Chapter 11

0 0 0
                                    

JUSTINE's POV

Ang sakit pala na maranasan mo na ang taong mahal mo ay masaya na sa ibang tao at di ka na n'ya naaalala. Alam kong ako ang dapat sisihin sa nangyari sa amin, dahil hindi ko agad s'ya pinaniwalaan at nagpadala ako kay Lovely. Bawat araw na dumaan, bawat oras, minuto, segundo na lumipas s'ya pa rin ang nasa aking isipan dahil mahal ko pa rin s'ya, ngunit hindi lamang ito ang aking nararamdaman sa t'wing ako'y nasa paaralang aming pinapasukan kundi ang mga matang nakatingin sa'kin ngunit di ko mawari kung nasaan ito. Alam kong may sumusubaybay sa bawat kilos namin kahit na di nila ako kasama. Nandito ako sa kwarto ko ngayon nag-iisa sa malaking bahay na ito dahil may inaasikaso ang magulang ko. Sanay na ako mula pagkabata ay di ko na sila masyado nakakasama pero naiintindihan ko sila. Habang nagmununi-muni ako sa kwarto ko nakaramdam ako ng paninindig balahibo sa aking braso. Mahina lang ang aircon at sanay ako sa lamig ng kwarto ko, ngunit di ko maipaliwanag ang aking nararandaman ngayon, ramdam ko na may nakatitig sakin mula sa nakabukas kong pinto ng kwarto ko kaya naman tumayo ako upang saraduhan ito. Pasado alas 6 na din kasi ng hapon at kanina pa ako nakatambay dito sa kwarto ko dahil sabado naman ay di na ako nag abala pang lumabas ng bahay kasi wala naman akong pupuntahan. Naisara ko na nga ang pinto at babalik na ako sa aking kama ng pagtalikod ko upang bumalik dito ay napaupo ako sa aking nakita, isang nakalutang na babae ang aking nakita sa gitna ng aking kama at wakwak ang parteng tiyan nito't naagnas ang mukha, ngunit ipinagtaka ko ang suot n'yang uniporme dahil ito'y uniporme ng paaralan namin.

"Sino ka?" Tanung ko dito na hindi pinahalata ang takot.
"Kayo lang ang makakalutas ng pagbabalik ng nakaraan, kayo lang ang makakapigil upang mabuhay ang patay na, kayo lang ang makatutukoy kung sino s'ya, kayo lang ang makapagbibigay hustisya sa aming mga namatay. Wag kayong magtiwala agad dahil nand'yan lang s'ya nakaabang upang mapatay kayo." Malamig na turan nito habang nakatingin sakin at tila hirap na hirap na s'ya sa kanyang pinagdadaanan dahil wala pang hustisya ang kan'yang pagkamatay.

Sino ka ba talaga, at sinong patay ang mabubuhay. Ito ba yung sinabi nina Amae at Jessa na kapatid ng killer, ngunit bakit? Anong dahilan n'ya at ginagawa n'ya ang karumaldumal na ito na muling magbabalik sa nakaraan? Sino nga ba talaga ang killer?

Kailangan kong makausap ang barkda upang balaan sila at gumawa kami ng plano upang mapigil namin ito. Pero paano ko sila kakausapin kung ayaw nila ako kausapin?
------

KYLE's POV

"Kyle!" Tinatawag ako ni Justine ngunit di ko s'ya pinapansin. Nandito ako sa quadrangle naglalakad papunta sa Engineering Department.
"Kyle, kailangan ko kayong makausap" di ko napansin na naabutan na pala ako ni Justine. Ilang linggo na n'ya akong pilit gustong kausapin, una n'yang nilapitan si Jake pero di din s'ya pinapansin kaya ako naman ang pinipilit n'ya. Alam kong parang babae ang ginagawa namin pero naaasar lang ako sa kaibigan namin dahil nagawa n'yang pagtaksilan si Yvh na s'ya pa nagpapayo sa amin na masama ang magtaksil. Tsk tsk.
"Kyle please kailangan ko kayong makausap, importante ang sasabihin ko. Please." Naaawa ako kay Justine dahil mukha s'yang nangangayayat na, at mukhang kulang lagi sa tulog.
"Mamayang break time sumama ka sa'kin" pumayag na ako sa gusto n'ya dahil mukhang seryoso s'ya.
"Salamat" ngiting sabi n'ya.

Pagkatapos nun nauna na ako sa room namin at tinapik ko na lang balikat n'ya. Mukhang may hinala na ako sa sasabihin n'ya. About nanaman ito sa nangyari 4 years ago. Justine hindi lang ikaw ang pinagpaparamdaman, dahil last day may nangyari rin sa'kin.

**Flashback**

Nandito ako ngayon sa cr pero kanina pa ako may nararamdaman. Napatingin ako sa likod ko dahil ramdam ko na may biglang dumaan dito, dahil nakita ko sa peripheral view ko. Nagtataka ako pwede ba ang babae dito sa cr ng boys? Mukha kasing babae, haist baka naman yung mga bakla lang na mga nagpapahaba ng buhok. Wala namang kaso sa'kin ang mga gays, pero kailangan ba talagang ipaglantaran yun? Tsk tsk. Haist, baliw ka na nga Kyle, pati sarili ay kinakausap.

"Psst"

Ehh? Sa pagkakaalam ko walang tao dito kundi ako, di ko naman naririnig na bumukas ang pinto ehh. Lalabas na nga lang ako, at kung ano-ano na pumapasok sa isipan ko, baka pag nalaman ng barkada to pagtawanan ako. Naku, naku.

"Psst"
"Sino ka ba? Sitsit ka ng sitsit, lumabas ka dyan sa kabilang cubicle, di ako napatol sa bakla no. Di tayo talo tol" Inis na sigaw ko pagkalabas ko sa 3rd cubicle na pinasukan ko. Ayaw ko kasi mag jingle sa labas, maraming gays ang napasok.

"Psssssst"
"Anak ng teteng, sun-"

Di ko natapos kung ano sasabihin ko, dahil sa pagharap ko sa likuran ko ay napaatras ako ng pagkalayo hanggang sa masandal ako s pader. Isang duguang babae ang nasa harapan ko ngayon, gulo-gulo ang buhok at may lumalabas na dilaw na likido sa bibig nito na nakakasulasok ang amoy.

"Mag-ingat kayo, malapit na" Sabi ng babae sa harapan ko.
"A-ano ang m-malapit n-na?" Tanong ko na di maiwasan ang pangangatal at pagka-utal.
"Wag kayo magtiwala kahit kanino, kayo lang ang makakalutas nito. Nandyan lang sya at nagmamasid sa inyo, maraming buhay ang kapalit kung di nyo mapipigilan ito." Titig na titig lang ako sa babae at iniisip ang mga sinasabi nito. Hindi kami nagkakamali. Tama ang hinala namin, magbabalik ang nangyari noon.

Di ko namalayan na sa pag-iisip ko ay wala na ang babae sa aking harapan.

**End of Flashback**

ShhhhWhere stories live. Discover now