Wedding-2

1.6K 32 0
                                    

Daniel's POV.

Ako si Daniel John Ford Padilla isang simpleng lalaki na ang gusto lang ay mabuhay kasama ang babaeng mahal ko na si Kathryn Chandria Bernardo ang asawa ko..

"daniel andito na si kath ready kana ba? Sigurado ka bang ok ka?" tanong ni mama bago mag simula ang seremonya ng kasal

"ok lang po ako mama bilisan na natin ha at baka hindi pa umabot" pag bibiro ko, Nakita ko'ng ngumiti si mama ng pilit kahit nag babadya na ang mga luha nitong kanina pa pinipigilan

Bahagya ako'ng sumilip sa babaeng bagong pasok sa silid na to, nakakaproud palang makita siya sa suot niyang wedding gown lalo na kung alam mo'ng masaya siya ngayon dahil natupad ang isa sa mga pangarap namin

-

Kathryn's POV.

Nang makapasok ako sa kwarto'ng gaganapan ng kasal namin, hindi napigilang tumulo ng mga luha ko lalo na nung makita ko si daniel na nakangiti sa pwesto niya.

Bumibilis ang tibok ng puso ko, ganito pala yung pakiramdam? Akala ko date sa movie lang yung ganitong scene pero tingnan mo nga naman at ako na yung nasa pwesto tulad nung mga bidang babae sa napapanuod ko.

Nang makalapit ako sa kanya hindi ko na napigilan hawakan ang mga kamay nito, Ang gwapo niya kaya mas lalo akong naiyak

Eto yung pangarap niya date pa kaya masaya ako'ng matutuloy na to, Masaya akong maikakasal sa kanya.

Dream Wedding ( KathNiel )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon