "Si... Dr. Chavez?"
"Yup!", sambit ni Alex, "Maraming mga competition at pa-contest sa labas ng school maging mga public and private sponsors ang umayaw sa eskuwelahang ito dahil nga sa napapabalitang ninakaw raw ni Dr. Marce Chavez ang lahat ng pondong para sa mga estudyante at guro sana. Maging ang matagal na proyekto nga rito na Olympic-sized swimming area ay hindi na natuloy gawa niya. Sobrang maraming estudyante ang nagambala lalo pa't inaasahan nilang malaki ang maitutulong sa kanila ng swimming area lalo pa't karamihan sa mga naririto eh hindi na naliligo sa bahay nila. Sa swimming pool na lang sana sila aasa... haaay... tsk tsk tsk!"
"Ganun ba?", banggit ng babaeng may hawak pa ring brown envelope kay Alex, "Hindi ko alam na may ganoong kontrobersiya pala ngayon dito sa DNHS!"
Mapapansin ng babaeng kausap ni Alex ang paglabas ng kaniyang dalawa pang kaibigan mula sa pinanggalingan ding palikuran. Mapapaisip na rin si Alex nang kaunti.
"Teka??? Bakit mo pala naitanong iyon?!", sambit ni Alex na tatapat sa kausap
May biglang tatawag sa babaeng kausap ni Alex at tatabihan na rin ito sa gilid.
"Zuset!", hiyaw ni Jaja na ang gilid ng unipormeng pambaba ay medyo basa-basa
"Are you ready for the cell session in church later?", tanong ni Mahan at mapapansin din ang kakilalang si Alex sa tabi
"Ah... siyempre!", nakangiting wika ni Zuset na bitbit ang brown envelope at titingin kay Alex, "Siyanga pala... si..."
"Alessandra!", nakangiti ring sambit ni Alex at kakamayan ang tatlong babae, "Alex for short!"
YOU ARE READING
EksadZ
Humor"Ang susunod na mababasa ay hindi gamot at hindi dapat gamiting panggamot sa anumang uri ng sakit"