✏ MAPAPASAYA ANG IYONG MGA MAGULANG

11.9K 76 16
                                    

Upang sumaya ang mga magulang mo, kailangan mo rin silang intindiin mula sa kaibutaran ng iyong puso, at hindi yung lagi na lang sila ang umiintindi sa iyo. Maki-jive ka rin minsan sa kanila, kasi nga mga magulang mo sila.

Mga paraan kung paano mapapasaya ang iyong mga magulang:

1. Tapusin mo ang lahat ng mga gawaing-bahay o kahit na anong utos nila

2. Wag mo silang sumbatan, dapat maging masunurin

3. Ipagluto mo sila o kaya dalhan mo sila ng breakfast-in-bed

4. Panatilihin ang paggalang sa kanila, i-kiss mo sila sa pisngi o magmano sa pag-alis at pag-uwi mo sa bahay

5. Respetuhin mo ang kanilang rules and regulations

6. Ipakita mo sa kanilang mahal mo sila, bigyan mo sila ng letters o flowers

7. Wag kang mag-expect na magiging center-of-attention ka lagi sa kanila, busy rin sila, magmumukha ka lang brat niyan

8. Magsabi ka ng totoo

9. I-comfort mo kung malungkot sila sa tuwing may problema

10. Mag-aral kang mabuti, enough na yan para sa kanila na masuklian ang kanilang pagkayod sa trabaho araw-araw

Natataranta ka ngang sundin ang mga utos ng syota mo, sa nag-aalaga pa kaya sa iyo mula nung bata ka pa hanggang ngayon? Mas nirerespeto at iniiyakan mo pa ang iba kaysa sa mga magulang mo, hindi yata pwede yan. 

Hindi naman sa nag-stereotype ako, sinasabi ko lang yung napapansin ko sa karamihan ngayon. Mas pinapaboran pa kasi yung tama sa mali, kahit alam naman nilang hindi mabuti. At saka, yang mga magulang mo, magulang mo pa rin yan kahit ano pang mangyari. Ang pagiging magkapamilya kasi ay wala sa dugo, nasa puso. Mahalin mo ang mga taong mahal ka, dahil hindi sila nariyan habambuhay sa tabi mo. Lilipas ang mga araw na maiiwanan ka, o kaya ikaw ang mang-iiwan sa kanila.

One of the most beautiful thing in this world is to see your parents smiling. And the next big thing is to know that you're the reason behind that smile.

MGA PARAAN KUNG PAANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon