Chapter one

2.6K 68 1
                                    

Chapter ONE

"TOL- Dm!" halatang nagulat silang apat nang biglang dumating si DM sa Isla ng walang pasabi. As usual nasa RS Isle nanaman sila to escape the sham in the city.

"Hindi halatang na-miss ni'yo ko!" nakangising sabi niya nang tuluyang makalapit sa mga kaibigan na agad siyang sinalubong ng isang brotherhood hug.

They tap his shoulder and shake with their fist. What he didn't expect is when the four of them slap him hard at the back afterwards na halos ikasubsub niya sa billiard table.

"Tado! parang may lihim kayong galit ah."

Nginisihan lang siya ng apat saka pahagis na ibinigay sa kanya ang isang Cali drink in can.

Halos ilang taon din kasi nilang hindi nakita ang binata magmula ng makapasa ito sa isang detective agent sa London. They visited him once but to their disappointment ay hindi nila ito nakausap ng matagal dahil nasa isang undercover mission ito at naging sobrang busy sa bagong trabaho kaya minsanan nalang silang makapag-usap. Nagkataon din na pare-pareho silang naging subsob sa kanya-kanyang trabaho. Four of them still seing each other occasionally, minsan ay tumatambay pa rin sa RS Isle, unlike DM na sa London na nanirahan sa nakalipas na limang taon.

It happen very fast, ang huli nilang alam ay kasama ito sa mga nagraid sa isang drag racing ng mga kabataan. It was successful. Pero iba ang naging epekto nito sa kaibigan nila na madalas ay may malalim na iniisip. DM is one of the top agent of NBI crime division, kaya halos lahat ng nakakakilala dito ay nagtaka sa biglaang desisyon.

May mga nag-iisip na baka may threat itong natatanggap. But they know DM, he's not a coward hindi simpleng death threat lang ang magpapabahag na buntot nito. Kaya naging palaisipan sa kanila ang totoo.

Five years ago, DM, is one of the outstanding agent of NBI and at the same time a grand champion in MotorCross. Kaya hindi nila inaasahan ang biglaan nitong pag-alis, pati na rin ang pagtigil nito sa pagmo-motorcross. They know how he love his sport, Kaya nga nagtataka sila nang igive-up iyon ng kaibigan. They wanted to ask and pry on his problem, but they knew him too well- Kaya naman hinayaan nalang nila ang kaibigan sa naging desisyon nito.

" Pare, are you staying for good?" tanong ni Matt habang nakasandal sa billiard table at may hawak na bote ng Vodka.

Saglit na natigilan si DM sa narinig na tanong kaya nilingon niya ang kaibigan kasabay ng pagkibit-balikat.

"Umamin ka nga pare may pinagtataguan ka ba?" nakakalokong tanong ni Jden na sinigundahan naman nila Brice at Ryder. "Oo nga pare, don't tell us nakakaramdam ka na ng takot.

"Lol, sino namang pagtataguan ko? Magtatagal ako dito, okay? Isa pa plano ko na ulit bumalik sa racing field." sagot niya na ikinalapad ng ngiti ng mga kaibigan niya.

"That's good to hear pare!" saad ni Brice na sinabayan ng tapik sa balikat. "Nasosolo na msyado ni Ryder ang mga Chicks eh!" dagdag biro nito.

"True, alam mo bang hinahunting ka pa rin ni Alona hanggang ngayon!" pang-bubuska ni Ryder na ikinatawa ng ilan kabaliktaran naman niya na natahimik lang.

Sa narinig ay napabuntong-hininga siya. Hindi isang Alona ang gusto niyang makita. Sa ilang taong pamamalagi sa ibang bansa ay pilit niyang kinalimutan ang totoong rason kung bakit siya nagpakalayo.

Maybe he's really a coward, not in terms of fighting using physical strenght. he's a coward, in terms of emotional. He doesn't want to admit it, kaya mas pinili niya ang magpakalayo, malayo sa babaing hindi rin nawala sa kanyang isipan sa nakalipas na limang taon. Noong una ay pinasusundan pa niya ito para alamin kung ano ang pinagkaka-abalahan nito. May pagkakataong umuwi siya nang malamang naaksidente ito pero hindi naman siya nagpakita rito, maging ang mga kaibigan niya ay walang alam sa pag-uwi niya. Bumalik lang siya sa London ng masigurong ligtas na ito. Magmula noon ay pinatigil na rin niya ang pagsubaybay sa dalaga kaya naman sa nakalipas na dalawang taon ay wala na siyang balita pa.

Dare to Race by: BreiljaelvicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon