ANAK, kailangan na nating mag migrate bakit ba ayaw mo pang sumama sa amin ng dad mo?" Nagsusumamong sabi ni Norrie Carillo. Ang mom ni Norren Carillo. Ayaw kasi nitong lumipat dahil ayaw niyang umalis ng hindi kasama ang teacher niya. Iyon ang dahilan. Ngunit hindi niya masabi dahil natatakot siya na baka mas lalo siyang pilitin na umuwi ng America kasama ang pamilya. Ang mga kuya niya kasi ay nandoon na. Umuwi lang ang mom at dad niya para bisitahin siya at muling pilitin na sumama sakanila.
"Mom, sasama naman po ako eh.. Pero hindi pa po ngayon" Nagmumuktol na sagot ni Norren. Ang daddy niyang si Adriane na umiiling-iling dahil kanina pa nakikinig sa usapan ng mag-ina niya na inabot ng mahigit isang oras para lang mapilit ang bunso nila na sumama na sa ibang bansa.
"Hayaan mo na siya hon, malaki na ang anak natin. Saka may tiwala ako sakanya, kaya tara na bago pa tayo maiwan sa flight natin" Hindi na nakapagpigil na sabi ni Adriane. Naka-nguso ang mom ni Norren na umalis at padabog-dabog pa. Natawa ang dad niya maski siya. "Hayaan mo na ang mommy mo, alam mo namang love na love ka nun. Syempre ako din dahil nag-iisa kitang anak na babae. Kaya palagi kang magiingat huh?" Ani ng Dad niya saka siya niyakap at hinalikan sa noo. Ngumiti siya saka mahinang tumango.
"Pasyensiya na po talaga dad, hindi po ako makakasama.." Pahingi niya ng tawad sa ama. Tumango ito at nag ok sign. Saglit siyang tinapik sa likod ng ama saka umalis bitbit ang mga gamit. Actually andito sila sa airport at ayaw talaga magpatigil ng mom niya. Dati pa kasi siya pinipilit nito pero ayaw niya. Ayaw niya muna ngayon dahil lagi na siyang napapansin ng Sir niya. Simula highschool baliw na baliw na siya sa gurong iyon pero mahina ang loob niya dahil nahihiya siya. At ngayong magtatapos na siya ng kolehiyo at naging teacher niya ulit ito, agad niya ng kinuha ang pagkakataon na mapalapit dito kahit parang hindi na ata siya nito naaalala. Pero ok lang naman... At least napalapit siya dito.
Kumaway siya sa mom at dad niyang napalingon sa gawi niya. Sinimangutan lang siya ng mom niya samantala ang dad niya ay ngumiti at nag flying kiss sakanya. Naiintindihan niya naman ang mom niya kung bakit ito nagtatampo kaya kahit masikip sa dibdib niya ay nilisan niya lugar na iyon at bumalik sa bahay niya.
NANG makababa ng sasakyan si Norren sa tapat ng Village nila, nakayuko lang siya habang naglalakad. Iniisip ang kanyang ina. Unting kembot na lang kasi bibigay na siya para sumama sa mga magulang pero lagi niyang naiisip si Mr. Joseph Ansus. Ang teacher niya. Napa-buntong hininga siya saka mas binilisan ang paglalakad ng hindi niya napansin na may makakasalubong pala siya at nabunggo niya ito. Dahil malaki ang katawan ng nabunggo niya, siya ang na out balance at kamuntikan ng mabagok kung hindi lang siya nasalo ng nakabunggo niya.
"Miss? Are you ok?" Napatitig siya sa lalaking naka-bunggo. Gwapo ito at halatang ka edad niya. Mistiso ang mukha at may mapupungay na mata. Napa-kurap kurap na lang siya ng pumitik ito sa ere. "Ok ka lang ba?" Muli nitong tanong sakanya. Mahinahon siyang tumango saka nginitian ito.
"Sorry..." Ngumiti ang lalaki sa sinabi niya. Napatitig siya sandali dito lalo na sa pisngi nito na may dimple.
"Ok lang yun, hindi mo naman sinasadya eh" Sabi nito sakanya saka inilahad ang kamay. "Jeff Salerso" Pakilala nito sakanya. Ngumiti siya saka inabot ang kamay nito.
"Norren, Norren Carillo" Sabi niya saka binawian ito ng matamis din na ngiti. Babawiin na niya sana ang kamay ng biglang may dumaan sa gilid nila at nasanggi sila nito. Mabuti na lang at napahawak siya kay jeff.
"Ay sorry, ang laki niyo kasing harang sa daan eh. Try niyong tumabi" Napanganga siya ng makitang si sir ansus ito! My god heaven! Pero ang nakakapagtaka lang ay madilim ang mukha nito. Kakausapin niya sana ang sir niya ng dire-diretso itong umalis.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni jeff na nakalimutan niyang kasama niya pala. Pilit siyang ngumiti dito.
"Ayos lang. Ah, sige.. Alis na ako" Paalam niya sa binata saka mabilis na tumakbo. Nagbabaka-sakaling maabutan niya ang guro, at hindi nga siya nagkamali! Pero malayo layo pa ang agwat nila kaya mas binilisan niya ang takbo para maabutan ito. "Sir! Sir! Sandali lang-" Napangiwi siya ng madapa siya at tumama ang binti sa isang malaking bubog na nasa sahig. "O-ouch..." Daing niya. Bakit ba ang malas ko ngayon- Napatigil siya sa pagiisip ng makita ang binti niyang dumudugo. Agad siyang napahikbi sa takot na parang nahihilo sa nakita niya. Takot siya sa dugo! For goodness sake!
"Fuck" Nakarinig siya ng mura sa pamilyar na boses. Ang ikinagulat niya na lang ay ng bigla siya nitong pangkuin at itinakbo sa kung saan man.
"S-sir!" Ngumangawang sigaw niya. Mahapdi ang sugat niya at sa tingin niya ay malalim iyon dahil sobrang daming dugo niyang nakikita. Nanginginig na siya sa takot at nanlalabo ang paningin kakaiyak.
"Damn! Close your eyes!" Natatarantang sigaw ng Sir ansus niya. Sinunod niya ito at mariing pumikit. Nanginginig parin siya sa takot kahit nakapikit pero nabawasan na kahit papaano.
Narinig niya na lang na may bumukas na pinto at inilapag siya sa malambot na sofa. Ng akmang didilat na siya ay agad na nagsalita ang guro niyang si sir ansus at binalaang huwag siyang dumilat hanggat hindi nito sinasabi.
"Ano ba kasing nangyari sayo?!" Sermon nito sakanya. Napakagat labi siya ng dumampi ang bulak sa sugat niya kaya bahagya siyang napa igik. "Sagutin mo ako Norren" Nagbabantang sabi nito.
"N-nadapa ako pagkahabol ko sayo..." Naiiyak niyang sagot. Narinig niyang Bumuntong hininga si sir ansus at sinabihan siyang dumilat na.
"Sakin ka lang tumingin huh? Huwag na huwag kang titingin sa sugat mo. Kukunin ko lang yung bubog" Tumango siya saka sinunod ang sinabi nito. Bigla siyang napa-igik at sunod-sunod na pumatak ulit ang luha niya ng biglain nito ang hugot sa bubog na nasa hita niya. Mahina siyang napahagulgol sa sakit. "Shhh... Sorry na... Sorry..." Sabi ng Sir niya saka siya niyakap at hinagod ang likod niya. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya sa mga bisig ng kanyang guro.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
General FictionMasama ba ang magmahal? Siguro oo.. Sa maling tao at maling lugar... 'di ba? Pero wala namang masama kung magmamahal ka sa maling tao o lugar eh... Kasi nga Mahal mo diba? Kaya gusto kong malaman kasi... Mahal ko ang teacher ko... Masama ba yun? Si...