Chapter 1

6 1 0
                                    

YVHONNE's POV

"Bes, alam mo na ba ang balita?"- naku naku, nakahanap nanaman ng chismis ang babaitang ito.
"At ano nanaman yun?"
"Patay na si kathyryn"
"Ako bes wag mo paglulukuhin. Di magandang biro yan."
"Promise bes, di ako nagbibiro, i swear"

Tinaas nya pa ang kanan nyang kamay upang masabing nagsasabi sya ng totoo.

"Sigurado ba yan bes? Pano? Anong nangyari?"
"Natagpuan syang patay sa likod nitong school, nakakatakot ang nangyari sa kanya bes, walang makitang ebidensya kung sino ang pumatay, pero karumaldumal ang pagpatay na ginawa sa kanya."
"What do you mean?"
"Tinanggalan sya ng mata at winakwak ang sikmura nya"

Anong klaseng tao yun? Napakasama naman nya, di sya tao sa ginawa nyang yun.

"Napakasama naman ng hayop na yun"
"Nakakaawa nga sya ehh, pati na magulang nya, sobra ang paghihinagpis sa pagkamatay nya"

Sobra nga naman ang nangyari kay kathyryn. Nakakaawa sya, sana naman mahuli na ang pumatay sa kanya.

"Saglit lang, pano mo nalaman yang mga kinwento mo sa'kin?"
"Bes, ano ka ba, usapan na yan dito sa buong campus, tapos ikaw walang kaalamalam"
"Hay naku ikaw talaga ubod ka ng chismosa, tara na nga sa room, malalate pa tayo"
"Okey"

Nakakapagduda naman ang nangyari kay Kath, kasi naman bakit dito sa likod ng school sya itinapon? Tsaka bakit napakabrutal naman ng pagpatay sa kanya. Mabait si Kath alam yun ng karamihan dito sa school, pero ang nagyari ngayon, bakit sya nagkaganun? Sigurado akong kaya walang lumabas na balita about dito sa nangyaring ito ay itinago nanaman ng head ng school ang nagyari dito, upang mapangalagaan ang reputasyon ng paaralan.

"Bes kanina ka pa tulala"
"Iniisip ko lang yung nangyari kay kath, hindi kaya...."
"Bes, hindi yun, wag mo na isipin pa ang nangyari"
"Sana nga hindi yun"
------

Ako si Yvhonne L. Barcelo, i'm a 3rd year college here in Athena University. Si Jackie C. Lagrason ang bestfriend ko, pero meron akong barkada dito, di ko nga lang sila kaklase kasi di kami sabay sabay nag enroll at magkakaiba kami ng course. Pero sana ang naiisip ko ay di na kailangan pang maulit.

ShhhhWhere stories live. Discover now