Wedding-4

1.5K 30 3
                                    

Daniel's POV.

Nakaupo si kath ngayon dito sa tabi ko habang ang ibang bisita ay busy sa pag kain at kuha ng litrato sa buong venue.

"kath salamat kahit hanggang sa huli hindi mo ako iniwan 6 years mo ko'ng inalagaan ilang beses man hindi matuloy ang kasal natin noon naghintay kana mag karoon ako ng lakas kahit alam ko sa sarili ko'ng nawawalan na ko ng pag-asa.." umiiyak na sabi ko.

Puchaa di ko napigilang umiyak nakakabakla, pati tuloy to'ng maganda kong asawa umiiyak na din. Dapat ako yung nag papalakas ng loob niya eh, hindi dapat siya ngayon umiiyak.

"shhh wag ka ng masyadong mag salita yari ka sa kanila" humihikbing sabi ni kathryn

Pinunasan ko saglit ang luhang pumatak sa pisngi niya kahit hirap na ko'ng gumalaw.

Di ko na magawang mag salita kase feeling ko iiyak lang ako pag may isang letrang lumabas dito sa bibig ko kahit ata salitang "kath" iiyak ako?!

At anytime iiyak din ang babaeng to pag nakita na naman ako'ng umiyak.

Bakla mang tingnan para sa iba ang umiyak pero wala ako'ng pakialan dun basta ayoko lang na makita siyang nahihirapan ng dahil sakin dahil mahal na mahal ko siya higit pa sa buhay ko..

"D-doc? kailan po ba? bukas na ba agad, wala na bang extension?" pag bibiro ni kath kahit nag pipigil ng iyak.

"im sorry Mrs. Padilla" malungkot na sabi ng doctor habang tinatap ang balikat ni kath.

Tumango-tango naman si kathryn habang pinupunasan ang luhang takas sa mata niya. Lumingon pa ito saglit sa mga bisita at kayla mama na tahimik na nakikinig sa usapan namin, Saglit pa ay umalis na rin ang doctor para iwan kame ni kath.

Tumabi ito sakin habang mapait na ngumiti, hinawakan nito ang kamay ko at dahang-dahan hinaplos sabay halik sa mga daliri ko.

Tanggap ko ang masaktan ako pero ang makita ko'ng umiiyak si kath hindi ko kakayanin. Parang mas masakit yung makita siyang nahihirapan ng dahil sakin

Wala na ko'ng lakas pero pinilit ko parin yakapin siya mapalakas lang ang loob ng asawa ko, kahinaan ko ang pagiyak niya.

"kath umiiyak ka na naman alam mo namang kahinaan ko ang pag iyak mo mahina na nga ako lalo pa ko'ng nanghihina" pag bibiro ko sa kanya, Bahagya naman siyang ngumiti kahit pilit lang..

"d-daniel hindi kaba natatakot?bukas na kase diba?! K-kase ako parang hindi ko pa kaya eh mamimiss kita ng sobra! Hihintayin mo naman ako daniel diba? Lagi mo naman ako'ng babantayan diba? Hindi ba pwedeng sumama na lang ako sayo?!"

Kahit kailan talaga ang babaeng to napaka-iyakin hindi na nga ako umiiyak pero siya umiiyak parin.

"I-im sorry kathryn hindi na kaya ng katawan ko gusto ko lumaban para sayo, para sainyo ng pamilya ko! Pero hindi na talaga kaya ng katawan ko pinipilit ko naman eh yung katawan ko lang may problema. Alagaan mo ang sarili mo ha, doon lang ako sa taas mag aantay sayo kasama si jesus hindi niya ko pababayaan ako ang magiging guardian angel mo, Ayaw naman kitang isama dun lalo na kung malulungkot sila" sabay turo sa pamilya namin

"N-nalulungkot na nga sila kase aalis na ko, ayoko naman sobrang maging malungkot sila kung pati ikaw a-alis pa! Alagaan mo ang sarili mo mawawala muna ako hindi kita ma-aalagaan pero babantayan kita, huwag  ka'ng iiyak ayoko ng iiyak ka ha hindi ko na mapupunasan ang mga yan!! Basta maging masaya ka lang palagi para sakin, para sa mga kaibigan at pamilya natin ikaw na bahala mag pasaya sa kanila. Aalis muna ko mag papahinga lang yung katawan ko.. Sorry kath kung naging mahina to'ng katawan ko ha sorry kung iiwan muna kita sorry kung masasaktan kita sorry kung pinapaiyak kita!"

Nagulat ako ng yakapin niya ko, yumakap din ako pabalik ayoko pa siya bitawan ayoko siyang iwanan pero ayaw ng lumaban ng katawan ko pinipilit ko pero sila na yung umaayaw,

Mamimiss ko ang babaeng to mamimiss ko ang mga tawa niya, ang mga halik niya, ang yakap niya lahat mamimiss ko sa kanya.

Pag katapos niyang yumakap ay hinalikan ko na siya isang halik na mag papaalala sa kanya na hindi ko siya makakalimutan sa kabilang buhay.

"mag pahinga kana mas nahihirapan ako'ng nakikita kang ganyan! Pangako lahat ng sinabi mo gagawin ko pero maliban sa dalawa hindi ko ata magagawang maging masaya ng wala ka hindi ko rin ata magagawang hindi umiyak pag umalis kana. Mahal na mahal kita daniel, hindi ko man matanggap pero kung nahihirapan kana tatanggapin ko huwag ka lang masaktan.. Mag pahinga kana nandito ka lang oh sa puso ko hindi ka kakalimutan nito!" kath

Tumango ako dito sabay pinikit ko saglit ang mga mata ko, Hindi ko na kaya pagod na ko! Kaya bago pa ko mawala ay hindi ko kinalimutan sabihin sa kanya ang pinaka importanteng salita..

"mahal na mahal kita kath always and forever.."

Dream Wedding ( KathNiel )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon