Twety-Three

5.6K 73 4
                                    

"Coffee?"
Nakangiting inilapag ni Lucas ang kape sa lamesa ni Luree.

Napatigil tuloy sa pagtitipa si Luree sa kanyang computer at kunot noong tinitigan si Lucas.

"Salamat."
Tipid na sagot ni Luree at saka bumalik sa ginagawa. Naglahong bigla ang ngiti sa labi ni Lucas.

"Need help?"
Muling pangungulit ni Lucas sa sekretarya. Ngunit hindi manlang ito tinapunan ng tingin ni Luree.
Bagsak ang balikat na bumalik si Lucas sa kanyang lamesa.

Kanina niya pa iniisip kung anong problema ng sekretarya. Kanina pa kasi ito hindi pinapansin.

Napabuntong hininga si Lucas. Hindi naman iyon nakatakas sa pandinig ni Luree pero wala itong balak na gawin para mapagaan ang loob ni Lucas.

Ano ba, wala siya sa mood. It's a girly thingy.
At isa pa, nais niya ring matapos na ang tambak na dokumento sa lamesa niya.

"Hi Luree!"
Sabay na napatigil sa ginagawa si Luree at Lucas sa biglaang pagsulpot ni Cure.
Dikit na dikit pa ito sa babae na siyang nagpa-init ng dugo ni Lucas.

"Anong kailangan mo?"
Tanong ni Luree kay Cure. Isang malapad na ngiti naman ang isinagot ng binata sa kaharap.

"Pasok!"
Sigaw ni Cure at kasunod noon ay nagsipasukan ang dalawang makukulit at naghahagikhikang mga bata.

"Mamaa!"
Chorus na sigaw ng dalawa. Bigla namang nawala ang masamang aura na bumabalot kay Luree.

"Sweeties! Anong ginagawa niyo dito?"
Tanong ni Luree kay Sabrina't Cloud.
Sabay na itinuro ng dalawa ang ngiting ngiting si Cure.

"Dinala kami ni Tito."
Sagot ni Sabrina. Napangiti naman si Luree. Awwe, napaka-cute kasi ng mga anak niya.

"Pero may work pa si mama."
Sabi ni Luree nang maalalang may nakatambak pang papeles sa kanyang lamesa.

"Behave lang kami ma!"
Nakangiting sabi ni Cloud medyo nabubulol bulol pa.

"Okay baby."
Sabi ni Luree sabay gulo sa buhok ni Cloud. Napakagwapo ng batang ito, panigurado.

"Nga pala Luree, bakit nandito na sa loob ng opisina ni Lucas ang lamesa mo?"
Biglang tanong ni Cure. Isa pa iyan sa mga dahilan kung bakit ayaw pansinin ni Luree si Lucas.

Pagpasok niya kasi kaninang umaga ay bumungad sakanya ang bagong 'set-up' ng opisina ni Lucas.

"Ewan, tanong mo diyan."
Sagot ni Luree sa tanong ni Cure.
Todo simangot naman si Lucas sa naririnig na usapan.

Sakanya kanina'y tipid na tipid ang mga sagot ni Luree na akala mo eh may bayad ang pagbanggit niya ng bawat salita. Samantalang dito sa Cure na ito ay nakakapagsalita at sagot siya ng maayos.

"Dinalhan nga pala kita ng ice cream."
Muling saad ni Cure kasabay ang paglapag ng ice cream sa lamesa ni Luree na siyang ikinaasim ng mukha nito.

Kitang kita iyon ni Lucas kaya't labis na ang kanyang pagpipigil sa pagtawa.

"Ilayo mo sakin iyan."
Matabang na tugon ni Luree. Napakunot noo si Cure sa isinagot sakanya ng kaharap samantalang si Lucas ay tuluyan nang humagalpak ng tawa.

Nilingon ni Luree si Lucas at binigyan ng masamang tingin. Hindi naman nagpatinag doon si Lucas at patuloy pa rin sa pagtawa.
Nag uumpisa na ring mapikon si Cure sa mga tawa ni Lucas. Napahiya siya eh!

"M-may problema ba?"
Tikhim na tanong ni Cure.

"Bawal ako niyan."
Agad namang sagot ni Luree. Lalong napakunot ang noo ni Cure.

"Bakit?"
Muling tanong ni Cure.

"Tito, may mens po si mama!"
Pabulong na sigaw ni Sabrina kay Cure. Doon nagliwanag ang mukha ng binata.

"Kung ganon ay halika muna kayo mga bata at tayo nalang kakain nito."
Sabi ni Cure at binigyan ng isang ngiti si Luree. Sinagot naman ito ni Luree ng isa ring ngiti.



"Is he my son?"
Biglang tanong ni Lucas pagkalabas na pagkalabas nila Cure sa opisina nito.

Bahagyang napatalon sa gulat si Luree at alangang lumingon kay Lucas.

"H-ha? A-no ka ba...syempre hin—"

"Don't you dare deny it!"
Dumagundong ang boses ni Lucas sa loob ng opisina. Napapikit sa takot si Luree.

Wala siyang planong ipakilala si Cloud kay Lucas noon dahil natatakot siyang pandirihan ni Lucas ang bata.
Pero ngayong maski siya at ang naging trabaho niya ay tanggap ni Lucas..ipapakilala niya na ba ang anak sa kanyang ama?

Iyon ang bagay na gumugulo sa isipan ni Luree.

"Kaya pala.."
Bulong ni Lucas sa sarili.

"Kaya pala ganun mo nalang kung itago saakin ang batang iyon. Kamukhang kamukha ko siya."
Saad ni Lucas habang nakatulala sa pintong pinanggalingan ng 'anak'.

"S-sorry."
Mahinang tugon ni Luree.
Magagalit na ba sakanya si Lucas? O baka naman bawiin na nito ang anak niya! Hindi siya papayag doon! Hindi niya kaya.

"Just..please, introduce me to him."
Mahinahon na ang bawat salita ni Lucas. Tila nagsusumamo ito makilala lang ang anak.

Nais niyang magalit kay Luree sa pagtatago sakanya tungkol sa anak kaso sa tuwing naiisip niyang wala siya sa tabi ni Luree nung naghihirap ito sa panganganak at pag aalaga ng mag-isa sa anak ay nakokonsensya siya.
Mas nagagalit siya sa sarili niya.

Matagal niya nang gustong maging ama. At nangako siyang kapag dumating ang panahon na iyon ay magiging isang mabuting ama siya.
Pero anong nangyari? Ni hindi siya kilala ng anak niya!

"M-mamaya."
Napaangat ng tingin si Lucas kay Luree. Hindi ito makatingin ng diretso sakanya.

"Sumama ka samin, mamaya."
Muling sabi ni Luree.

Tama ba itong desisyon niya?
Hindi niya alam. Pero sa tingin niya oras na para kumilala ng ama ang anak niya.

My InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon