Became Dota player

13 0 0
                                    

Hi. Ako nga pala si Eric Di kagwapuhan,Di kaputian,Di katangkadan,Di mayaman, at Hindi rin matalent.
Isa lamang akong hamak na Dota player at estudyante na naghahangad o nangangarap ng isang tunay na pagibig na makakapagbigay kulay sa aking buhay.

Araw araw dota sarili ko lagi kong naiisip sarap siguro sa pakiramdam nung bata gigising ka lang ng walang kaprobleproblema kaya pag uwi ko palagi..Lagi rin akong nasesermonan sermon dito sermon doon walang inatupag kundi dota..

Pero isang araw nagising ako sa katotohanan. At napagisipan kong umiwas sa pagdodota at gawing makulay ang aking buhay.

Nagpasya ako sa sarili ko kung maghanap na kaya ako ng babaeng mamahalin at gugustuhin kong makasama. Pero.. Mahirap. Dahil isa akong torpe at alam nyo naman katangian ko. Di ko alam paano ko sisimulang lumapit sa babae dahil wala naman akong gaanong alam tungkol sa pagibig dahil siguro nga nalulong na yung utak ko Sa pagdodota.

Pero one time.. Gr.7 isa lang akong hamak na batang uhugin o walang inisip kundi magpapasaya sa sarili. Nagkaroon ako ng kaibigan pero di naging madali,kaibigan na binubully ng iba. Masakit man pero wala akong magawa di ko man lang matulungan siguro nga madami o matatangkad sila at di naman sa natatakot maguidance gusto ko lang maging malinis ang pangalan ko. Pero.. Isang lalake o kaklase ko ang biglang nagsalita at tumabi sa amin.

"Eric,Baka naman gusto nyong sumama sa akin na magdota" bago lang ako sa school at siguro nga bago rin siya. Pero di naman kami maalam magdota.

"Paano kami makakasama sayo kung di naman kami marunong magdota?" Meron naman akong ideya sa pagdodota pero bata pa ako nung huling nakalaro nun at di na ako maalam.

"Madali lang!,sumama kayo sa akin at tuturuan ko kayo" at yung mga ang nangyari sumama kami Kay Marvin para turuan kaming magdota.

Nagulat kami ng ipakita niya sa amin ang nilalaro niyang dota,"Dota ba yan?!" Tanong ko..

"Oo naman,Ito yung bagong Dota na kinaadikan ng lahat,Dota 2" nagulat ako ng may dota 2 na pala dahil dota 1 lang ang alam kong laruin dati. At yun nga tinuruan niya kaming maglaro at sama sama at magakakatabi kaming naglaro nila Marvin,Albert,Duffy,julius. Pero sa totoo lang di naman talaga namin kaibigan nung una si Duffy dahil syempre ako,si Albert at julius lamang ang magkakasama o magkakaibigan. Pero ng dahil sa dota naging kaibigan na rin namin si Duffy.

At lumipas yung araw o taon masaya kaming mga nagkakilala at naglalaro palagi ng Dota. Siguro nga nakakalimutan ko na magaral ng dahil sa dota pero.. one time ng Bigla nila akong yakagin ng dota nung Gr.8 hiwahiwalay na kami nung section nun kaya di ko alam kung paano ako makikisama sa iba sa pagdodota

"Eric! Baka naman gusto mong sumali sa amin aa dota pustahan" pero syempre medyo kinabahan ako at di ko alam sasabihin ko dahil siguro nga di ako sanay makipagpustahan sa dota dahil Di ko pa mga kilala makakalaban at mga kakampi ko. Pero napasagot naman ako.

"O sige ba! Pero sino ba makakalaban natin? Lorenz?"
Si Lorenz ay kaklase ko ngayong gr.8 medyo mataba at maitim kaya medyo nakakatakot kaya nakakahiya naman kung tatanggi pa ako para exp narin sa nakipagpustahan na ang kalaban sa loob lamang ng campus.

"Katabing section lang natin,sila Duffy at yung mga kaklase niya" Nagulat naman ako ng malaman kong si Duffy pala makakalaban ko na kaibigan ko ng gr.7 at palagi kong nakakalaro.

Medyo kinakabahan ako dahil kakalabanin ko sa dota yung dati kong kaibigan nung gr.7 at nagsalita naman ako "Ahh sige,Anong oras ba?" Tanong ko'

"4:15 sa cyber kita kita na lang" at dumating na nga yung oras na awasan na kami magisa akong nagtungo sa cyber at pagkarating ko nakita ko sila dun at bigla akong tinawag ni Lorenz at yung iba ko pang mga kaklase "Eric,Tara upo ka na dito ng makapagsimula na. ikaw na lang iniitay" di ko alam ako na lang pala iniintay at puro nakatingin sa akin medyo kinakabahan nga ako dahil parang galit sila kung makatingin sila sa akin. Wala pa nga akong ginagawa sa kanila then dumating na yung oras na naglalaro na kaming lahat na may halong trashtalk mula sa mga kakampi ko. At nakaramdam Ako ng kaba nung nasa kalagitnaan na kami ng clash. Pero di ko pinansin yung kaba dahil kasama sa pag lalaro yun. Dumating yung oras na nabasag ancient namin at natalo kami.

"Sorry mga tol. Talo tayo!" Sabi ko sa kanila habang nakayuko ako.

"Okay lang par,bawi na lang next time" ang saad ni lorenz.

At dumating yung araw na nagpabili sa tatay ko ng PC o computer at nagpalagay ako ng dota 2 at nagbatak ako araw araw para makabawi sa pustahan.

Moment with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon